Chapter 20

858 26 1
                                    

WOOOOOOOOOOOOOOOH! FESTIVAL NGAYON/FOUNDATION DAY! So it means walang pasok ngayon puro pagsasaya lang :) Ahahahaha. Ang saya-saya... Ahahaha. Naeexcite na ako xD eeeehhhh.....

So andito ako ngayon pagala-gala... 7am pa lang naman, kaya nagaayos pa lang ang lahat at busy-busyhan ang peg, ganito kasi dito kapag festival... may perya din pala dito... kapag festival. Meron ding mga booth tas madaming makakainan. Pero ang pinakamasaya ay syempre ang miniparty after nito :)

Grabehan nga lang... 1 month ang paghahanda dito. At after nito sembreak na... Friday ngayon ... so sa Monday wala ng pasok kaya nga whole day and night ang event na to kasi magstart siya ng 7 at magtatapos ng 12 midnight:D Di ba masaya? Hahaha, wala kang gagawin kung hindi magsaya...

At kinakabahan na din pala ako ngayon...

Kasi ahmmm

Enebenemenyen...

Hehehe. Landeeeeeeehhh >.< ngayon na kasi ako magtatapat kay Red...

Hindi ko alam kung san ko huhugutin lahat ng lakas ng loob ko mamaya para magtapat sa kanya... hindi ko alam kung anong magiging sagot niya... pero sabi ni Kate mukhang may pagasa naman daw ako...

Minsan na nga lang daw ako mainlove bakit hindi ko pa sunggaban di ba?

Hahaha... kasama ko si red ngayon... kakausapin ko kasi siya pero hindi muna ngayon yung sinasabi ko sa inyong pagamin ko xD mamaya pa yun... pag 12 na xD saktong 12 ako aamin sa kanya...

“Red...”

“Oh?”

“Ahmmm... naaalala mo pa ba yung naglaro tayo kila Ash?”

“yep... so what about that?”

“Di ba natalo ka... and ako ang maguutos sayo kasi kami nanalo.”

“Yep.. oh?”

“Hahaha. Spent the whole foundation day with me.”

“Hmmm....”

“At yun yung utos ko so wala ka ng magagawa. Please?”

“Wala akong magagawa... pero nagple-please ka... ahaha... nakakatawa ka talaga.”

Tapos ginulo nanaman niya ang buhok ko...

“Payag ka na?”

“May magagawa ba ako?”

“Hahaha wala... at hindi tayo gagambalain ng mga unga wag ka magalala :D”

“Hahaha. Pinlano mo to noh?”

>////< medyo lang naman... ahahaha.

“Ahahaha... medyo.”

“Psh. Sige na tara... simulan na natin to madami pa tayong gagawin.”

So ang una naming ginawa ay sumakay ng ferris wheel. Grabe nung una, hindi niya ako mapilit since siya naman kasama ko, nagpapilit na ako (--_) sabi ko kasi sasakay lang dun kapag kasama na ang lalakeng mahal ko... at ngayon :) HOHO! Kasama ko na ang taong mahal ko >////<

“Red... ang taas pala dito... pwedeng magback-out?”

“Andito na tayo eh...”

“Shaaakkks. Nanginginig na tuhod ko... promise... grabe.”

“Ano ba... kasama mo ako, hindi ka dapat matakot.”

“Safe ba to?”

“Alam mo nagtataka ako, dapat nga nakasakay ka na sa ganito kasi di ba may ganito sa mga simpleng village kapag fiesta?”

EXPECT the UNEXPECTED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon