Chapter 21

185 11 0
                                    

Khun Nueng

Hindi ko mapaniwalaang ang pagbabalik sa dating atmospera at kapaligiran ay magdudulot sa ganitong klimaks.

Nais ko lamang na ipakilala ang sarili ko upang malaman ng lola ni A-Nueng kung sino ako, ngunit nakilala ko rin ang aking lola at isang lumang kaibigan na hindi ko nakita sa loob ng 20 years.

Bukod pa roon... siya ang ina ni A-nueng

"Ang mundo ay talagang bilog. Hindi ko inakala na kilala mo si A-Nueng, Khun Nueng."

Tumingin ako sa aking dating kaibigan. Humiwalay kami mula sa ibang tao upang maghanap ang isang tahimik na lugar para makapag-usap.

Naghahanap kami ng paglutas sa mga nangyaring nakaraan na patuloy na nakakaapekto sa amin sa kasalukuyan.

"Ang pangalan ba ng iyong anak ay A-Nueng? Ikaw ba ang nagbigay sa kanya ng pangalang yan?"

"Sa simula sana ay gagawin ko itong 'Once Upon a Time' ngunit medyo grandioso. Kaya pasensya na sa kaniya." Sagot nito sa akin.

"Hindi naman sa pangalan na nakakapanibago, kundi sa layunin mong gawing katulad ng pangalan ko ang pangalan ng anak mo."  Sabat ko dito.

"Oo. Iyon talaga ang aking intensyon."

Tumingin ako sa mga mata ng aking kaibigan at biglang sumilay sa akin ang nakaraan.

"Bakit?"

"Upang ipaalala sa akin na ang bata ay ipinanganak mula sa aking pinakamalaking lungkot at ikaw ang sanhi ng lahat."

"Huwag mong itapon sa akin ang iyong mga pagkadismaya. Ikaw ang gumawa niyan sa iyong sarili."

"Ganun nga. Pero hindi mo maikakaila na may bahagi ka sa iyon... Gusto mo bang sabihin ko kung ano ang nangyari?"

Hindi na kailangan. Mabuti kong naaalala ang lahat ng nangyari 20 taon na ang nakakaraan. Tulad ng lagi kong sinasabi, ako ay isinilang sa isang kilalang pamilya at mayroon akong antas ng M.L. Bagaman ito ay wala nang kahalagahan ngayon, ito pa rin ay kilalang-kilala. Ito ay parang isang prestihiyosong tatak na hindi basta-basta mapapasakamay ng lahat.

Itinaguyod ako ng aking lola upang maging isang perpektong dalaga. Marunong akong tumugtog ng mga instrumento, ang aking mga grado ay palaging pinakamahusay, at isinilang ako na may kahanga-hangang katawan at mukha. Ako ang biyayang hiyas sa paaralang puro babae na ito. Silang lahat ay may pagmamahal sa akin, lalaki man o babae.

At hindi naging problema kung isa sa mga babaeng iyon ay hindi ang pinakamatalik kong kaibigan mula nang ako'y nasa mataas na paaralan pa lamang. Ang taong hindi ko kailanman iniisip na higit pa sa isang kaibigan ay lumuhod sa akin upang magtapat ng kanyang pag-ibig dahil ayaw na niyang maging simpleng kaibigan lamang.

"Itigil mo ang iyong kamangmangan. Itatangi ko na hindi ko narinig iyan."

Itinanggi ko siya nang malamig, nang walang anumang pag-asa. Kinamumuhi ko ang isang kaibigan na nag-iisip sa akin bilang higit pa sa isang kaibigan. Ano kaya kung magkasama kami? Paano ito magiging mas mahusay kaysa sa pagiging pinakamatalik na magkaibigan?

"Khun Nueng... Ako ito. Walang ibang kilala sa iyo kundi ako. At walang ibang magmamahal sa iyo nang higit pa sa akin."

"Bakit mo ito ginagawa, Fah? Paano mapapabuti ang anuman sa pag-amin mo ng iyong pag-ibig sa akin?"

Blank  || FayeYoko  [Tagalog]Where stories live. Discover now