Chapter 13

86.7K 2.8K 180
                                    


Chapter 13
Qualified

Para akong lutang at wala sa sariling naglalakad sa paligid ng mga taong busy'ng-busy na sa pagrereview dahil sa nalalapit na midterms samantalang ako'y magd-drop na't hindi na magpapatuloy sa pag-aaral.

Hindi ko alam kung bakit ako hindi pinansin ni Vini kanina at hindi ko rin alam kung bakit ako nasaktan sa hindi pagpansin nya na 'yon.

Kumatok ako sa pintuan ng dean ng aming institution at saka dahan-dahang pumasok dahil hindi naman ito naka-lock.

"Goodmorning po." tipid akong ngumiti't sinarado na ang pintuan sa likuran.

"Goodmorning." aniya't inilahad sa akin ang upuan sa harap ng kanyang lamesa upang aking upuan. "What can I do to help you?" tanong nya.

"Uhm.. I'm planning to drop, Ma'am." kinakabahan kong sabi.

"Oh.. Which subject would you like to drop?" nakangiti pa rin sya sa akin.

"Actually, Ma'am.. I would like to drop everything and leave Ateneo." paglilinaw ko ng aking plano.

Kumunot ang noo nito sa akin. "Why?" tanong nya. "Is there anything wrong with Ateneo? Don't you like it here?"

"Ma'am, Ateneo's my dream school. There's nothing wrong with it." I assure her. "But... I'm doing this cause I've got to make a living for myself. Scholar po ako dito at hindi ko po alam kung kaya ko pa pong ma-maintain ang grades ko lalo na po't magsisimula na po akong magtrabaho. N-Namatay po kasi ang nanay ko't ako na po mag-isa ang bumubuhay sa sarili ko."

Napabuntong hininga naman ito sa akin at kinagat ang kanyang ibabang labi. "There are many scholars here na nagt-trabaho rin. Part-time jobs. You can be a student assistant here to maintain your scholarship. You don't have to drop." she explained.

"I-I'm sorry po but I already made my decision.." sabi ko't bahagya akong yumuko.

Narinig ko ang paghinga nito ng malalim at binuksan ang drawer na may kinuhang folder saka ibinigay sa akin ang papel sa loob nito.

"This the form for students who would like to drop out." aniya. "Just sign it and explain your reason why. Since I already heard your reason and there's nothing I can do about it, pwede ko na syang pirmahan kaagad."

Tumango naman ako't masinsinan ngunit mabilis kong sinagutan ang lahat ng nasa form upang mas mapabilis na ang pag-alis ko dito.

"Now, go to the registrar show this paper to get your documents and files." aniya't binigay sa akin ang papel pagkatapos nyang pirmahan. "We will send you an email or a letter para malaman mong successful na ang pagd-drop mo but you can already leave if you like."

"Thank you po." ngumiti ako't umalis na sa office ng dean upang pumunta sa may registrar.

Nilagay ko ang papel sa loob ng brown envelope at niyakap ito habang naglalakad sa mga hallway na aking nadadaanan papunta sa registrar.

"Ito na ang mga files mo." sabi sa akin ng babae doon. "Sayang at scholar ka pa naman dito." nanghihinayang nyang sabi.

Ngumiti nalang ako sa kanya't nagpasalamat bago tumalikod at nakita kong nakatingin sa akin si Hailey.

"Hailey.." sambit ko sa kanyang pangalan.

"You'll drop out?" hindi makapaniwala nyang tanong sa akin at bumaba ang tingin nya sa aking brown envelope.

Unti-unti naman akong tumango't binigyan sya ng isang tipid na ngiti.

"Why?" nakakunot noo nyang sabi.

"Mahabang kwento." sabi ko nalang.

Ngumiti naman sya sa akin at saka lumapit at hinawakan ang aking papulsuhan. "And I'm ready to listen.." sabi nito't hinatak na ako papunta sa may benches kung saan wala masyadong tao.

Beautiful DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon