I'm back! Please read this ~refresher~ first. :)

228K 2.8K 192
                                    

Hi, it's been awhile. ;)

Before you read the update, I hope you read this first. (For better reading of the next chapters)

Summary of MGH; The previous chapters:

1 - Nakita ni Hannah (innocent happy girl) si Dylan (serious gangster) in an awkward situation; Result? Bad first meeting. Parehas silang 1st year, Architecture. Room 308, ehem.

2 - Friends na si Hannah at Dara (happy-go-lucky), sister ni Dylan. Pagkauwi niya, nalaman niyang ipapakasal siya ng papa niya sa anak ng family friend nila — walang iba kundi si Dylan.

3 - Usap-usap, si Hannah naguguluhan, si Dylan walang pakielam. Pero sa huli pumayag na yung dalawa.

4 - Engagement party. Pinagtripan ni Dara yung dalawa. Nangyari ang first kiss.

5 - Wedding day. Lumabas ang tunay na kulay ni Dylan. Gagawin daw niyang 'living hell' ang buhay ni Hannah.

6 - Honeymoon part 1. Inexplain ni Dara kay Hannah na mabait naman si Dylan, pero di pa rin siya convinced. Sinukahan ni Hannah si Dylan sa airplane. Pagkagising, di maalala yung nangyari. Pinaalala ni Dylan, nahiya siya, tumakas papasok ng kwarto. Maliligo na siya kaya lang yung mga damit na nasa luggage niya puro lingerie at sexy clothes. Si Dara ang may kasalanan.

7 - Honeymoon part 2. Natuwa na si Hannah kay Dylan kasi binilhan siya ng damit na nagpakita ng good side nito, kaya lang bwinisit na naman siya dahil sa proposal na magdidivorce sila 'pag nahati na nila ng maayos ang will and testament. What a good way to ruin someone's moment.

8 - Ngumiti si Hannah. Naging seryoso mukha ni Dylan. Ayaw niya ng ngumiti ng ganun ulit si Hannah. May bago na silang bahay. Inexplain na ni Dara sa kanya yung 'underground battle', 'gang fights', etc. 

9 - Nagkita ulit sila ni Mac, kababata niya na gangster na pala. May project presentation sila, si Dylan walang napasa. Failed. Nung magppresent na si Hannah, ang pag-introduce niya sa sarili niya ay 'Hannah Lee'; di kinatuwa ni Dylan yun kaya sumigaw siya ng 'Dela Cruz ka na ah!'

10 - Dahil sa inis ni Hannah, binato niya ang gawa niya kay Dylan. Failed rin tuloy siya. Alam na ng buong school na mag-asawa sila. Nainis si Hannah dahil nakita niyang nakikipaghalikan sa ibang babae si Dylan kaya lumabas ang dark side niya. Natatawa si Dylan dahil dito at sinabing ang 'possessive' ni Hannah. Sumama si Hannah sa pag-cutting ni Dylan kasama pa ang ibang Dark Knights: Sky (peacemaker), Grey (joker), Drake, at Trick. Nag-asaran ng siopao ang pisngi yung dalawa sa motor. Bigla na lang may humarang sa kanilang gang.

11 - Gang fight. Black Scorpions (isang member nila ay nagngangalang Jao, di pinangalanan ang leader) vs. Dark Knights. Nanalo ang DK. Nagalit si Dylan habang nasa motor sila ng sinabi ni Hannah kung pwede ba siya sumama sa underground battle. Palitan ng nakakainis na salita habang ginagamot ni Hannah yung sugat ni Dylan. Hinalikan ni Dylan si Hannah para tumigil sa kadadakdak. Tumibok puso ni Hannah.

12 - Nag-meeting ang Dark Knights. Gusto nila na iwasan ni Dylan si Hannah dahil napansin nilang lumalambot na siya dito. Poprotektahan naman daw ni Dylan si Hannah, kaya lang, pinaalala ng ibang DK yung nangyari kay Mandy — yung girlfriend niya. Badtrip siya, kaya nagwala at nagpunta sa bar para maglasing.

13 - Lasing si Dylan. Habang inaalagaan siya ni Hannah, hinalikan niya 'to — at napagkamalang si Mandy. Nasaktan si Hannah kahit alam niyang wala sa ulirat si Dylan.

14 - Nawalan ng gana si Hannah lalo na ng sinabi ni Dylan na wag siyang maattach sa kanya. Nagkasalubong ulit sila ni Mac; napansin ni Mac na namumutla siya kaya niyaya siya nitong magpahinga muna sa tree house niya. Tahimik na pinagmamasdan ni Mac si Hannah habang natutulog. Kaya di siya nagpakita kay Hannah ay dahil sa kapatid niyang si Ann, na nagpapagaling sa America. Siya ang leader ng Black Scorpions; na gagawin ang lahat para lang makaganti sa taong bumastos sa pagkatao ni Ann, at ang lalaking nagpabaya sa kanya.

My Gangster HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon