Chapter 17

182 11 0
                                    

Khun Nueng

Ang maliit na mukha ni A-Nueng ay unti-unting lumapit sa akin na may mapang-akit na mga mata. Ito ay medyo seryoso at medyo nagbibiro sa parehong oras. Tiningnan ko ang kanyang mga kilos nang walang anumang pagtanggi. Gusto kong makita kung gaano kalayo siya dadalhin. Ngunit isang beses na magdikit ang aming mga ilong, itinulak ko ang kanyang noo bago pinisil ang kanyang pisngi nang napakalakas.

"Aray!"

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo ha?"

"Sobrang diin mong pinisil ang aking pisngi... Masakit 'yun."

"Pinisil ko yan para umalis ka. Anong laro ba ang pumasok sa isip mo?"

Umurong si A-Nueng at hinaplos ang kanyang pisngi.

"Hindi ka ba nagagandahan sakin? Naalala ko ito mula sa isang GL series eh" sagot nito na patuloy parin sa pag lilibot

"Wow... mayroon ka rin palang ganito" tanong niya sa kin

"Sabi ko sa iyo, huwag mong tingnan ang aking aparador." Lumapit ako at kinuha ang kanyang damit upang mapaalis siya sa aking aparador. Si A-Nueng ay ngumiti pa rin at iniliko ang kanyang ulo patungo sa akin ng may kawili-wiling paraan.

"Saan mo gagamitin ang damit na yan?"

"Gagamitin ko ito kung may espesyal na pagkakataon. Hindi ito para sa anumang partikular na okasyon."

"Kung kailangan kong hulaan, para sa pagdiriwang ng anibersaryo ng paaralan. Sasama ka?"

Tiningnan ko ang masayang batang babae, nagulat. Manghuhula ba siya? Paano niya nagawa na pumasok sa aking kuwarto at sinuri ang lahat ng bagay na parang alam na niya? Maipapahayag ko ba ang aking hangarin sa paggamit ng damit sa pamamagitan lamang ng pagtingin dito?

"Pinag-iisipan ako pa."

"Sige na. Gusto kong makita kang magbihis."

"Sasama ka?" Tanong ko rito

"Oo. Ito na ang huling taon ko. Masaya sigurong pumunta sa ganoong klaseng kaganapan. Nag-aral rin ang lola ko sa paaralang iyon..."

Kaagad na bumaba ang tingin ni A-Nueng nang banggitin niya ang kanyang lola.

"Kapag iniisip ko iyon, nawawala ang lahat ng saya."

"Nawawala na ba ang lahat ng saya dahil doon sa lola mo? Hindi ba sobra-sobra na ang iyong reaksyon?"

"Hindi mo maintindihan."

"Sabihin mo sakin, ano ang hindi ko naiintindihan?"

"Sabi ko nga na hindi na importante iyon. Kung andiyan ka, magiging masaya ako. Napakasaya kong makita kang maganda. Magbibihis din ako hehe."

"Edi hindi na ako sasama."

Nang sabihin ko iyon, biglang bumaba ang tingin ni A-Nueng at kumunot ang kanyang mukha.

"Hindi ka naman talaga maganda." Napipilitan niyang sabi sa akin

"Edi huwag mo na akong mahalin."

Blank  || FayeYoko  [Tagalog]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon