Chapter 4

132K 3.6K 675
                                    


Chapter 4
Marry Me

"Ito na po. Salamat po." nakangiting sabi ko kay Aling Minda na umorder sa amin ng tatlong balot ng mami saka kinuha ang bayad.

Wala akong pasok ngayon kaya naisipan kong tulungan nalang si nanay dito sa karinderya para naman hindi sya masyadong mahirapan.

Pinunasan ko naman ang aking mukha gamit ang aking kamay ng dahil sa pawis na tumatagaktak sa aking noo nang dahil sa sobrang init.

Nagulat naman ako ng biglang pinunasan ako ni nanay gamit ang kanyang bimpo saka inilagay sa aking likuran na basang-basa na rin ng dahil sa pawis.

"Salamat po, nay." nakangiting pagpapasalamat ko kay nanay ng matapos sya sa pag-aasikaso sa akin.

"Sinabi ko naman sayo na sa bahay ka nalang at mag-aral ka ng mga lektura mo doon." pangaral nya sa akin. "Sobrang init dito kaya doon ka nalang sa bahay. Mag-aral ka doon."

"Eh nay, wala naman po kayong katulong dito kaya dito nalang po ako. Alam ko nanaman na po ang mga lessons namin." sabi ko nalang upang hindi ako mapaalis ni nanay dito sa karinderya.

"Bella, kaya ko na ang sarili ko. Sanay na sanay na ako dito kaya okay lang na ako ang mag-isang magtrabaho dito." aniya. "Atupagin mo ang pag-aaral mo o kaya'y asikasuhin mo ang sarili mo. Hindi mo naman kailangang magpakahirap dito kasama ko."

Hindi ko maiwasan ang babaan ng loob ng dahil sa mga binibitawang salita ni nanay. Pakiramdam ko'y malapit na syang mawalan ng lakas ng loob lalo na kapag nawala ang scholarship ko.

Alam ko naman na kapag nawala 'yon ay hindi nya ako kayang mapag-aral pero okay lang din sa akin 'yon dahil tutulungan ko nalang sya dito sa karinderya namin.

Bigla namang may pumarada na isang pamilyar na kotse sa may gilid ng karinderya namin.

"Bella, isang tapa nga." biglang sabi sa akin ni Mang Tenor na agad ko namang inasikaso.

"Balot po ba?" tanong ko sa kanya.

"Kain. Saka dalawang kanin." sagot nya sa akin.

Agad akong kumuha ng plato't nilagyan ng dalawang takal ng kanin saka kumuha ng mangkok kung saan ko nilagay ang tapa't ibinigay na sa kanya ang kanyang order.

Tumingin naman ako ulit sa may kotse at nakita kong papalapit na sa akin si Ralph na nakangiti.

Binati naman sya ng mga kumakain sa karinderya namin dahil nga anak sya ng vice mayor namin at kilalang-kilala sya sa aming lungsod.

"Oh, Ralph. Nandyan ka pala." nakangiting bati sa kanya ni nanay.

"Opo." ani Ralph at saka sumulyap ng tingin sa akin. "I texted you. Di ka nagreply." nagtatampo nyang sabi sa akin.

"Pasensya na. Nasa bahay yung cellphone eh." nakangiting paghingi ko ng paumanhin sa kanya. "Kala ko ba may klase ka ngayon?" tanong ko sa kanya ng maalala ko.

"Meron nga. Kakagaling ko lang sa school. Hanggang 12PM lang ang klase ko." sabi nya't tumingin sa aming panindang ulam ngayon. "Isa nga pong kaldereta, miss." nakangiting sabi nya sa akin at kumindat.

Kinagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan ang aking pagngiti saka umiling at kinuha ang gusto nyang kainin.

"Ito na po, sir." at ngumisi ako sa kanya.

"Maraming salamat, miss." ngiti nya sa akin saka nagsimula ng kumain.

Pinagbukas ko na rin sya ng coke dahil yun ang paborito nya sa lahat ng softdrinks.

"Hmm, Tita." tawag ni Ralph sa atensyon ni nanay.

"Oh bakit, hijo? May gusto ka pa ba?" tanong ni nanay kay Ralph ng makalingon sa kanya.

Beautiful DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon