Chapter 7: Dream

340 28 10
                                    

Wala ni isa sa dalawang lalaki ang kumibo sa harapan ko.

Seryoso lang ang mga titig nito sa akin at noong dumapo ang tingin ko kay Tanner, namataan ko ang pagkunot ng noo nito. "Ano ang kailangan mo sa Tyrants?" He asked me.

"I just need to see them," matamang sagot sa kanya.

Napailing si Tanner habang nakakunot-noo pa ring nakatingin sa akin. "Hindi sapat na rason iyon para makita at makausap ang Tyrants. At isa pa, nasa Northend ang mga iyon. Malayo rito sa Atlantis. Imposible ang nais mo, Cordelia."

"We received an invitation," mabilis na saad ko na ikinatigil nito. "Iyong birthday party sa headquarters niyo. Hindi ba dadalo ang Tyrants doon?"

Napatingin si Tanner kay Dylan at napailing na lamang ito sa lalaki. Muling bumaling sa akin si Tanner at humugot ng isang malalim na hininga. "Kung dadalo ang hari ng Northend sa pagtitipon sa Phoenix headquarters, tiyak kong may isa o dalawang miyembro lang ng Tyrants ang kasama nito." Napaayos ako nang pagkakatayo noong marinig iyon kay Tanner. "Ngunit... hindi ko matitiyak kong makakausap mo ito. You know... there's an invisible line between us, the Phoenix Knights and the Tyrants Northend."

Invisible line? Wait... hindi ba nagkakasundo ang mga ito?

Napakunot ang noo ko at pilit na inaalala kung may naisulat ba si mommy sa diary niya tungkol dito.

"We just interact for a job or for a mission given to us by our Grandmaster and their king," dagdag pa ni Tanner na siyang ikinangiwi ko. Right. Mukhang hindi nga nagkakasundo ang dalawang grupo!

Napakagat na lamang ako nang pag-ibabang labi at wala sa sariling napatingin sa kanina pang tahimik na si Dylan. Sinalubong ko ang matamang titig nito at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga. Ngayon... ano na ang gagawin ko? This is the only chance I have right now. Kung hindi ko makakausap ang Tyrants, baka mas lalong matagalan ako sa mundong ito! I need their help, sila at si Captain Mary!

"Tanner," biglang sambit ni Dylan sa pangalan ng lalaking nasa tabi niya habang nakatingin pa rin sa akin. "Magtungo ka muna sa opisina ko. Susunod ako sa'yo roon," anito na siyang tahimik na ikinakibit-balikat na lamang ng lalaki. Mabilis na nagpaalam sa akin si Tanner at bago pa ito tuluyang makaalis, tinapik muna nito ang balikat ni Dylan. Hindi naman nagpatinag ang lalaki at matamang nakatingin pa rin sa akin.

Mayamaya lang ay nagsimula nang maglakad papalayo si Tannner. Hindi naman ako kumibo sa kinatatayuan at noong tuluyang nawala na sa paningin ko si Tanner, muli kong sinalubong ang matamang titig ni Dylan sa akin. Humugot ako ng isang malalim na hininga at inihanda ang sarili sa maaaring itanong nito sa akin.

"Ano ang kailangan mo sa Tyrants, Cordelia?" seryosong tanong ni Dylan sa akin.

Of course. Iyon agad ang itatanong nito sa akin! "I... I just need their help," wala sa sariling sagot ko at napangiwi na lamang.

"At paano mo nalaman ang tungkol sa kanila?" He asked again. Napakurap ako sa naging tanong nito. What? Hindi ba kilala nitong si Cordelia ang Tyrants? "I'm asking you, Cordelia. Paano mo nalaman ang tungkol sa kanila?"

Palihim akong napangiwi. "Bakit... hindi ko ba dapat malaman ang tungkol sa kanila?" balik na tanong ko sa kanya.

Hindi nagsalita si Dylan at inihakbang na lamang ang mga paa. Natulos ako sa kinatatayuan at hindi man lang sinubukang gumalaw. Ilang hakbang pa ang ginawa nito hanggang sa nasa harapan ko na mismo ito. "Yes, Lia. Hindi mo dapat alam ang tungkol sa kanila. No one in this island knows their existence. Kaya naman sabihin mo sa akin... saan mo nalaman ang tungkol sa kanila?" mariing tanong muli ni Dylan sa akin.

What the hell? Seryoso ba ito? So, kahit ang magkapatid na kaibigan nitong si Cordelia ay hindi alam ang tungkol sa Tyrants ng Northend? Iyong totoo? Umaalis pa ba ng Atlantis ang mga taong naninirahan sa islang ito?

Realm of the EastWhere stories live. Discover now