Chapter 9

109K 3.1K 208
                                    

Chapter 9
Family Dinner

"Sabay tayo ng last class, right?" tanong sa akin ni Ralph nang makarating na kami sa tapat ng room ko.

Tumango naman ako sa kaniya at ngumiti. "Sabay tayong uwi?" alok ko sa kaniya.

"Of course," sabi niya.

Lumapit siya sa akin upang mabilis akong halikan sa aking noo. Napapikit naman ako ng maramdam ang marahan at mabilis na paghalik niya na 'yon.

"See you later," ngumisi siya at kinurot ang aking pisngi saka umalis na.

Huminga naman ako ng malalim at papasok na sana ako sa room ng makita ko si Vini sa hindi kalayuan at pirming nakatingin sa akin.

Iniwas ko ang aking tingin at tuluyan nang pumasok sa room. Tahimik akong umupo sa dati kong inuupuan. Hindi na sa tabi ko nakaupo si Vini kaya medyo naging komportable ako pero hindi pa rin ako nakakaligtas sa kaniyang paningin.

Pakiramdam ko'y isang maling galaw ko lang ay nakakahiya na kaya dapat ay perpekto ang bawat pagkilos ko.

Hindi ko nalang ininda ang kaniyang pagtitig sa akin nang biglang may aninong tumakip sa liwanag at humarang sa aking harapan. Nag-angat naman ako ng tingin sa kaniya at bahagyang napakunot ang noo nang makitang hindi siya pamilyar sa'kin.

"Is this seat taken?" nakangiting tanong niya sa akin habang tinuturo ang upuang katabi ko kung saan nakaupo si Vini dati.

Sasagot na sana ako ng biglang may nauna ng sumagot para sa akin.

"Yes."

Napatingin naman ako kay Vini na sumagot at ngayon ay mariing nakatingin sa lalaki.

"So, will you please back off dahil uupo na ako?" kalmadong sabi ni Vini ngunit punong-puno ng panganib ang kaniyang boses.

"Oh! I'm sorry about that," sabi ng lalaki at saka ngumisi. "I thought walang nakaupo rito dahil doon ka nakaupo kanina," sabay turo niya sa gawi kung saan nakaupo si Vini kanina.

Sasagot na sana ulit si Vini nang tumayo ako sa aking kinauupuan at isinukbit ang bag ko sa aking balikat.

"Kung gusto niyo ay parehas na kayong umupo rito. Mukhang gustong-gusto niyo 'tong gawi na 'to. Ako nalang ang lilipat," nakangiti kong sabi sa kanilang dalawa at saka iniwan silang dalawa roon upang lumipat sa ibang bakanteng upuan.

Hindi pa ako nakakaayos sa pagkakaupo ay naramdaman ko nang mayroon agad na umupo sa upuang katabi ng akin.

"Vini--"

"You don't have to say anything. I'll just sit here dahil baka bumalik si Walter," sabi na lang ni Vini at muling ipinasok sa kaniyang tainga ang earphones.

Umiwas nalang ako ng tingin sa kaniya at hinayaan nalang ang siya sa pagtabi sa akin. Gaya ng sabi niya'y hindi nalang ako nagsalita. I was glad that I was able to fight the awkwardness that's reigning between us. Nakahinga ako ng maluwag nang pumasok na ng silid ang aming professor upang simulan na ang klase.

Pag nandito na kasi ang aming professor ay seryoso lang lagi si Vini na nakikinig sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng professor. Pakiramdam ko nga'y ako ang nawawalan ng focus dahil halos sa kaniya lang ako tingin nang tingin buong klase.

Pagkatapos ng klase ay mabilis kong niligpit ang aking gamit. Akmang aalis na ako nang hawakan ni Vini ang aking braso upang mapigilan ako. Agad ko naman siyang nilingon at kita kong nananantiya ang kaniyang tingin sa akin.

"Pwede ba akong sumabay sa'yo?" tanong niya sa akin.

"Bakit naman?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. "May mga kaibigan ka naman at baka hinihintay ka nila."

Beautiful DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon