Chapter 20

104K 2.8K 406
                                    


Chapter 20
Breakdown

"Bella." tawag sa akin ni Tita Sandra habang kumakain kami ng dinner.

"Po?" nag-angat ako ng tingin kay Tita kasama ng isang matamis kong ngiti.

"Vini told me and your Tito Sean na malapit ka ng mag-eighteen years old." pambungad ni Tita Sandra.

Mabilis naman akong napatingin kay Vini na bahagyang nasamid sa pag-inom saka nag-iwas ng tingin sa akin.

"Oo nga po.. malapit-lapit na po." nahihiya kong pag-amin ng muli akong tumingin kay Tita.

"What are your plans then?" tanong ni Tita Sandra.

"Uhmm.. balak ko po sanang ilibre nalang po kayo sa isang restaurant." sabi ko. "Simpleng kainan. Yung tayo-tayo lang po." ngiti ko.

Nakita ko namang tumikhim si Tita Sandra. "That won't do, Bella." aniya't umiling-iling. "We should prepare a debut. Kahit simpleng debut lang for you to celebrate your eighteenth birthday in a memorable way."

"I agree with your Tita Sandra, Bella." biglang singit ni Tito Sean. "Isang beses lang sa buhay ng isang babae ang ganyan."

Kinagat ko naman ang aking ibabang labi't hindi ko alam kung pano ko sasabihin na ayokong magdebut pero ayoko namang mabigo sila.

Dapat ay hindi nalang sinabi ni Vini na malapit na akong mag-eighteen.

Hindi sa ayokong malaman nila Tita pero ang ayoko lang ay iyong ipaghanda nila ako ng isang magarang party.

"Eighteen roses.. eighteen candles.. Don't you want to experience those kinds of things?" tanong sa akin ni Tita Sandra.

"Gusto ko man po pero.. eighteen roses? Eighteen candles? Baka nga po hindi umabot sa kalahati ng eighteen ang mga maimbita ko dahil ako nalang naman po mag-isa." sabi ko. "Hindi ko po alam kung nasaan ang mga kamag-anak ko at kayo nalang po ang kilala ko ngayon. Masisira lang po ang debut."

"I can be your one to eighteen roses."

Napatingin naman ako kay Vini nang dahil sa kanyang sinabi at kita kong seryoso lang syang nakatingin sa akin.

"I dont mind dancing with you all night." he added.

Mabilis na kumalabog ang aking dibdib ng dahil sa sinabi ni Vini't hindi ko alam kung paano ako magrereact ngunit panigurado akong kasing pula na ako ng kamatis.

"And I can be your one to eighteen candles, Ate Bella." maligalig na pagsingit ni Lauren na dahilan kung bakit napuno ang tawanan ang hapagkainan.

"That's a good suggestion, Vini, but I also want to dance Bella. Nandyan pa si Jace, ang Kuya Josh mo't ang Tito James mo." ani Tito Sean.

"That's right and nandyan pa si Lyrae, Liana.. and Hailey!" ani Tita Sandra saka tumingin sa akin. "We can just invite our family, Bella. I'm sure they wouldn't mind. They'll love you if they'll get a chance to meet you." ngiti nito sa akin.

"Of course they will!" pagsang-ayon ni Vini. "Who wouldn't love, Bella?" tanong nya't lumingon sa akin. "She's very lovable."

He gave me a genuine smile at pakiramdam ko'y kailangan ko na ng cardiologist dahil hindi na normal ang pagtibok ng aking puso sa sobrang bilis.

"Basta! We will arrange your debut starting tomorrow." pagpapasya ni Tita Sandra. "I'll go to the restaurant para masimulan na natin kahit nagt-trabaho ka. It'll be fun!" na-eexcite na sabi nito.

Wala naman akong ginawa kundi tumango nalang sa lahat ng plano ni Tita. Hindi ko sila kayang biguin dahil wala silang ibang ginawa kundi ang sumaya ako't umayos ang buhay ko.

Beautiful DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon