Chapter 7

95.8K 2.6K 292
                                    


Chapter 7

"Uhm, Vini--"

Napatigil ako sa pagsasalita't marahan nyang kinuha sa akin ang bimpo.

"Go and talk to him. I'll help your mother here." simpleng sabi nya't tipid na ngumiti saka tumalikod upang umasikaso ng mga kumakain at umoorder.

Napahinga naman ako ng malalim at muling tinignan si Ralph na nakatingin pa rin kay Vini.

"Ralph.." sambit ko sa kanyang pangalan at agad namang lumipat ang kanyang tingin sa akin.

Nang makalapit ako sa kanya'y hinawakan nya ang aking kamay saka hinalikan ito't nilahad sa akin ang bouquet.

"Maagang natapos ang last class ko. Do you want to stroll around?" nakangiting tanong nya sa akin habang inaabot ko ang bulaklak na bigay nya.

"Hmm.. Pero kasi.." akmang lilingunin ko sila Vini't nanay ng hawakan muli ni Ralph ang aking kamay.

"Please.." mahina ngunit mariin nyang sabi.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakita ang kanyang matang nakikiusap sa akin.

Napahinga naman ako ng malalim at saka ngumiti't tumango sa kanya. "Sandali lang." at bumalik muna ako sa loob ng karinderya.

Tinanggal ko ang aking apron at nakitang magkausap si nanay at Vini na tumatango-tango habang pinapanood na niluluto ni nanay ang specialty nyang mami.

"Uhm, Vini, aalis na ako. Ayaw mo pa bang umuwi?" nag-aalangang tanong ko sa kanya.

Lumingon naman sya sakin at umiling ng walang pinapakitang ekspresyon. "You can go." aniya. "I'll stay here. Wala naman akong gagawin sa bahay. Might as well, stay here and just help your mom." pag-eexplain nya at muling pinanood ang pagluluto ni nanay.

"Ayan. Saka mo isusunod ang paglagay ng gatas pero dapat tantiyado mo para hindi masyadong lasang gatas. Dapat malalasahan parin yung alat nya." turo ni nanay kay Vini kung pano niluluto ang mami nya.

"Uh, Nay, mauuna na po muna ako. Nandyan po kasi si Ralph." paalam ko kay nanay.

"Oh eh sige." lumingon sa akin si nanay at pinunasan ang kanyang kamay upang makapagmano ako. "Mag-iingat kayo ah." sabi nya sa akin at saka lumingon sa gawi ni Ralph. "Ralph, hijo, paki-ingatan ang unica hija ko ah?" ngiti nya kay Ralph.

"Huwag po kayong mag-alala." ani Ralph. "Ako pong bahala kay Bella." nakangiti nyang sabi.

Ngumiti lang si nanay kay Ralph at saka ako tinanguan bago bumalik sa kanyang pagluluto.

Tinignan ko naman si Vini na sya nang naghahalo ng niluluto ni nanay.

"Vini, sandali lang ata kami. Hintayin mo na lang ako para makita kita bago umalis ah?" sabi ko kay Vini dahil may kung ano akong maling nararamdaman sa pag-iwan ko sa kanya.

"Sure. I'll wait." sabi nya sa akin at tipid na ngumiti saka muling kinausap ni nanay.

Napangiti nalang ako't umalis na papunta kay Ralph na agad akong pinasakay sa kanyang kotse.

"Hmm, san ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya ng makasakay na kami sa kanyang kotse.

"Instead of strolling around... let's just go to our house." aniya't sinimulan na ang pagd-drive papunta sa kanilang bahay.

"Sa bahay nyo?" gulat kong tanong. "Nakakahiya, Ralph. Kababae kong tao tapos pupunta ako sa bahay mo." nahihiya kong sabi.

"Dont worry. Si Ate rin ang nagsuggest na pumunta doon." aniya.

"Ha? Bakit naman?" nagtatakang tanong ko.

Hindi ko alam kung bakit ako papapuntahin ng ate nya sa bahay nila. Hindi naman masungit ang ate ni Ralph. Ang totoo nga'y napakabait nya't mabilis makagaanan ng loob. Pero nakakapagtaka pa ring bigla nya akong papapuntahin sa kanila.

"Remember what you told me about your welcome masquerade party?" tanong nya sa akin.

"Ahh.. Oo." tumatango-tangong sabi ko.

"Sinabi ko kay ate yun at pati na rin yung part na wala kang maisusuot kaya nagprisinta syang pahiramin ka ng damit nya." ani Ralph.

"Talaga?" hindi makapaniwala kong sabi. "Nakakahiya naman sa ate mo."

"You dont have to be shy. Magiging ate mo rin sya someday... I hope." at nagkibit-balikat sya saka iniliko na ang kotse kung saan tanaw na tanaw ang kanilang bahay.

Bahagya namang nag-init ang aking pisngi nang dahil sa sinabi nya.

Magiging ate ko rin ang ate nya?

Beautiful DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon