Chapter 2

1.7K 38 0
                                    

“Angel... gising na... angel gising na.”

Naririnig ko nanamana ng boses ng kuya ko -_- ang human alarm clock ko.

 (Joshua Gomez (Angelica's older brother)---------------------->

“Aish. 10 hours pa please....”

“WHAAAAT? Angel... 10 hours? Ibang klase ka talaga, kung makaextend 10 hours huh?”

“Kuya naman eh -_- kung mageextend ako bakit di ko pa lubusin”

At mas lalo ko pang tinakpan ng unan ang mukha ko, inaantok pa talaga ako eh... 1pm na ako nakatulog kakagawa ng mga assignments ko.

“No, angel... tumayo ka na diyan, hinihintay ka na ng bestfriend mo sa baba.”

“Sabhin mo mauna na siya.”

“Pag di ka pa tumayo diyan... wala kang allowance.”

“Psh. Mukha mo.”

“I’m serious, Angel... Isa!”

The nerve -_- pag nagbilang na si kuya... ibig sabihin malapit na mag doomsday>.<

“DALAWA! ANGEL HANGGANG TATLO LANG TO WAG MO AKONG PILITIN”

Tapos tumayo na ako... and gave him a peck on the cheek. Sweet namin doboh -_- oo .... close na close kaya kami.

“Sorry na kuya... hehehe. Wag na magalit. Smile na ulit, antok pa si ako eh-_-“

“Psh... dinadaan mo nanaman ako diyan sa paglalambing mo, may pakisskiss ka pang nalalaman eh hindi ka pa nagtotoothbrush, baho ng hininga mo.”

“Excuse me... kahit tumira ka pa dito sa bungaga ko hindi yan mabaho.”

“Dagdag sa polusyon yang hininga mo, wag kang mangarap kaya magayos ka na. Kanina ka pa hinihintay ni Kent.”

“Sige na kuya Josh, maliligo na ako... labas na... -_- oh gusto mo ikaw ang magpaligo sa akin?”

“YUCK!”

“Psh, ikaw nga nagpapaligo sa akin dati eh -_- o kaya sabay pa tayo naliligo”

“Dati yun, Angel -_- dalaga ka na... kaya act like one. A’right. Ligo na”

Oo na -_- lagi na lang nilang pinagduduldulan na DALAGA na ako... what’s the big deal about that? So naligo na nga ako... nagpatuyo ng buhok at nagpony... psh ayaw na ayaw kong nilulugay ko ang buhok ko. Hmpft! Syempre pag katapos nun bumaba na ako bago pa ako matanggalan ng allowance noh.

“Best... tagal mo naman”

Hayyy eto nanaman ang makulit kong bestfriend na lalake. Child hood friend ko siya at mayaman sila... sabi niya dahil sa akin kaya siya nagaral sa school na pang mayaman na yun -_- psh! Pero hindi ko siya kaklase kasi hindi niya kaya sa section A >.< hahaha. Section C siya, nahiya pa hindi pa ginawang section D, ahahaha. Araw-araw sabay kaming pumapasok... minsan lang kami magsabay umuwi kasi varsity siya, galing ng best ko di ba? :)

“best, tara na -_- mangangain na ng tao si Kuya Josh. Late na tayo.”

30 minutes ang byahe papunta sa school at may sundo naman tong best ko, may sarili siyang sasakyan at driver... EDI SIYA NA! Atleast nakakalibre ako...

Andito na kami sa sasakyan niya... tapos kinuha ko ang unan ko... Yep, may unan ako dito, color violet... dahil madalas akong makatulog dito kaya may unan ako dito actually... may blanket din :) kulang na lang kama... hahaha.

Habang andito kami sa sasakyan... papakilala ko muna siya sa inyo huh? Ang pangalan ng best friend ko ay Kent John Perez, kababata ko siya... siya lang ang nagiisang kaibigan ko dati... well, nadagdagan kasi I have Kate na as my girlbestfriend. Ang daddy ni kent ay isang chef sa isang 5 star hotel sa america while her mom ay isang businesswoman naman dito sa Pilipinas. Kilalang kilala ako ng mga magulang niya at kilalang-kilala naman siya ng magulang ko, minsan nga hindi sila papayag na lumabas ako or gumala kapag hindi ko siya kasama... ganun nila pinagkakatiwalaaan si Kent.

EXPECT the UNEXPECTED (COMPLETED)Where stories live. Discover now