Chapter 17: Prophecy

279 22 2
                                    

"Yes, you're a royal, Cordelia. The first-born princess of the current royal family of Vallasea."

Gusto kong pigilan si Aavir sa sinasabi nito dahil alam ko na naman ang tungkol sa bagay na iyan ngunit hinayaan ko na lamang ito. Nanatili akong tahimik sa puwesto ko at nakatitig lamang sa kanya.

"Vallasea is a powerful realm of Azinbar. Kumpara sa ibang realm ng mundong ito, natatangi ang Vallasea. Marami itong isla at isa na roon ang Atlantis kung saan ka nanirahan ng ilang taon." Humugot ito ng isang malalim na hininga at umayos nang pagkakaupo sa puwesto niya. "Halos lahat din ng naninirahan sa realm na ito ay may kakayahang gamitin ang kapangyarihan at enerhiya ng tubig. It's a gift for us, the people of Vallasea. Kahit anong estadong mayroon ka, kaya mong gamitin ito. And the higher the rank... the higher the possibility that you can control and use this gift without even trying or learning about how to use it."

Mariin kong ikinuyom ang mga kamao at nanatiling tahimik sa puwesto ko. I think I know where this conversion is going. Cordelia is powerless. Ipinanganak itong walang kapangyarihan. And being a royal, isang malaking eskandalo kung malalaman ng lahat na ang isang kagaya niya ay ipinanganak na hindi kayang gumamit at kumontrol sa enerhiya ng tubig. "Tell me," marahang saad ko. "I was born powerless... right?"

"Powerless is not the right term for that, Cordelia," ani Aavir sa akin. "I don't know the full details about what happened to your power, but something happened on the day you were born." He carefully added. "A Seer from Oracle came and visit the royal palace and told His Highness about a certain prophecy."

Wala sa sarili akong napakurap at biglang nanlamig sa kinatatayuan ako. "A prophecy? About what?" Halos walang tinig na tanong ko sa kanya.

"Cordelia-"

"Tell me Aavir, please." Pakiusap ko sa kanya.

Segundo lang ay umiling si Aavir sa akin. "Walang ibang nakakaalam sa prophecy na iyon, Cordelia. Tanging ang mga magulang mo lang at ang Seer na nakakita no'n ay may alam. We just happened to know about it, and we don't know what kind of prophecy it was. And it happened so fast. Days later, an unexpected news came and shocked everyone living here in Vallasea."

Napakunot ang noo ko sa narinig. "The first-born royal princess died and the whole royal family was mourning about it," pagpapatuloy ni Aavir. What? Ipinalabas nilang patay na si Cordelia? Oh my God! That was really unexpected! Paano nila nagawa iyon sa anak nila?

"It took us years before finally discovering about what really happened to you. Apex Tribe is not an enemy of the royal family. Isa lang ang misyon namin at iyon ang protektahan ang realm na ito. At noong may nakakita sa'yo sa Atlantis, sa shelter mansion ni Carolina, we knew that something might happened sooner or later in this realm. The heir of the throne is still alive, at bilang miyembro ng Apex Tribe, obligasyon namin protektahan ang buhay mo, Cordelia."

"And then... I had the accident," wala sa sariling saad ko. "Tell me, may miyembro ba ng Apex Tribe na nasa Atlantis ngayon?"

"We have some men there but inside Carolina's shelter mansion, wala," mabilis na tugon ni Aavir sa akin. Napatango ako. "Anong klaseng aksidente ang kinasangkutan mo, Cordelia?"

Napatitig ako kay Aavir at mayamaya lang ay napahugot na lamang ng isang malalim na hininga. "Nahulog sa lawa," walang emosyong sagot ko. "And I can't remember if it was just a simple accident, or someone tried to kill me by pushing me and let me drown unto the lake."

"An intruder inside the shelter mansion," mahinang sambit ni Aavir. "Alam ba ni Carolina ang tungkol dito?"

"Of course." Humugot muli ako ng isang malalim na hininga. "Mas pinahigpit nga nito ang pagbabantay sa akin noong nagkaroon muli ako nang malay."

Realm of the EastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon