Chapter 6: Visitor

373 26 4
                                    

Wala akong maintindihan sa kung ano itong tinatanong sa amin ni Carolina ngayon. Nanatili ang matamang titig nito sa amin at noong bumaling ito kay Dylan, wala sa sariling napatingin na rin ako sa lalaki.

"Alam n'yong wala akong maalala. Kaya naman... kung ano man ang rason kung bakit kasama ako sa imbitasyong iyan ay wala akong alam," sambit ko habang nakatingin kay Dylan. Hindi kumibo si Dylan sa kinatatayuan niya at noong mamataan kong humugot ito ng isang malalim na hininga at bumaling sa akin, napaayos ako nang pagkakatayo.

"It was my idea to visit the Phoenix's headquarters," anito at binalingan si Carolina. "Hindi na ako nagpaalam sa'yo noon dahil alam ko namang walang magiging problema sa pagbisita namin sa headquarters."

"Walang magiging problema?" mariing tanong ni Carolina kay Dylan. "Kaarawan ng Grand Master ng Phoenix ang dadaluhan ninyong dalawa, Dylan!" anito at marahas na napabuntonghininga. Umiling ito at mabilis na tinalikuran kami. Bumalik ito sa puwesto niya kanina at marahas na naupo sa upuan nito. "Hindi kayo tutungo sa headquarters."

Kunot-noo kong tinignan si Carolina. Ramdam ko ang galit nito ngunit hindi ko maintindihan ang dahilan kung bakit tutol ito sa pagpunta namin sa sinasabi nilang headquarters. "Hindi naman kami magtatagal sa lugar na iyon, Carolina." Napabaling naman akong muli kay Dylan noong magsalita ito. "Ito rin naman ang nais ni Cordelia. Sumang-ayon ito noon sa akin. Hindi mo ito maaaring pagbawalan kung nais nitong umalis muna sa lugar na ito."

"Dylan!" pagalit na tawag ni Carolina sa lalaki. Bahagya naman akong napapitlag dahil sa pagkagulat. "Alam mo kung sino ang maaaring dumalo sa pagtitipon na iyan."

"I know, Carolina. Ngunit hindi namin pinili ang araw na ito."

Napailing muli si Carolina. "It's still a no. Hindi kayo dadalo sa pagtitipong ito."

"Ano ba kasing mayroon sa pagtitipon na iyan?" Wala sa sariling tanong ko na siyang ikinatigil ng dalawa. Napakunot ang noo ko at tahimik na hinintay ang magiging sagot nila sa naging tanong ko. Ngunit lumipas ang ilang segundo, walang nagsalita sa dalawa. Palihim akong napangiwi at umayos na lamang nang pagkakatayo sa kinatatayuan. "Kung hindi naman kami mapapahamak sa pagtitipong iyon, pupunta kami ni Dylan doon, Carolina," mahinahong saad ko na siyang ikinalaki ng mga mata ni Carolina. "At isa pa, mukhang marami naman ang dadalo sa okasyong iyan. Walang makakapansin sa presensiya namin sa headquarters na tinutukoy niyo," dagdag ko pa.

Marahas na umiling si Carolina sa akin at humugot ng isang malalim na hininga. Mataman niya akong tiningnan at umayos na lamang nang pagkakaupo. "Ikaw na ang nagsabi nito sa akin, Cordelia. Wala kang maalala. Hindi ba dapat ay mas makakabuting manatili ka na lamang sa lugar na ito hanggang sa bumalik ang mga nawalang memorya mo?" seryosong tanong niya na siyang nagpatigil sa akin.

Lalong napakunot ang noo ko sa narinig. Wait a minute. Don't tell me... she wants to cage me here? Na habang wala pa sa akin ang mga alaala ni Cordelia, mananatili ako sa mansyon niya at hindi aalis man lang dito? Ganoon ba iyon?

"Caro-"

"Ako pa rin ang masusunod sa lugar na ito, Dylan." Putol nito sa dapat na sasabihin ni Dylan. Biglang tumahimik ang lalaki at bahagyang yumukod sa harapan ni Carolina. Napa-arko na ang kilay ko sa nangyayari. "Hindi kayo aalis sa lugar na ito." She said without breaking an eye contact with me.

Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan na lamang ito sa nais niya. Fine. Whatever. Hindi ko na ipipilit pa ang bagay na ito. Paniguradong may ibang paraan pa para naman makalabas ako sa mansyong ito. She can't cage me here forever. Kailangan kong umalis at hanapin ang Tyrants. Kailangan ko sila para matunton ko naman si Scarlette na siyang tiyak kong magsasabi sa akin kung nasaan ang ama ko sa mundong ito.

Realm of the EastWhere stories live. Discover now