P R O L O G U E

36.5K 463 80
                                    

Official Story of Justin Cuevo. :)

Copyright © Nikkidoo
Date started: April 1, 2013

Date ended: July 10, 2014

HAPPY APRIL FOOL'S DAY EVERYONE! :D

Promotional Video at the right -->
Follow me on twitter @Nikkidoo_03

Add me up on Facebook -- http://www.facebook.com/nikkidoo.watty

+++++++++++++++++++++++++++++++

P R O L O G U E

 

Date: April 1, 2013, Monday

      Ang sarap mainlove sa isang Ideal Guy... Mabait, makulit, may kaya sa buhay, ayos ang academic studies, talented, palakaibigan, laging nakangiti, at… Okay, may itsura.

      Ang sarap umibig sa isang taong marunong magmahal ng iisa lamang... Na kahit gaano katagal ang panahon na nagkahiwalay kayo ay ikaw pa din ang nasa puso niya... Yung tipo nang taong, ipinagmamalaki ka sa iba at hindi ikinahihiya... Yung handang maghintay hanggang sa araw ng kasal niyo... At laging nariyan sa paligid para sumuporta at mag-comfort sa’yo...

      Kahit na siya mismo ay nasasaktan na.

     Hanga ako sa kanya, dahil nagawa niyang magparaya ng ilang beses para lamang sumaya ang taong minamahal niya... Mahirap ‘yon, masakit, dahil para mo na ding isinuko ang buhay at kaligayahan mo...

     Naniniwala ako sa fairytales... sa buhay ng isang prinsesa na balang-araw ay matatagpuan niya ang kanyang prinsipe... Pero ang hindi ko inakala ay mayroon palang prinsipe na katulad niya na darating sa buhay ko... Isang prinsipeng nagpabago sa mundo ko, nagturo sa akin ng tunay na pagmamahal at nagbigay sa akin ng pag-asa na mangarap ng isang Happily Ever After ...

      Kahit na hindi ko alam kung ito nga ba ang kahahantungan... Nagpapasalamat ako’t nakilala ko siya, at naging bahagi ng buhay ko ...

     Justin, alam kong sa likod ng mga ngiti mo, umiiyak ang puso mo, alam ko ‘yan, dahil tunay kang magmahal... Walang kapantay... Halos isuko mo na ang lahat sumaya lamang siya... Natutuwa ako dahil alam mo ang salitang ‘tapat’... Ilang beses ka nang nasaktan at umiyak ng dahil sa iisang tao, pero sa kabila ng lahat, hindi ka pa din huminto sa pagmamahal sa kanya ...

      Natutuwa ako dahil ganito ka... Huwag kang magbabago ah? Masaya pa rin ako...

     Kahit na hindi ako ang tinitibok ng puso mo.

    

++++++++++++++++++++++++++

MISS AUTHOR'S NOTE:

How's the prologue? :)

~Nikkidoo *u*

Another Heartbeat ♫ (completed)Where stories live. Discover now