Chapter 23: Bleeding

264 20 7
                                    

Hindi ko na alam kung saan ako pupunta ngayon. I just keep on running. Ni hindi ko nga alam kung tama ba itong daang tinatahak ko! Keep running, Raina! Kung ayaw mong mapahamak kayong dalawa ni Cordelia sa gubat na ito, huwag kang hihinto sa pagtakbo!

Halos hindi na ako makahinga nang maayos dahil sa pagod. Unti-unti na ring bumagal ang pagkilos ko at noong biglang nawalan ako ng balanse sa sariling katawan, ipit akong napatili at bumagsak sa lupa. Mabilis akong napapikit at napamura na lamang sa isipan.

Ilang segundo akong nanatiling nakaupo at pinagmasdan ang marumi at sugatang paa ni Cordelia. Kahit na may suot akong sapatos, hindi sapat iyon para protektahan ang mga paa ko. Nagkasugat-sugat na rin ang lower leg ko na siyang kanina ko pa iniinda ang sakit. Damn it!

"Akala ko ba trained ka sa mga ganitong bagay, Cordelia?" Wala sa sarili akong napailing at pilit na ikinalma ang paghinga. Mayamaya lang ay sinubukan kong tumayo at noong maramdaman kong hindi ko pa kaya, muli akong umayos nang pagkakaupo at humugot na lamang ng isang malalim na hininga. "One more minute," marahang saad ko at tiningnan ang daang tinahak kanina.

Sa layo nang itinakbo ko kanina, sigurado akong matatagalan akong mahanap ng mga kalaban. And I'm pretty sure that Howard and Maori did give me enough time to run. Sana nga lang ay maayos ang lagay ng dalawang iyon.

Muli akong humugot ng isang malalim na hininga at muling kumilos. Sa pagkakataong ito ay nagawa ko ng makatayo nang maayos. Wala sa sarili akong napatango at nagpatuloy na sa pagtakbo. At kagaya kanina, wala pa rin akong ideya kung saan ako pupunta. Hindi ko pa rin alam kung paano makakalabas sa masukal na gubat na ito! Hindi ko pa rin alam kung paano ako makakarating sa Oracle ng Evraren! Nasa Vallasea pa rin ako, hindi ba? Damn, I'm hopeless!

Napailing na lamang ako at pinagpatuloy ang pagtakbo. At sa muling pananakit ng mga paa ko, inis akong tumigil sa pagkilos at napasandal na lamang sa isa sa malaking puno 'di kalayuan sa akin. Napahugot ako ng isang malalim na hininga at wala sa sariling napatingala na lamang.

Malapit ng dumilim. Kung hindi pa rin ako makakalabas sa gubat na ito, tiyak kong mas mahihirapan kong tumakbo! I need to get out of this forest as soon as possible! Muli akong humugot ng isang malalim na hininga at noong umayos ako nang pagkakatayo, agad akong naalarma sa paligid. Agad akong nagpalinga-linga at hinanap ang pinanggagalingan ng kakaibang presensiyang nararamdaman ko ngayon. Mayamaya lang ay napakunot ang noo ko noong may panibagong presensiya akong nararamdaman sa paligid.

"What the hell is this?" matamang tanong ko sa sarili at mas pinatalas ang pandama. Iba't-ibang presensiya ang mayroon ngayon sa gubat na ito! Some are the dark magic users, paniguradong miyembro ng Phantom, at ang iba naman... hindi ako pamilyar sa presensiya nila kaya naman ay hindi ko malaman kung kalaban ba ito o hindi! Damn it! I need to move now!

Hindi ko alam kung ano at sino ang makakaharap ko sa gubat na ito at kapag magtagpo ang mga landas namin, I doubt if I can protect Cordelia's body! I'm tired and can't even run properly now!

Gamit ang natitirang lakas na mayroon ang katawan ni Cordelia, pinilit kong ihakbang muli ang mga paa nito. Segundo lang din ang lumipas ay napangiwi ako dahil pakiramdam ko'y babagsak at mawawalan na naman ako ng balanse! My damn feet hurts like hell! Kanina pa ako takbo nang takbo at mukhang hindi ko na kakayanin pang tumakbo kagaya nang ginawa ko kanina!

Mabilis kong hinampas ang kanang binti ko at napangiwi na lamang muli. "Move! We need to keep running, Cordelia!" mariing saad ko at muling sinubukang humakbang.

Nagawa ko naman iyon. I did make few steps but when I was about to run again, I felt a strange energy that suddenly appeared behind me. Wala na akong nagawa pa. Mabilis akong yumuko at napaupong muli sa may lupa. Dali-dali din akong bumaling sa likuran ko at noong may nakita akong tatlong bulto ng tao roon, napamura na lamang ako sa isipan.

Realm of the EastOnde histórias criam vida. Descubra agora