Chapter 19

175 11 0
                                    

Khun Nueng

Mahigit dalawang linggo na akong naghihintay para sa pangyayaring ito. Sa totoo lang, bago ako umalis sa aking silid, paulit-ulit kong iniisip kung ano ang gagawin ko.

Labis akong nasasabik para sa araw na ito, bagamat hindi ko talaga gusto ang pumunta sa isang pagtitipon na tulad nito.

Halos isang buwan na mula nang huling makita ko si A-Nueng. At ngayon, handa na akong ipakilala sa lahat ang aking kahanga-hangang tatak. Ang aking driver, na nakasuot ng isang perpektong gupit na kasuotan, ay pumunta upang sunduin ako at tumingin sa akin na may kislap ang kanyang mga mata nang makita niya na ako ay maayos.

"Ang ganda mo ngayon."

"Mukha kang maayos din. Parang naka-iskwela ka sa kanilang sentenaryo."

"Wag mo akong binibiro. Bagamat hindi ako nag-aral doon, umakyat ako sa pader upang tignan ka noon. Kaya kahit hindi ako nag-aral doon, para na rin akong nag-aral. May pagkakataon na akong makapasok sa sikat na paaralan ng mga babae ngayon. Kaya espesyal ito."

"Masyadong mahaba ang dahilan mo; paano ako makakapalag hays?... Salamat sa pagsama sa akin ngayon Chet ha."

"Alam ko mayroon kang dahilan kung bakit sumama ka sa akin. Mayroon din akong isang dahilan kasi dala ko ang apelyido ng tatay ko."

Matalino siya.

Inakala ko na magpunta kasama siya para lalo akong mapansin. Si Chet ay napakasikat sa mataas na lipunan sa panahong iyon. May marangyang apelyido na kilala sa lahat. Ang kanyang ama ay naging punong ministro at siya mismo ay papasok na sa pulitika. Ang pagsama sa kanya ay magpapakita sa akin sa harap. Magmumukhang marangya at walang makakapagsabi na ako ay may mababang uri.

Paano siya maglalakas-loob na tawagin akong mababang uri nung lola ni A-nueng?

Dumating kami sa aking paaralan mga 15 minuto. Maraming tao, kaya walang malapit na paradahan sa paaralan. Pinababa ako ni Chet sa una at susunod na lamang siya. Ang pagtitipon ay naganap sa gabi. May instrumentong musika mula sa banda ng paaralan na tumutugtog ng magandang halong musika mula sa Thailand at international.

Ang larangan na karaniwang ginagamit para sa mga programang umaga ay puno na ng mga mesa. Lahat ay maayos na nakasuot dahil gusto ng bawat isa na ipakita ang kanilang meron at palakasin ang kanilang mga tatak. Parang isang uri ng negosyo ang kaganapan. Lahat ay naririto upang makabuo ng mga koneksyon sa mga alumni ng bawat taon ng pagtatapos.

At sa sandaling pumasok ako, tila lahat ay huminto at tumingin sa akin...

Ito ay tulad parin ng dati... Lahat ay eksakto pareho. Lahat ay patuloy pa rin na nagbibigay sa akin ng spotlight, kahit gaano karaming taon na ang lumipas.

"Khun Nueng."

Narinig ko ang isang sigaw mula sa malayo. Lumilingon ako at nakita kong sila ang mga kaibigan ni Sam. Madalas kaming mag-usap noong ako ay estudyante pa dito. Isa sa kanila ay isang artista sa pelikula, tingin ko.

"Talagang si Khun Nueng. Gusto ko nang umiyak... Ang aking idolo." Si Jim, ang pinakamatalik na kaibigan ni Sam, ay nagmadaling yakapin ako ng mahigpit. Matandaan ko siya nang mabuti dahil palaging siyang tumatakbo upang yakapin ako at ipagyabang sa lahat na malapit kami.

"Kamusta? Kanina ka pa ba?"

"Bago palang akong dating."

"Nasaan si Sam?" Tanong niya

"Oo nga nasaan si P.H.? " Sabat naman nung isa pa.

Nag pa alam ang mga kaibigan ni Sam upang gawin ang isang bagay. Marahil ay babalik din sila mamaya. Mahal ko ang palayaw ng aking maliit na batang kapatid.

Blank  || FayeYoko  [Tagalog]Where stories live. Discover now