Chapter 16: Questions

254 20 3
                                    

Apex Tribe.

Hindi ko alam kung tama bang sumama ako kila Howard at Maori patungo sa sinasabi nilang Apex Tribe na iyan. I wanted to talk to them again and let me just leave this forest, but I guess that would be a bad idea. Sa naging trato pa lamang ni Maori sa akin kanina, tiyak kong hindi niya ako papaalisin sa gubat ng ito ng buhay.

I just really hope that this Apex Tribe won't harm me. Sana ay hindi sila katulad ng mga taong dumukot sa akin at sinubukan akong patayin.

Maingat at tahimik ang bawat hakbang ko. Naging alerto rin ako sa paligid at noong tumigil na sa paglalakad si Howard, wala sa sarili akong napatitig sa may harapan namin. "We're here," anito at binalingan ako.

Nanatili naman ang titig ko sa pinaka-main entrance ng isang village. May isang matayog na trangkahan roon na gawa sa kahoy. Sa magkabilang bahagi naman nito ay may napansin akong tila kambal na tore at may mga bantay na nakatayo. At noong mapansin nila ang presensiya namin, namataan ko ang pagkilos ng isa. Mayamaya lang ay kusang bumukas ang nakasarang trangkahan sa harapan namin.

"Let's go, Cordelia," yaya sa akin ni Howard at muling kumilos na.

Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago sumunod sa kanya. Ikinuyom ko rin ang mga kamao ko habang pilit na ikinakalma ang sarili.

Walang mangyayaring masama sa akin. Walang mangyayaring masama sa akin sa lugar na ito. Pauli-ulit ko iyong sinasabi sa isipan habang tinatahak ang daan papasok sa village ng Apex Tribe. At noong tulungan na kaming nakalagpas sa malaking trangkahan, ilang tao ang sumalubong sa amin. Mabilis naman akong umayos nang pagkakatayo at matamang tiningnan ang mga ito.

May isang matandang lalaki ang nasa unahan nila at katabi iyon ngayon ni Maori. Sa uri pa lang nang titig nito sa akin, mukhang ipinaalam na ng babaeng iyon ang tungkol sa akin. Wala sa sariling napabuntonghininga na lamang ako at sinalubong ang matamang titig ng mga taong naninirahan sa village na ito.

"Sir Aavir," ani Howard at muling kumilos. Lumapit ito sa matandang lalaki at bahagyang yumukod. "We brought someone, Sir. Nakita namin siya sa gubat."

"Nasabi nga sa akin ni Maori, Howard," saad ng matandang lalaki habang nakatingin pa rin sa akin. "Sa opisina na tayo mag-usap-usap," dagdag pa nito at binalingan ang mga taong kasama niya. "Bumalik na kayo sa kanya-kanya niyong mga gawain. Ako na ang bahala rito."

Tahimik na nagsitango ang mga taong kasama nito at walang imik na nagsikilos. Nagpatuloy ako sa pagmamasid sa kanila at noong kaming apat na lamang ang natira, ako, si Howard, Maori, at ang iyong matanda lalaki, bigla akong nakaramdaman ng kakaiba sa paligid. Agad akong napabaling sa mga taong nagsialisan at hinanap iyong kakaibang enerhiyang naramdaman ngayon-ngayon lang.

What the hell was that?

"Cordelia." Napabaling muli ako kay Howard noong tawagin niya ako. "May problema ba?"

Mabilis naman akong umiling sa kanya. "Nothing."

Tumango si Howard sa akin. "Relax. You're safe here," aniya at nagsimula nang maglakad muli. Nakaalis na pala iyong si Maori at ang matandang lalaki. Malayo na ang distansiya nilang dalawa mula sa kinatatayuan ko. Napabuntonghininga akong muli at tahimik na hinanap iyong presensiyang naramdaman kanina. Hindi ako maaaring magkamali. It was a familiar presence. Naramdaman ako na iyon noon! And now... it's here. Nasa Apex Tribe ang presensiyang iyon!

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Dali-dali akong sumunod sa tatlo at noong makarating kami sa opisinang tinutukoy noong matandang lalaki, agad akong pinaupo ni Howard sa bakanteng upuan. Sinunod ko naman iyon habang tahimik na nakikiramdam sa mga kasama ko.

"Cordelia," ani ng matandang lalaki na siyang ikinatuon ko nang tingin sa kanya. "Iyon ang pangalan mo?" He asked me. Tumango naman ako. "Nagmula ka sa sentro ng Vallasea?"

Realm of the EastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon