Chapter 5

125K 3.4K 758
                                    


Chapter 5
Long Assignment

"Ipopost nalang namin bukas sa tapat ng dance studio ang results kung sino ang sampung nakapasok." ani Gray, 'yong president ng dance organization. "Everyone did a good job. So uhm, sa lahat ng natanggap, see you tomorrow!" ngiti nya sa amin.

Tumango naman kaming mga nag-audtion at tatayo na sana ako sa pagkakaupo ko dito sa lapag ng biglang may naglahad ng kamay sa akin.

Napatingin naman ako kay Vini na diretsong nakatingin sa akin at hindi na hinintay na ibigay ko sa kanya ang aking kamay at mabilis akong inalalayan patayo.

Magpapasalamat na sana ako kaso'y muli syang yumuko't kinuha pala ang bag ko saka binigay sa akin.

"Uh.. thank you." nahihiya kong paghingi ng pasalamat sa kanya saka umiwas ng tingin.

Tinagilid nya ang kanyang ulo't pilit na hinahanap ang aking tingin saka tumayo ng maayos at humalukipkip.

"Why are you always avoiding me?" marahan nyang tanong sa akin.

"Ah eh.. Ano kasi--"

"Bella!"

Napatingin ako sa labas at nakita ko si Ralph na medyo gulo-gulo pa ang kanyang buhok.

"Ralph!" masaya kong bati sa kanya at mabilis na lumapit patungo sa kanya.

Inilibot nya ang kanyang tingin sa dance studio't tumingin sa akin saka sumimangot.

"Hindi ko naabutan.." nanghihinayang nyang sabi.

Napatawa naman ako sa kanyang reaksyon. "Mukha kang batang naagawan ng candy, Ralph." pang-iinis ko sa kanya.

"Pero sayang talaga, Bella.." pilit nya. "I thought I'll get to see you dance pero hindi pala. Hindi kita nasuportahan. Gumawa pa naman ako ng banner para sayo."

Napakunot ang aking noo sa huli nyang sinabi at tinaas nya ang isang bond paper na ngayon ko lang napansin na may nakalagay na 'Go, Bella!' at may small hearts pa sa apat na gilid.

Hindi ko naman mapigilan ang matawa sa kanyang ginawa't napailing nalang at ngumiti sa kanya.

"Okay na sa akin yung effort mong pumunta't humabol pa talaga dito sa dance studio kahit na hindi mo ko napanood. Na-appreciate ko yun, Ralph." nakangiting pampalubag ko ng loob sa kanya.

"Really?" paninigurado nya.

Ngumiti naman ako't tumango sa kanya.

"But can I take you out for an early dinner today?" bigla nyang tanong. "I still feel guilty dahil hindi kita naabutan."

"Oo na." pagpayag ko't agad namang lumiwanag ang kanyang mukha't ngumuti nang dahil sa sinabi ko.

"Second date na natin." at kumindat sya sa akin.

Napatawa't napailing nalang ako sa kanyang sinabi ng maamoy ko ang pamilyar na bango at presensya ng taong 'yon sa likod.

"Excuse me." simple nyang sabi at halos pigilan ko na ang paghinga ko habang tumatabi sa tapat ng pinto't ganon rin ang ginawa ni Ralph.

Mabilis syang dumaan sa harapan ko palabas ng dance studio at kasunod nya naman ang tatlong kaibigan nya na nakita kong tinapak pa ang kanyang likod habang tumatawa papalapit sa kanya.

"Isn't that Vini Sarmiento?"

Nagulat ako sa biglang tanong sa akin ni Ralph at humarap ako sa kanya na may pagtataka sa aking mukha.

"Kilala mo sya?" curious na tanong ko sa kanya.

"Of course. Dont you?" sabay tanong sa akin ni Ralph. "I thought you know him dahil madalas ko kayong nakikitang magkasama." puna nya.

Beautiful DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon