Chapter 37

767 30 0
                                    

ANGELICA’S POV

Ilang araw na rin ang nakalipas mula nang malaman kong may sakit ako... Nakapagisip-isip na rin ako. Masakit man pero kakayanin ko... Dati ang sabi ko ang bobo naman ng mga bidang lalayuan ang mga mahal nila dahil sa may sakit sila. Hahaha, nakakatawa pero ang bobo ko pala ngayon kasi yun din ang gagawin ko. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit nila yun gagawin... Tama nga ang sabi nila, maiintindihan mo lang ginawa ng isang tao kung mararanasan mo yun. Ayoko man pero kailangan ko tong gawin, mas mahihirapan kami kung magiging mas attached pa kami sa isa’t isa at ayoko naman na ang saya-saya namin ngayon pero bukas patay na ako. Mas masasaktan siya pag ganun...

Kaya buo na ang desisyon ko...

I’ll let him go.

Simula nung araw na yun, nagbago na ako. Sabi ko habang nabubuhay pa ako gagawin ko lahat ng hindi ko pa nagagawa... Sinimulan ko ng magbar, uminom... at smoke. Pero hanggang bar lang ang kinaya ko, kasi hindi ko talaga kaya magsmoke at umiinom na lang ako kapag sobrang depress ako. Hindi ko alam kung nahahalata ba ni Ash na nagiging cold na ako sa kanya, ako na ulit yung dati na babaeng sumuntok sa kanya, na walang pakealam sa kanya. Iisipin ko na lang na siya si Ash na kinakainisan ko dati.

Hindi ko na rin siya sinasabayan sa pagkaen... at madalas tinatarayan ko na siya at hindi na rin kami masyadong naguusap. Katulad ngayon... nachempo lang na andito ako at siya kaya magsasabay kaming kumaen pero nilalaro ko lang yung pagkaen ko, walang nagsasalita sa amin ... at nasa harap ko lang siya.

“Tomboy, kumaen ka na...”

“Kumakaen naman na ako...”

“Hindi ka kumakaen, pinaglalaruan mo lang yan.”

“Busog pa kasi ako...”

“Angelica naman, bihira ka na lang kumaen... napapabayaan mo na sarili mo.”

Hindi na lang ako sumagot sa kanya, nakayuko lang ako habang pinaglalaruan ang pagkaen sa harap ko, ayoko siyang tignan baka kasi kapag tinignan ko siya matuloy na ang pagagos ng mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Kaya bigla na lang akong tumayo...

“matutulog na ako...”

Hindi ko na hinintay na sumagot pa siya, dali-dali na akong umakyat papunta sa kwarto at nagkulong duon. Araw-araw na lang umiiyak ako sa gabi. Isipin ko lang yung mangyayari, nasasaktan na ako... buti na lang at soundproof na tong kwarto ko kaya lahat ng galit ko dito ko binubuhos.

          Lahat ng ayaw niyang gawin ko dati, ginagawa ko ngayon... nilalayo ko na ang sarili ko ngayon sa mga taong mahal ko kasi ayoko silang mabigla at mas mahirapan pag nawala na ako. Mas ok na yung ganito atleast nahahanda sila sa mga mangyayari.

KATE’S POV

          Haaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyys. Anong bang nangyari at naging ganito ang mga pangyayari? Andito kami sa VIP room, dumalaw kami dito... kasama ko ang 3hs pero wala si Angelica. Hindi ko alam kung anong pinagdadaanan ni Pauline Angelica. Parang hindi siya ang yung dating Angelica. Ngayon mataray na siya, napakacold... walang pinapansin at madalas nakatingin lang siya sa malayo at parang ang lalim ng iniisip.

          Maski ang 3hs nahahalata na din yun lalo na ang fiance niya, ayaw man ipahalata ni Ash... masyado na siyang naapektuhan sa pakikitungo sa kanya ni Angelica. Ni’ hindi na nga ata sila nagkakasabay sa pagpunta sa school. Hindi ko na rin sila masyadong nakikitang naguusap.

“Sa tingin niyo anong problema ni Angelica?” Kiel

“Kinausap ko na siya, pero wala naman siyang sinabi”Red

EXPECT the UNEXPECTED (COMPLETED)Where stories live. Discover now