Chapter 1

1.1K 20 0
                                    

4 years Later

Lumayo ako sa aking pamilya at sa lahat ng kilala ko upang matutunan kung paano mamuhay mag-isa. Kaya nga lang ang pangunahing problema ko ay wala akong ambisyon sa buhay. Ngunit, batay sa aking mga naunang karanasan sa sining at pagguhit, nakapag-enjoy ako habang kumikita ng pera para sa sarili ko. Minsan, may mga araw na kaya kong bayaran ang aking inuupahan, ngunit may mga araw din na hindi. Hindi katulad ng mga araw na nanatili ako sa isang malaking mansyon.

Nanirahan ako ngayon sa isang hotel na nagkakahalaga ng ilang libong bawat buwan. Gayunpaman, hindi ako nakakaramdam ng anumang uri ng pagkabalisa. Dahil masaya ako sa aking ginagawa. Hindi ko nga maunawaan ang emosyon ng isang taong sinusubukang magpakamatay dahil sa suliranin sa pera.

Nais kong maranasan ang kaunting panghihinayang, ngunit wala. Kung tatanungin ako kung bakit ko ginawa ang pagliban sa kasal, simple lang, umaasa ako na ito ay magpapagalit sa aking lola. Inaasahan ko na siya ay maaapektuhan ng pag-aalala, galit, at isang malalim na depresyon dahil hindi natuloy ang plano niyang ipakasal ako. Ito ay bahagi ng kung ano ang nangyari kay Khun Song, ang aking munting kapatid na babae. Kailangan niyang parusahan para sa kanyang maling aksyon. Ayokong gumaya sa kapatid ko na sunod sunuran nalang sakaniya. Nais kong malaman ang pakiramdam ng kasiyahan na magpapalakas sa puso ko nang sobra hanggang sa sumakit ito.

"Aunt Nueng."

Tumingin ako sa isang batang babae na malamang na mas bata ng higit sa isang dekada kaysa sa akin, na nakatingin sa akin na may kahinahunan sa kanyang mga mata. Maaaring ito ang ika-sandaang pagkakataon na pumunta siya upang makita ako ngayong buwan. Mula nang magkakilala kami, siya ay naging isang regular na bisita na gustong-gusto ang pagiging malapit sa akin at ang pagmamasid sa akin nang may interes.

Ngunit, nagdudulot sa akin ng kaunting pagkainis ang kanyang boses tuwing sinasabi niya: "Gusto kita, Tita Nueng." Ang batang ito ay maaaring maging una kong ilaw sa konsepto ng pagdurusa. Ang pangalan ng batang ito ay

"A-Nueng"

Ibinaba ko muna ang aking pinturang sipit at pagkatapos ay tumingin sa kanya ng may katanungan sa mukha.

"Hindi mo ba naiisip na masyado na tayong madalas magkita?"

"Hindi ko iyon naisip. Ang makita ka ng ilang oras sa isang araw ay masyadong kaunting oras pa rin para sa akin," sagot niya.

"Mag sasara ka na  ba? Tutulungan na kita," dugtong niya.

"Hindi na kailangan." Sagot ko na may kunting inis. Tila napansin niya ang aking tono sa pananalita kaya ito ay napatayo.

"Bakit ganyan ka makapag salita sa akin?" Malungkot ang kaniyang boses subalit bigla lang itong ngumiti

"Na iinis kana ba sa akin Aunt Nueng?" Tanong niya na may halong nakakalukong ngiti. Ibinaling ko ang aking tingin sakaniya at nag tanong

"Diba dapat nasa bahay niyo na ikaw, gumagawa ng assignment or nag-aaral para sa exam?" Strikta kong tanong sakaniya.

"Pati ba naman ikaw paguusapan ang exam? Tssk boring." Sagot niya at tumalikod na parang nag tatampo, kaya't tumalikod na din ako at inayos ang gamit. Napansin niyang nag aayos ako kaya humarap ito sa akin.

