Chapter 28

735 25 0
                                    

ANGELICA’S POV

GOOD MORNING SA INYO! xD Hello mga madlang people... 2 weeks na ang nakakalipas mula nung nagaway kami ni Red at ni Ash (--) oo, yung nagkalagnat ako, 1 week akong nagstay sa bahay namin nila kuya Josh at hindi ko talaga pinapansin yung 3 ungas, nadamay si Kiel >.< Pinakiusapan naman ako nila mommy na bumalik na kaya bumalik na ako pero syempre may COLD WAR sa amin ni Red, iniiwasan ko siya lagi. Ganito lang naman yun, kapag sa taas siya... sa baba ako. Kapag nasa baba siya syempre sa taas ako. Hindi ko rin siya sinasabayan sa pagkaen at madalas nasa kwarto lang ako. Madaming beses niya akong gustong kausapin pero ang lagi ko lang sinasabi. “Talk to my hand”, ang baet ko talagang bata (--) at least makakausap niya kamay ko di ba?

Sila Kiel at Ash naman... hindi ko sila pinapansin. Hindi ako yung tipong pag nakasalubong ko sila aatras ako. ABAH! Sineswerte sila kung ganun, patuloy lang ako sa paglalakad pero hindi ko sila lilingunin. Si Kiel naman nag haHi siya sa akin pero iirapan ko lang siya, si Ash syempre bilang mapanakit, hinihila niya lang ako. Magsasalita siya ng magsasalita pero hindi niya alam nakaearphones ako kaya hindi ko naririnig pinagsasabi niya kaya ayun naiinis siya sa akin (--) wala naman akong pakaealam nun.

“Angelica... hindi mo pa rin ba sila papansinin?” Kate

“Hindi pa tapos ang 1 month” Angelica

“So gagawin mo rin pala sa kanila ang ginawa mo kay Kuya Josh dati (--) Hindi ka pa rin nagbabago, kaya ayaw kitang ginagalit eh.” Kate

“Hmpft... bahala na. Halika na nga, labas na tayo. Nagugutom na ako. DAVE! Halika na... bilis! GUTOM NA AKO” Angelica

Ayy Oo nga pala... si Dave, siya yung parang pumalit kay Kent. Naging close kaming dalawa, lagi ko na rin siyang kasama lalo na pag wala si Kate. Wala naman akong gusto kay Dave pero inamin niya sa akin na nagkagusto siya sa akin nung una pa lang daw niya akong nakita (--) nung una syempre maiilang ka... pero wala naman na yun! Hahaha xD

“AYE! AYE! CRUSH! Gusto mo bili na lang kita ng pagkaen” Dave

“Hindi kita utusan kaya tumigil-tigil sa pag gaganyan mo kung ayaw mong makutusan” Angelica

“Taray... CRUSH! Fliptop?” Dave

“Ayy... binanggit mo yung fliptop. Nagkrecrave tuloy ako ng flatops.” Angelica

“Gusto mo bili kita?” Dave

“Wala naman yun dito eh... tara na nga” Angelica

“Oh, akala ko wala kayong balak umalis eh.” Kate

Lumabas na kami ng room nun kaso dapat pala hindi na lang ako lumabas kasi may asungot na nagaabang sa akin. Nakita ko si Ash na nakasandal lang sa pader at naglalro sa cellphone niya... hindi ko na lang siya papansinin, lalagpasan ko na lang siya kaso yun ang akala ko... hinatak lang naman niya ako.... hinatak niya ako ng hinatak hanggang sa makarating na kami sa rooftop (--) kainis na bata! Hindi na lang ako nagasalita, hahayaan ko na lang siyang magsalita dito.

“Hanggang kelan mo kami balak iwasan?”

“Oh, iniiwasan ko pala kayo?”

Sabi ko nga hindi ko mapipigilang dumaldal eh (--) epal na bibig to eh.

“Ano ba Angelica.”

“Bakit sasampalin mo din ba ako na parang si Red?”

“Alam mong nagbigla lang siya...”

“Ohh... nabigla din ako kaya eto sa sobrang bigla hindi ko kayo pinapansin *smirk”

“Anong gusto mo gawin namin...”

EXPECT the UNEXPECTED (COMPLETED)Where stories live. Discover now