Chapter 25

919 27 0
                                    

ANGELICA’S POV

SATURDAY NGAYON! At eto ang araw na ipapakilala na ako bilang Ricafuente. Naayos naman na lahat ng papeles ko and napalitan na talaga ang family name ko. Mamaya magiging official na ang pagiging RICAFUENTE ko na hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa -_- Unang una, papasukin ko ang mundo ng mga mayayaman. Pangalawa, hindi ako mahilig sa party at hindi ko hilig ang makipagplastikan, sa mga social gatherings na katulad nito hindi maiiwasan yun -_-

Kung ano-ano pinagawa sa akin ng aking dakilang nanay. ‘Mommy’ .... hays. Ang una naming ginawa ay magpaspa, kailangan ko daw marelax muna then sabi ni mom bukas magpapaspa pa ulit kami dahil for sure paguran ang event mamaya, after nun nagpafacial kami... nail spa... at kung anik-anik na spa. After nun, pumunta kami sa isang botique, namili ng jewelries... may naganap pang katakot-takot na pamimilit sa aming dalawa dahil AYOKO SA MGA MAMAHALING JEWELRIES, eh ano naman kasi gagawin ko sa mga yun di ba? Pero syempre wala akong nagawa, binilhan pa din ako. 3 hours before ng party, inayusan na ako. Sa isang hotel gaganapin yung party ko ‘daw’ kaya andito ako sa isang kwarto ng hotel na to na five star -_- sabi nila five star daw to... edi five star xD Hindi ko na ikwekweno ang kalunoslunos na pangyayari sa aking pagbabagong anyo.

Pinasuot ako ng isang gown na kumikinang... xD lol. Ang galing ko magdescribe di ba? Eh wala akong alam da mga ganito, basta yung kulay niya eh parang onte na lang kakulay na ng balat ko tapos nakasuot ako ng pagkataas-taas na sapatos, syempre nagkaruon muna ng training session kung paano ko to at ilalakad. After nun, inayusan na ako ng mga make-up artist. Nung natapos na, tumalon na ako ng building... para direcho libing na di ba-_- tutal nakamake-up naman na din ako. Direcho kabaong. Pero joke lang yun kaya tumawa kayo, hindi tumawa may buhok sa kili-kili.

“Princess, you look.... oh my... I can’t find a word na makakapagdescribe sayo. You’re beyond gorgeous.”

Minsan talaga iniisip ko, ineechos ako nitong nanay ko eh -_- sarap kotongan, kung makapambola wagas-wagasan! Eh alam ko namang maganda ako -_-

“Thanks po...”

Nagulat na lang ako ng pumasok sila Mama, Papa, Kuya Josh at si Pula kong kapatid. Agad-agad ko namang niyakap sila mama at papa, pagkatapos nun si Kuya Josh.

“WAAAAH! KUYA JOSH NAMISS NA KITA!”

Tapos pinaghahalikan ko siya sa cheeks, bawal na daw kasi sa lips -_- nakakainis. Hindi na ako makakachansing at dahil nakared lipstick ako, may kiss mark siya sa cheeks. Hoho >//<

“Aish. Hindi pa rin nagbabago ang maganda kong kapatid... taray ah. Dalagang-dalaga na. Teka? Babae ka na ahh?”

“Naman kuya! Tagal na, papakasalan na nga kita eh.”

Pero biro lang yun na papakasalan ko siya noh -_- biruan lang namin yun, lalo na kapag kasama niya GF niya kasi hilig ko pagselosin ang mga nagiging gf niya. Bakit ba eh hobby ko yun -_-

“Pagiisipan ko yan...”

“Ahem” –Red

“May tuberculosis ka ba Red? Umuubo ka diyan?”

“Aish. Kuya Red nga sabi bat pag kay Josh napaksweet mo huh, pag dating sa akin ganyan ka.”Red

“Sus, selos ka naman...bro.” –Kuya Josh

“Oo, kaya lumayas ka na. -_-“–Red

“ Mommy ! Daddy! Ma! Pa! OH! Pinagaagawan nila ako”

Tae... ang dami kong dapat tawagin sa mga ganitong sitwasyon pero natutuwa naman ako kasi ang dami kong magulang tapos close pa sila ^_^

“Tuwang tuwa ka naman, anak.” –Papa

“Naman, Papa ^_^ Alam mo yan!”

“Princess, magayos ka na... lalabas na muna kami, mamaya susunduin ka na lang dito ng Kuya Red mo, siya magiging escort mo eh.” –Mommy

EXPECT the UNEXPECTED (COMPLETED)Where stories live. Discover now