"Naisip ko na pupunta ako sa iyo upang maibsan ang aking nararamdaman ng kaunti. Pero binangit mo nanaman yung assignment. " Malungkot niyang saad. 

"So anong gusto mong pagusapan natin? Studyante ka pa." Seryoso kung tanong sakaniya.

"Di ba pweding pagusapan natin ang Tayo? gaya ng mahal mo ako, mga ganyan." Nakangiti niyang sabi sabay hawak sa aking braso.

"Umalis ka na, kailangan mo ng umuwi." Pinilit kong maka wala sa kaniyang pagkakahawak at nag tagumpay naman ako.

"Ayoko." Kinuha niya ulit ang aking kamay at ito ay nilalaruan. Pilit ko itong binabawi nguti hinahawakan niya naman ako ulit.

"Uh, may gusto ka bang sabihin? Sabihin mo na..." Medyo galit kung saad kaya't nanlumo ito sa aking harap.

"Kapag sasabihin ko saiyo, iisipin kong pumapayag ka sa sasabihin ko at kailangan mo itong panindigan." Tinignan ko ito na may pagtataka.

"Aba, bakit ko kailangan panindigan yan?" Tanong ko na may halong inis at pagaalala. Napapaisip nalang ako kung bat ko dapat papanindigan kung ano man ang kayang sasabihin.

"Sasabihin mo ba or hindi? Bilisan mo, madami pa akong gagawin." Tanong ko

"Tumakas ako mula sa tahanan." Kitang kita sa aking mukha ang pagkagulat at pagkabigla sa sinabi niya.

"Huy" saway ko dito, kebatang tao naisipan ng umalis sa bahay. Nako mga bata nga naman ngayon.

"Ngayon alam mo na, pakiusap hayaan mo akong manatili sa'yong tabi." Tinignan ko siyang may pagtataka.

"Hindi pwede. Hindi ako papayag." Kinuha ko ulit ang aking kamay sa kaniyang pagkakahawak ngunit mas lalo niya lang itong hinigpitan.

"Sige na.. sige na.. sige naaa. Payagan mo na ako... Please.. please? " Di makapaniwalang tinignan ko siya dahil sa kaniyang kakulitan. Naiinis na ako sa batang to ah.

Pagkatapos kung maisirado ang aking shop, hinigit ko agad si A-nueng patungong bus station upang maka uwi na sakanila. Habang kami ay nasa daanan nakiusap pa itong manatili muna siya sa aking dorm.

"Napaka sakit mo sa ulo, umuwi kana."

"Ayoko... Kung hindi mo ako papayagan na manatili sa'yo, edi matutulog na lang ako sa harap ng iyong dormitoryo."

"Tsk, kung kaya mo." Inis kung saad sakaniya.

"So ibig sabihin papayagan mo akong manatili saiyo, diba?" Napaka laki ng ngiti niya, abot hangang mata.

"A-nueng, talagang seryoso ako. Tigilan mo na ako, nakakainis ka na," mariin kong sinabi sa kanya.

"Aunt Nueng..."  Kitang kita ko sa kaniyang mukha ang kalungkutan dahil sa aking sinabi. Lord ano ba naman ito..

""Huwag mong antayin na umabot sa puntong kailangan kong lumayo at lumipat ng tirahan." Sabi ko sakaniya na may halong pagsusungit. Sakto naman at dumating na yung bus na kaniyang laging sinasakyan.

"Sige na umuwi kana." Bigla na lang itong umalis sa aking harap at pumasok sa bus ng walang paalam, ni hindi lang man ako nito tinignan kahit sandali. Alam kung masama ang loob niya sa akin ngayon. Inaabangan ko talaga na dumapo ang kaniyang tingin sa akin kahit siya ay nasa bus na, ngunit naka alis na lang ito ay wala akong natanggap na tingin mula rito.

Aaminin ko, nakakaramdam ako ngayon ng kabigatan sa aking damdamin. Diko alam kung dahil ba ito sakaniya o dahil sa pagod ko sa aking trabaho.

Blank  || FayeYoko  [Tagalog]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon