Chapter 11

107K 3K 369
                                    


Chapter 11
Pinky Swear

"Anak.. Anak.."

bahagya kong idinilat ang aking mga mata't nakita ko si nanay na ginigising ako ngunit nakahiga pa rin sya't naka-dextrose pa rin ang kanyang mga kamay.

"Nay, ano pong gusto nyo?" tanong ko't bumangon na ng tuluyan. "Nagugutom po ba kayo?"

Pumunta ako sa lamesa kung saan nilagay ni Ralph at Rachel ang mga dala nilang pagkain kahapon para sa amin ni nanay habang nandito kami sa ospital.

"Ano po ba gusto nyo?" tanong ko ulit habang tinitignan ang iba't-ibang klase ng biscuit at noodles pati na rin ang mga prutas na nakalagay sa plastik na may isang malaking galon pa ng tubig.

"Ang gusto ko ay.. pumasok ka sa eskwelahan mo." sabi ni nanay at agad akong napatigil sa pag-aayos ng pwede naming makain.

Nilingon ko si nanay at nakitang seryoso syang nakatingin sa akin.

"Papasok po ako kapag nakalabas na po kayo." ngumiti ako kay nanay at naghiwa ng mansanas upang makain ni nanay habang hindi nagrarasyon ang magdadala ng pagkain.

"Bella.." marahang pagtawag ni nanay sa aking pangalan.

"Bakit po?" tanong ko habang patuloy pa rin ako sa paghihiwa.

"Pumasok ka ngayon, anak. Mayroon ka pang dalawang oras bago ang klase mo ngayon oh." ani nanay at tinuro sa akin ang orasan.

"Alam ko po, Nay pero kailangan nyo po ng bantay kaya po hindi muna po ako papasok." sabi ko't lumapit na saka binigay ang mga nahiwa kong mansanas upang mas madali nyang makain.

"Anak, kaya ko na ang sarili ko." ani nanay. "Kung gusto mong gumaling ako, eh di pumasok ka."

"Nay--"

"Arabella." pagtawag ni nanay sa buong pangalan ko't alam kong seryoso na si nanay. "Ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo. Pumasok ka. Huwag mo akong alalahanin dito. Ako na ang bahala sa sarili ko. Kapag dumating ang doktor, sasabihin ko nalang sayo kung ako ang sinabi nya sa akin."

Huminga naman ako ng malalim. "Sigurado po ba kayo, Nay?" paninigurado ko.

"Oo nga." ngumiti ito sa kanya. "Ayos lang ako. Masyado lang akong napagod kahapon dahil maraming kostumer sa karinderya." pagpapaliwanag ni nanay.

Ngumiti naman din ako't tumango. "Sige po. Magliligo lang po ako saglit doon sa banyo."

Buti nalang at dinalan na ako ni Rachel kahapon ng mga damit at pati na rin ang mga damit ni nanay.

"Papunta na po dito sila Aling Felisa para bantayan ka dahil gusto nya rin po kayong bisitahin." sabi ko kay nanay ng sinusuklay ko na ang aking buhok at natanggap ang text ni Aling Felisa na bibisitahin nya raw si nanay. "Kapag umalis na po sya, tawag po kayo ng nurse na pwedeng magbantay sa inyo habang wala po kayong bantay. Pagkatapos na pagkatapos po ng klase ko, diretso na po ako dito."

"Oo na, anak. Naiintindihan ko na kaya pumasok ka na at baka mahuli ka pa sa klase mo." pagpapaalis ni nanay sa akin.

Hinalikan ko naman si Nanay sa noo bago tuluyan ng magpaalam at lumabas ng kanyang kwarto.

Buti nalang at walang masyadong sumasakay sa LRT at mayroon pa akong natitirang thirty minutes bago magsimula ang klase ko.

"Hey.."

Napalingon ako sa malalim na boses na bumati sa akin at nakita ko si Vini na umupo na sa aking tabi.

"I thought you wont be attending classes today." aniya. "Pumunta ako sa ospital before I went here. I brought some food pero nanay told me na pumasok ka raw."

Beautiful DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon