PROLOGUE

1.7K 27 0
                                    

Nakaupo ako ngayon sa aking upuan dito sa aking silid-pananamit, tinitignan ang aking sarili sa salamin, nag-iisip kung itutuloy ko pa ba ito o hindi. Ilang oras na lang at magsisimula na ang seremonya ng aking kasal.

"Hindi mo dapat gawin ito, Khun Nueng." Sabi ko sa sarili ko.

Mabuting tao ang aking mapapangasawa, tinatrato niya pa rin ako ng tama. Wala kang mapipintas sa kanyang kabaitan. Tinanong ko siya kanina kung karapat-dapat ba siya para sa akin.

"Are you worthy of me?" tanong ko sakaniya.

"Walang ibang tao ang karapat-dapat para sa iyo kundi ako lamang, kahit sa edukasyon o katayuan sa buhay pa man yan." Sagot niya

Ang kanyang sagot ay paulit-ulit nang umiikot sa aking isipan. Kung aalis ako, tiyak na masasaktan siya at ang mga taong malalapit sa amin. Ngunit sa una pa lang, may plano na akong i-abandon ang seremonya ng biglaan para mapahiya at makahiganti sa aking lola.

Oo, gusto kong makaganti sa aking lola dahil siya ang nagpasimuno ng lahat ng ito. Bata pa lang kami ng aking kapatid, lagi na niyang kami sinasanay na maging superior dahil dala-dala namin ang pangalang Mom Luang (ML). Isa kami sa pinakamayamang tao sa buong mundo. Lahat ng tao ay hinahangaan kami at sineserbiyohan. Sa sobrang pagkakilanlan ng aming pangalan, nais ko nalang itong takasan.






























And just like that, tumakas ako bago pa man magsimula ang kasal....

Blank  || FayeYoko  [Tagalog]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon