Chapter 23

226 10 0
                                    

Khun Nueng

Hinigpitan ko ang yakap kay A-nueng.

"Salamat..."

"Ha?"

"Salamat dahil buhay ka."

"Anong nangyare? Bakit biglang naging ganito ka?"  Niyakap ako ni A-nueng pabalik at tumawa.

"Wow... Ito ang unang beses na lumapit ka upang yakapin ako."

Sa pagkakataong ito, ako naman ang yumakap at nagtakip ng aking mukha sa balikat ni A-nueng habang nagsasalita ng bahagya sa gitna ng aking mga luha. Hindi ko na kayang tiisin ang nararamdaman. Kung hindi dahil sa akin, hindi magiging mailap ang kanyang mga mata ng mga salamin at hindi magiging ganito kahina ang kanyang pangangatawan.

Dapat kong bumawi... Dapat kong bawiin ang aking ginawa.

"Salamat sa pagdating dito sa mundo... Tita's girl."

















Dahil sa mga salitang aking nasambit, hindi ako nakatulog sa nakalipas na tatlong gabi. Ikinabigla ko na nasabi ko ang ganun. At ang pagyakap kay A-Nueng upang pasalamatan siya sa pagdating sa mundong ito ay hindi karaniwang bagay na gagawin ng isang tulad ko.

Kung mayroon akong baril, baka binaril ko na ang aking ulo agad-agad.

Biglang tumunog ang aking mura at luma nang cell phone sa tabi ng aking kama. Tiningnan ko ang telepono na hindi pa rin sira pagkaraan ng maraming taon at iniabot ang kamay ko upang kunin ito at tingnan kung sino ang tumatawag. Ang pangalan ni Chet ang nakalagay sa screen. Marahil hindi ko maiwasang sagutin ang kanyang tawag ngayon. Lagpas na sa limampung beses siya tumawag sa nakalipas na tatlong araw. May nagsabi sa akin na ang aking dating nobyo ay hindi rin kumakain o nakakatulog. Marahil iniisip niya ang mga sinabi ko sa kanya noong gabi na iyon.

Marahil siya rin ay nabigla at nalilito tulad ko.

"Oo?"

Isang salita lamang ang sinabi ko dahil ayaw kong mag-utos. Sinagot lamang ni Chet ng isang buntong-hininga sa kabilang linya. Mukhang nakilala niya ang isang taong katulad ko. Siya rin ay masyadong pagod upang mag-ingay.

"Gusto kitang makita."

"Wala pa rin ako nasa mood na makipagkita sa sinuman."

"Pakiusap. Nalilito ako sa maraming araw. Kausapin mo naman ako."

"Sigurado ka bang hindi tayo magpapakamatay dahil sa stress natin?"

"Kahit papaano, sigurado tayong hindi tayo mag-isang mamamatay."

Talaga bang ito ang usapan ng dalawang adultong na nasa trenta? Bago ako huminga ng malalim, ibinaba ko ang telepono at isara ang pinto ng aking silid, na nabubuhay sa instant noodles sa nakaraang tatlong araw. Kinuha ako ni Chet pagkaraan ng mga 15 minuto matapos kong ibaba ang telepono. At tulad ng dati, napunta kami sa isang Italian restaurant. Gayunpaman, nung araw na iyon... wala sa amin ang may gana kumain.

"Inimbitahan mo ako, kaya gawin mo naman. Bakit tayo nakatunganga na hindi man lang kumakain?"

"Hindi ako makakain."

Pareho kami ng naramdaman.

Ngunit dahil ayokong maging masyadong malungkot ang atmospera, kinuha ko ang aking mga kubyertos at nagsimulang kumain ng walang lasang spaghetti parang robot. Tumingin si Chet sa akin habang kumakain ako at nagsimula ng usapan matapos naming iwasan ito hanggang ngayon.

"Si A-Nueng ba talaga ang anak ko?

Tiningnan ko siya sa mata at tumango habang ngumunguya.

"Ilang taon na siya?"

"Senior high school siya."  Wina-wipe ko ang aking bibig gamit ang napkin at inilagay ito sa tabi ng aking plato. "20 years old."

Bumilang si Chet sa kanyang mga daliri at nagbilang sa kanyang isipan bago ipantay ang kanyang buhok, parang may mabigat na iniisip.

"Pareho nga ang kanyang edad at oras sa kung kailan ako kasama si Piengfah..."

"Alam mo bang buntis siya?"

