Chapter 3: Powerless

370 32 2
                                    

Tatlong araw na akong nakakulong sa silid na ito. At sa loob ng tatlong araw na iyon ay hindi ko na muling nakita si Carolina at iyong lalaking nakausap ko noon. Tanging isang taga-silbi lamang ang nagdadala ng pagkain para sa akin ang nakakasalamuha ko.

I tried to talk to her. Kinakausap ko ito ngunit bigo akong makakuha ng kahit isang salita man lang. Pagkalapag niya kasi ng pagkain ko, yumuyukod na ito at mabilis na lumalabas sa silid. Napapairap na lamang ako kapag ginagawa niya iyon sa akin.

Sa loob ng tatlong araw, halos mabaliw din ako kakaisip kong ano ang maaari kong gawin sa mundong ito. Noong si mommy ang nandito, noong nasa ibang katawan siya, alam niya agad kung ano ang dapat gawin. Alam niya agad kung anong misyon ang dapat niyang tapusin. It was easy for her. Hindi siya nahirapang makabalik sa totoong mundo namin kaya naman bakit tila mahirap itong sa akin?

Tahimik akong nakatanaw sa malawak na lupain sa labas ng bahay. Nasa pangalawang palapag itong silid ni Cordelia at dahil mukhang walang plano itong si Carolina na palabasin ako sa silid na ito, gagawa na lamang ako nang paraan para makalabas dito.

I smirked and opened the window. Good thing at hindi ito naka-lock. Mabilis ko itong nabuksan at agad na isinampa ang isang paa. Maingat kong inangat ang katawan at noong nasa tamang posisyon na ako, dumungaw muna ako sa ibaba.

"Nasa second floor ka lang, Raina. Don't worry, bali lang ng buto ang mapapala mo kapag namali ang bagsak mo sa katawang ito." Napangiwi ako sa tinuran at mabilis na tumalon mula sa pangalawang palapag ng bahay.

Impit akong dumaing noong bumagsak ang katawan ko sa lupa. Pinakiramdaman ko muna ang sarili kung may masakit ba o nabali sa aking mga buto at noong wala akong naradaman maliban sa sakit ng kanang kamay na namali nang tukod kanina, mabilis akong tumayo at tiningnan ang paligid.

Napangiti na lamang ako noong wala ngayon iyong mga tauhan ni Carolina. Minsan kasi ay narito sila sa malawak na lupain at nag-eensayo. Good timing talaga ang napili kong oras para tumakas. Dali-dali kong inihakbang ang mga paa at naglakad patungo sa kung saan.

Wala akong alam sa lugar na ito. Ni hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hinayaan ko na lamang ang mga paa ko at noong may mapansin ako sa daang tinatahak, napakunot na lamang ang noo ko. Mayamaya pa'y tumigil na ako sa paghakbang at gulat na nakatingin sa lawang natanaw 'di kalayuan sa puwesto ko.

Wait a minute. Ito ba iyong lawang tinutukoy nila sa akin? Iyong lawa kung saan nalunod itong si Cordelia? Ito ba iyon?

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Mabilis kong inihakbang muli ang mga paa at tuluyan nang lumapit sa gilid ng lawa. Tahimik kong pinagmasdan ang tubig na naroon at noong may napansin ako sa bandang kanan nito, napakunot ang noo ko. Inihakbang kong muli ang mga paa at noong nasa tapat na ako nang nakita ko kanina, napaawang na lamang ang labi ko.

Oh my God! It was my mom's diary!

Mabilis akong napaluhod at pilit na inabot ang palutang-lutang na diary ni mommy. I tried so hard to reach it, but I failed! Mukhang lumayo pa nga ito sa akin dahil dumampi ang kamay ko sa tubig kanina! Mayamaya lang ay napamura ako sa isipan noong hindi ko man lang magawang hawakan ito. Napabuntonghininga ako at mabilis na umayos nang pagkakatayo. Nagpalinga-linga ako at naghanap ng maaaring gamitin para masungkit ang diary sa tubig. I sighed again when I saw nothing. Wala man lang kahit maiksing sanga o patpat akong nakikita sa malawak na lupain na ito! Unbelievable!

"No choice," mahinang wika ko sa sarili at napagdesisyunang lumusong na lamang sa tubig. I need that diary! If I wanted to survive here, I need to have it! Ito lang ang makakatulong sa akin para maging matiwasay ang pamamalagi ko sa mundong ito!

Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Mabilis kong inalis sa paa ang suot na sapatos at humakbang ng isang beses sa may gilid ng lawa. Muli kong tiningnan ang tubig doon at noong akmang tatalon na sana ako, isang kamay ang mahigpit na humawak sa kaliwang braso ko. Gulat akong natigilan sa binabalak na pagtalon at marahas na napalingon sa biglang humawak sa akin.

Realm of the EastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon