Chapter 36

761 26 0
                                    

ANGELICA’S POV

        Andito lang ako ngayon sa kwarto ko... wala kasi akong pasok ngayon pero si Ash meron. Mag-isa lang ako dito since day-off ni manang at bukas pa ang balik niya. Nakahiga lang ako kasi kanina pa masama ang pakiramdam ko, hindi pa rin ako kumakaen kasi feeling ko kapag kumaen ako isusuka ko din agad. Hindi alam ni Ash na masama ang pakiramdam ko...

Humihilab na naman ang tyan ko... ang sakit sakit. Hanggang sa maubo ako...

.

.

.

.

Pero bakit may dugo?

Bigla akong natulala, nakatingin lang ako sa dugo sa palad ko... nanginginig na ang mga kamay ko. Anong meron? Bakit may dugo...? Ahhh baka siguro nasugat lang lalamunan ko kakaubo mula kanina pa. Hindi wala lang to di ba?

*Beep

From: BaklakongFIANCE<3

Tomboy ko, eat your lunch a’right? May niluto ako sa baba kanina, initin mo na lang. Tace care. I love you. Uwi ako agad kasi miss ko na tomboy ko. Chup Chup

Oh improving kami! <3 Ang sweet na namin (>///<) Inggit kayo noh? Hahahaha.

 TO: BaklakongFIANCE<3

Bakla ko, kaen ka din diyan ahh... wag ka magpapalipas. Mag-aral ng mabuti para sa future natin. Love you bongga :* Chup Chup. I miss you.

Haaaaaaaaayyyyysssss! Ang sakit pa rin ni tummy... di ata titigil to. Habang nanunuod ako, bigla akong nasuka kaya dali-dali akong tumakbo papuntang CR at dun sumuka ako... at sobrang sakit na talaga ng tummy ko, hindi ko na kaya!

“AAAAAAAAAAHHHH!”

“OOOOOOUUUUCCCH!”

Pinagpapawisan na ako... hindi ko na kaya ang sakit kaya napahandusay na ako sa floor ng CR, sobrang sakit... kaya gumapang ako papunta sa bed ko, hindi pwedeng maabutan ako ni Ash na ganito... ayokong magalala siya aya pumunta ako sa bed ko at dun namilipit sa sakit. Kung ano ng ginawa ko para mawala yung sakit, naghot-compress na ako... uminom ng mga gamot pero ayaw pa din ... sa sobrang sakit kinagat ko na yung kumot ko habang umiiyak... hanggang sa...

Mawalan na lang ako ng malay...

Nagising na lang ako na may nakayakap na sa akin... pero nanghihina pa rin ako kaya hindi ko na lang pinansin pero dumilat na ako at nakita kong nakatitig siya sa akin.

“Kanina ka pa natutulog... hindi mo manlang ginalaw yung niluto ko.”Ash

At nagpout siya... ang cute-cute niya talaga (>///<) Kanina niya pa siguro ako tinitigan ... hanggang ngayon hindi pa siya nagapalit ng uniform eh.

“Anong oras na?” Ako

“7pm na...”Ash

O_O Ang tagal ko ng natutulog pala... bukas, kailangan kong pumunta sa doctor. Pero natatakot ako... Paano kung may sakit talaga ako? Wag naman sana... Ayokong maconfine sa hospital. Ayoko ng mga gamot... ayokong magalala sa akin mga mahal ko sa buhay.

Sunday na ngayon... umalis ako sa bahay. Ang sabi ko kay Ash may pupuntahan lang ako, nung una nagpumilit pa siyang sumama pero sabi ko, sandli lang ako ngayon. Pumunta ako sa ospital. Ayaw ko man pero kailangan kong malaman... parang hindi na kasi normal yung mga nangyayari sa akin eh. Nagpaappointment na ako kagabi at buti naman free siya ngayon...

Isang doktor na hindi kilala ng mga magulang ko, mahirap na. Kung ao-anong test ang ginawa nila sa akin at tinanong niya din ako kung anong mga nararamdaman ko kaya sinabi ko naman yung mga nangyayari sa akin this past few weeks. Sabi niya sa akin hintayin ko na lang daw mga result ngayong araw kesa daw bumalik pa ako kaya hihintayin ko na lang pero abi ko kay Ash sandali lang ako... kaya maya’t maya tumatawag si Ash, hindi ko na lang sinasagot pati yung mga text niya, bahala na mamaya pag kauwi ko kung anong palusot ang sasabihin ko sa kanya. Bahala na si spongebob xD

EXPECT the UNEXPECTED (COMPLETED)Where stories live. Discover now