Prologue

795 47 31
                                    

Maingat ang bawat hakbang ko habang naglalakad sa may arrival area ng airport. Habang hila-hila ang dalang maleta, panay naman ang buntonghininga ko.

Kailangan kong kumalma.

Ilang taon na rin naman ang lumipas simula noong huling uwi ko rito sa Pilipinas at mukhang nakalimutan na rin ni Mama ang ginawa kong kalokohan noon. I'm a matured woman now. Hindi na ako ang spoiled brat na anak niya. Alam ko na rin ang mga limitasyon ko sa lahat ng bagay na nakapalibot sa akin. Wala na rin sa isipan ko ang pagrerebelde. Tapos na ako sa phase ng buhay ko kung saan lahat ng gusto kong gawin ay ginagawa ko. I'm the sole heir of my mother's legacy, kaya sapat na ang panahon ibinigay ko para sa sarili. I'm back now. Hindi para pasakitin ang ulo ng aking ina, kundi ang tulungan ito sa negosyo ng pamilya at para na rin makasama siya.

I sighed again when I saw some familiar faces waiting for me. Mayamaya lang ay namataan na rin nila ako kaya naman ay halos sabay silang umayos nang pagkakatayo sa puwesto nila.

"Mervin, Dhalia," bati ko sa dalawa noong tuluyan na akong nakalapit sa kanila. Ngumiti naman ang dalawa sa akin at kinuha na ni Mervin ang maleta ko. "Kumusta kayo?"

"We're good, Raina." Ngumiti muli sa akin si Dhalia at marahang niyakap ako. "And welcome home, young master."

Napailing na lamang ako sa tinuran ni Dhalia at marahang tumawa. Gumanti ako nang yakap sa kaibigan at natigilan na lamang noong tumikhim si Mervin sa tabi namin. Napailing akong muli at binalingan ang isa pang malapit na kaibigan ko. "I missed you both," saad ko at matamis na ngumiti sa kanilang dalawa.

"We missed you too, Raina," ani Mervin at nagsimula nang maglakad habang hila-hila na ang maleta ko. Nagkatinginan naman kami ni Dhalia at walang ingay na sinundan ito. "Mamaya na tayo mag-drama. Kailangan na nating pumunta sa ospital."

Napakunot ang noo ko sa tinuran ng kaibigan. Dere-deretso lang ang lakad namin at noong nasa tapat na kami ng isang magarbong itim na sasakyan na tiyak kong pagmamay-ari ng pamilya namin, mabilis kong hinawakan ang braso ni Mervin at pinaharap ito sa akin.

"Ospital? Bakit natin kailangang pumunta roon?" kinakabahang tanong ko sa kaibigan. Wala akong ideya sa tinuran nito kanina. Sino ang nasa ospital? Wala akong maalalang kamag-anak ko na nasa ospital ngayon! "Mervin, answer me," dagdag ko pa noong hindi agad nagsalita si Mervin sa harapan ko.

"Raina, come on. Sumakay na lang muna tayo sa sasakyan. Sa loob na namin ipapaliwanag sa'yo lahat," ani Dhalia na siyang ikinakunot ng noo ko.

Wala na akong nagawa pa. Sumakay na ako sa sasakyan namin at sumunod naman ang dalawa. Tahimik akong naupo sa puwesto ko. Sa tabi ko naupo si Dhalia at samantalang sa may passenger si Mervin. Sandaling kinausap ni Mervin ang driver at noong banggitin nito ang isang pamilyar na pangalan ng ospital, napakunot ang noo ko. Mayamaya lang pinaandar na ng driver ang sasakyan at umalis na kami sa airport.

Minuto lang ang lumipas ay kinuha ko na ang atensiyon ng mga kaibigan ko. Tumikhim ako at pinagtaasan sila ng isang kilay. "Mind telling me what's happening? Sinong nasa ospital?"

"Raina-"

"Cut it off. Just tell me what's happening right now," mariing sambit ko na siyang ikinaharap ni Dhalia sa akin. Umayos ito nang pagkakaupo at humugot ng isang malalim na hininga.

"Raina, it's your mother," maingat na wika ni Dhalia na siyang ikinalamig ng buong katawan ko. "Her condition is getting worse. At dahil malapit na rin ang death anniversary ng lolo mo, mas lumala ang sakit nito. She kept on asking us about your grandfather."

"But... he's dead. Matagal ng patay si lolo," mahinang wika ko. "Ano at sino pa ang mga hinahanap nito?"

"Raina-"

Realm of the EastWhere stories live. Discover now