Chapter 18

98.1K 2.9K 982
                                    


Chapter 18
Embarass

"B-Bahay nyo 'to?" nauutal at hindi makapaniwalang tanong ko kay Vini.

Ngumisi sya't lumapit sa akin saka ako inakbayan. "Oo." simpleng sagot nya. "At bahay mo na rin." dagdag nya.

Mabilis akong napalingon kay Vini at alam kong nakarehistro pa rin sa aking mukha ang gulat sa mga nangyayari ngayon.

"Vini, nandyan na ba si Bella?"

Napatingin kami sa mommy ni Vini na pababa na ang hagdan at nakangiting tumungo sa akin nang makita ako.

"Hello, Bella." pagbati nito sa akin at niyakap ako ng ilang sandali bago bumitaw sa akin.

Kapag ang pamilya ni Vini ang tumatawag sa akin ng Bella ay napakasarap pakinggan ng pangalan ko dahil napakaganda ng accent ng pagbigkas nila nito.

"Finally, you're here!" aniya't kinuha ang kamay ko. "Let's sit."

Hinatak na ako ng mommy ni Vini at nilingon ko naman si Vini na nakangiti't umiiling-iling sa aming dalawa ng mommy nya na agad naman syang sumunod.

"Vini told us about what happened and I'm very sorry to hear about it." panimula ng mommy ni Vini at kitang-kita ko ang sincerity sa kanya.

"Okay lang po. Tanggap ko na rin naman po." sabi ko't tipid na ngumiti dahil hindi ko pa rin alam kung paano ako kikilos sa harap ng mommy nya sa loob ng pamamahay nila.

Napatingin naman ako sa mga paa namin at nakitang hindi talaga nagtatanggal ng sapatos sa loob ng bahay nila. Pakiramdam ko tuloy ay ang dumi-dumi na ng lapag ngunit napakalinis tignan ng tiles ng flooring nila.

"Well, ayun nga so sinabi sa amin ni Vini na dito ka na raw titira sa amin." biglang sumaya ang kanyang boses.

Tinignan ko naman si Vini na nakangiti lang habang kandong-kandong nya si Lauren at nilalaro ang mga daliri nito.

"Ah eh.. Ang akala ko po kasi.. apartment po yung address na binigay sa akin ni Vini." pag-aamin ko. "Hindi ko naman po alam na bahay nyo po pala 'to."

"Sinabi na rin 'yan sa amin ni Vini but I'm seriously hoping na titira ka sa amin." ani ng mommy ni Vini. "Pinaayos ko na ang guest room that will be your room. We can change the interior too if you want pero ayos na ayos na yun para gamitin mo."

"Pero.. uhm.. nakakahiya po kasi eh." kinagat ko ang aking ibabang labi. "Hindi nyo naman po ako kaano-ano tapos papatirahin nyo po ako dito."

"If you'll stay with us, Ate Bella, then you'll be one of the members of our family. Eh di magiging related na po tayo!" masayang pagpilit ni Lauren and Vini chuckled saka pinisil ang ilong ng kapatid.

"Lauren's right, Bella." hinawakan ng mommy ni Vini ang aking kamay. "And we would love to have you here in our house. My husband also approves with the idea na may ibabahay na ang anak nya--"

"Mom!" biglang pag-angal ni Vini.

She chuckled at her son saka muling tumingin sa akin. "But seriously, Bella. Para hindi ka na rin mahirapan. Just take our offer and live with us." pagpilit nito sa akin.

Huminga naman ako ng malalim at hindi ko alam kung dapat ko bang tanggapin ang alok nila o hindi.

Nahihiya ako sa kanila kung tatanggihan ko ito ngunit nahihiya rin ako kung tatanggapin ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot.

"Please, Bella.." ngumiti sa akin ang mommy ni Vini.

Npabuntong hininga naman ako't unti-unting tumango ng marinig ko ang masayang sigawan nila Vini at Lauren.

Beautiful DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon