Chapter 5: Invitation

366 22 6
                                    

Pabagsak akong naupo sa sahig ng training room at inilapag ang espada hawak-hawak sa tabi ko.

Kusang umawang naman ang mga labi ko at pilit na hinahabol ang sarili paghinga.

"We're done for today," rinig kong sambit ni Dylan na siyang ikinabaling ko sa kanya. Mabilis akong napailing at pilit na itinayo ang sarili mula sa pagkakaupo. At dahil nga sa sobrang pagod, hindi ko nagawang tumayong muli at kusang bumagsak sa sahig ang katawan ko. Damn, I'm tired!

"Damn it!" mahinang bulalas ko at hinilot na rin ang paa ko. "Akala ko pa naman malakas ang katawan na ito," bulong ko pa habang iniinda ang sakit sa mga paa.

Narinig ko ang pagbuntonghininga ni Dylan kaya naman ay napaangat ang tingin ko sa kanya. Namataan ko itong marahang naglalakad patungo sa kinauupuan ko. "Don't force yourself. Hayaan mong makapag-adjust ka ulit sa ganitong klaseng training, Lia."

Napangiwi na lamang ako at wala sa sariling napatango sa kanya. "Ito lang ba ang kaya kong gawin?" tanong ko naman na siyang ikinatigil ni Dylan sa kinatatayuan nito. "Noong sinabi mo sa akin magaling ako sa combat fighting at sa paghawak ng iba't-ibang klase ng espada, nagtiwala ako sa kakayahan ko. Kahit na wala ang mga memorya ko, still, I can freely move and let my body do the job. But hell! Unang atake mo pa lang kanina, halos mamatay na ako!"

Wala sa sarili akong napailing at humugot ng isang malalim na hininga. Nanatili naman ang titig sa akin ni Dylan at noong napansin kong kumunot ang noo nito, taka ko itong pinagmasdan.

"You attacked me aggressively earlier, Lia. Sinabayan ko lang ang mga atakeng ginawa mo," anito habang nakakunot pa rin ang noo nito.

What?

"I did... what?" wala sa sariling tanong ko habang itinuturo ang sarili. "That's impossible, Dylan. E, halos wala nga akong laban sa mga atake mo kanina."

"Ganoon ba ang tingin mo sa nangyari sa loob ng training room na ito?" tanong niya na siyang ikinatango ko naman.

Obviously, yes! Wala akong alam sa ganitong klaseng training. Noong nasa totoong mundo pa ako, ni hindi ako nag-abalang matuto ng kahit anong klaseng martial arts and self-defense training and course. I have my personal bodyguard kaya naman ay hindi na ako nag-abala pang matuto ng mga ganitong bagay. Hindi na rin naman kasi nasa panganib ang buhay ko noon, unlike kay mommy na minsan na kinuha ng mga kalaban sa negosyon ng pamilya namin. I was free from that drama pero dahil nag-iisang anak ako ni Rhianna Dione Ferrer, minabuti pa rin ni mommy na may nagbabantay sa akin. And that was ages ago! At iba rin itong sitwasyong mayroon ako ngayon!

"Nakalimutan mo na bang nasira mo ang isa sa espadang ginamit mo kanina?" tanong muli ni Dylan na siyang ikinatigil ko. Napakurap ako at wala sa sariling napatingin sa kabilang bahagi ng silid kung saan ko inilagay kanina ang unang espadang ginamit sa training na ito. "You broke it, Lia. You attacked aggressively and I just matched it," mariing turan pa nito. "Kaya ka napagod dahil halos ibuhos mo lahat ng lakas mo kanina sa bawat atakeng ginagawa mo."

Napaawang na lamang ang labi ko noong unti-unting rumerehistro sa isipan ko ang mga katawang binibitawan ngayon ni Dylan. He's right. Mukhang ganoon nga ang ginawa ko kanina. Masyado akong nag-focus sa bawat atake ko at nakalimutan na isang pagsasanay lamang ito!

"Nasabi ko na ito sa'yo noon at dahil wala ka ngang maalala, sasabihin ko itong muli sa'yo, Cordelia. Kapag nasa totoong laban ka na, kapag hindi ako ang kaharap mo at nasa panganib na ang buhay mo, you need to stay calm. In order for you to win, you need to clear your mind and strike when the right time come. Hindi iyong basta-basta ka na lang aatake. Dahil kung totoong nasa isang laban ka na, mauubos agad ang lakas mo. You need to think, stay calm and assess everything first before making an attack to your opponent. That's your strength as a warrior, Cordelia. Kahit na wala kang kapangyarihan katulad ng ibang naninirahan sa mundong ito, may kakayahan kang tanging ikaw lamang ang mayroon."

Realm of the EastWhere stories live. Discover now