Ang aking diretsahang tanong ay nag-iwan sa kanya ng pagkamangha. Tumingin siya pababa at nagsimulang kumain, hindi nagtatapat na magsalita. At iyon ang aking sagot...

"Alam ko."

"Masyado pa kaming bata noon."

Hindi siya ang tipo na masyadong mag-isip ng mga bagay-bagay dahil hindi siya makakabalik sa nakaraan upang baguhin ito. Tinanong ko lang dahil gusto kong malaman.

"Sabi ko sa kanya... na hindi ako handa. Papaluin lang ako ng tatay ko hanggang mamatay ako."

"At ano ang sinabi ni Fah?"

"Wala siyang sinabi. Parang gusto lang niyang sabihin sa akin at saka siya nawala. Kinikilala kong nagkaroon ako ng ginhawa noong oras na iyon. Takot akong umiyak siya at bumalik sa akin. Noon, ako... ako'y sobrang walang karanasan."

"Mabuti na lang at inamin mo ng harap-harapan. Hindi mo ba sinabihan magpa-aborsyon siya?"

"Hindi. Wala akong sinabing ganoon."

Agad na kumaway si Chet para itanggi iyon. Para bang natatakot siyang isipin ko na mas masama siya kaysa sa iniisip ko.

"Takot lang ako, pero hindi ko naman gusto na ipalaglag niya ang sanggol."

"Mas mabuting tao ka kaysa sa akin. Ako ang nagbigay sa kanya ng gamot para ipalaglag ang sanggol."

"Huhh?...."

"Buti na lang at nakaligtas si A-Nueng. Nakaligtas siya at naging ganitong kahanga-hanga na batang babae."

Tumango ako at natawa ng bahagya bago patuloy sa pagsasabi sa kanya.

"At kung umiyak si Fah at humingi sa iyo ng pananagutan, ano ang gagawin mo?"

"Hindi ko talaga alam."

" Hiniling mo ba sa kanya na ipalaglag ang sanggol? Bata at tanga pa tayo noon. Iyon siguro ang mangyayari."

Tumawa ako at iniisip ang sarili ko sa sandaling iyon. Hindi man ako kasangkot sa pagbubuntis ni Fah, ngunit ibinigay ko sa kanya ang lason na iyon dahil ayaw kong mawala ang kinabukasan ng kaibigan ko.

"Anong gagawin ko?" Tanong ni Chet

"Wala kang dapat gawin. Nakaraan na iyon."

"Ngunit ngayon alam ko na ako ay ama ng isang tao. Na kilala ko ang aking anak... Sa totoo lang, dapat kong kumuha ng DNA test."

Binigyan ko siya ng malamig na tingin. Bigla namang sumubok magpaliwanag si Chet habang mariin na kumaway-kaway.

"Hindi ibig sabihin na hindi ko pinaniniwalaan na si A-Nueng ay ang anak ko. Gusto ko lang na maging lehitimo ang lahat para alam ko kung paano haharapin ang sitwasyon. Ang pagiging bukas ang magpapadali ng lahat. Syempre hindi ko naman itatangi ang aking sariling anak. Handa na ako ngayon."

"Hindi naman sila humihingi ng kahit ano. Kaya wala kang dapat gawin. Si A-Nueng ay pinalaki ng kanyang Lola. Kaya isang estranghero ka lang para sa kanya."  Tumango ako at ngumuso.

Nang sumuko si Chet sa panghihinayang, tiningnan ko ang reaksyon ng aking dating kasintahan at bahagyang natawa.

"Bakit ka ganyan, desperado na desperado ka? Parang gusto mong magkaroon ng anak na babae."

"Okay lang naman sa akin magkaroon ng anak na babae. Handa na ako ngayon... Parang okay lang nung hindi ko pa alam pero ngayong alam ko na... tapos ang cute pa ng anak ko."

Binigyan ko si Chet ng mahinang ngiti nang pag-usapan niya si A-Nueng ng ganun dahil sang-ayon ako sa kanya.

"Oo. Ang cute ni A-Nueng... Sayang naman kung biglang nagbago ang isip ni Fah nang huli at hindi na umabot sa ospital sa oras."

"Wow... Ang tibay ng anak ko."

"Hindi mo pa nga sinubukan ang DNA test pero paulit-ulit mo nang tinatawag na anak mo si A-nueng"

Ngumiti si Chet nang mahiyain.

Blank  || FayeYoko  [Tagalog]Where stories live. Discover now