Chapter 8: Images

396 25 4
                                    

Identity crisis.

Iyon ang tanging nasa isip ko ngayon pagkatapos no'ng panaginip... no, it's more like a memory of Cordelia.

Nabasa ko na ang ganitong senaryo sa diary ni mommy. Ilang beses itong nangyari sa kanya noon no'ng nasa katawan pa siya ni Captain Mary at Scarlette. Sigurado ako. That was not a dream. It was definitely part of her memory.

"Cordelia... sino ka ba talaga?" mahinang tanong ko sa sarili at napabaling na lamang sa pinto ng silid noong may kumatok doon. Napahugot ako ng isang malalim na hininga at maingat na tumayo mula sa pagkakaupo sa may gilid ng kama. Naglakad na ako patungo sa pinto at noong buksan ko iyon, bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Carolina.

Napalunok ako at maingat na umatras. Mas nilakihan ko ang awang sa may pintuan at pinapasok na ito. Maingat akong naglakad pabalik sa kama ni Cordelia at naupong muli sa gilid nito.

Tahimik kong pinagmasdan si Carolina. Nagsimula na rin itong maglakad at nagtungo sa may bintana ng silid. Tumayo ito roon at tahimik na tinanaw ang tanawin sa labas. "Kinausap akong muli ni Dylan," anito na siyang ikinaayos ko nang pagkakaupo. Napatitig ako sa likod nito at hinintay ang susunod na sasbihin nito sa akin. "Kung aalis ka at dadalo sa pagtitipon, hindi kita maproprotektahan, Cordelia."

"Kasama ko si Dylan. Nandoon din si Tanner. I'll be fine," maingat na wika ko at natigilan na lamang noong bumaling sa akin si Carolina.

"Mapanganib para sa'yo ang umalis dito sa Atlantis, Cordelia," seryosong saad nito sa akin. "Nasabi ko na ito sa'yo noon at ngayong wala kang maalala na kahit ano, sasabihin ko ulit ito sa'yo. Mapanganib ang mundong ito, Cordelia. This world... it's dangerous and cruel and you... wala kang alam na kahit anong mahika. Paano mo maproprotektahan ang sarili mo?"

"Wala ka bang tiwala sa akin? I... I can fight, Carolina. You trained me. Dylan trained me. I can use different weapons. Sapat na iyon para maprotektahan ko ang sarili."

"Those weapons are not enough to protect you!" Natigilan ako noong lumakas ang boses nito. "Your life... it's the most important thing we have here."

"I'm not a thing, Carolina," mariing wika ko sa kanya. Sa pagkakataong ito ay si Carolina naman ang natigilan sa puwesto niya. "I'm a human. Tao ako at may sariling pag-iisip. I can decide whatever I want to do. I'm not a puppet and I will never be one." Napahugot ako ng isang malalim na hininga bago magpatuloy sa pagsasalita. "Kung nagawa kong maging sunod-sunuran sa inyo noon, hindi ko maipapangakong magagawa ko ulit ito ngayon. Oo, wala akong maalala sa nakaraan ko. Oo, wala akong kapangyarihan pero hindi iyon sapat na dahilan para ikulong ako sa lugar na ito. I never wanted this. I never wanted to forget everything. I never wanted to be powerless. Kaya naman nakikiusap ako sa'yo, Carolina. Stop sheltering me. I'm not a kid anymore. I can decide for myself. I can and will protect myself from this dangerous and cruel world you're talking about. Kaya ko na ang sarili ko kaya naman tama na. Hindi mo na ito kailangang gawin pa."

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang tapang ko noong sabihin ko ang mga katagang iyon sa harapan mismo ni Carolina. Maging ako ay naging speechless pagkatapos kong sambitin ang mga iyon!

What the hell just happened? I was lost for a second and when I finally got my senses back, huli na ang lahat. Nasabi ko na ang mga iyon kay Carolina!

Mahina kong tinampal ang pisngi at tiningnan ang repleksiyon sa salamin.

Kanina pa umalis si Carolina sa silid nitong si Cordelia. Wala na rin kasi itong nasabi sa akin kanina at nagpaalam na lamang na aalis na. Hindi na rin nito pinagpilitan pang manatili ako sa lugar na ito. She just told me to rest before we leave this place later.

I sighed for the nth times. Ngayong ay nasa harapan ako ng salamin at masamang tinititigan ang repleksiyon. I sighed again and tried to understand what happened earlier.

Realm of the EastWhere stories live. Discover now