Chapter 3

488 16 3
                                    

Khun Nueng

Pagkatapos naming kumain ng aking kapatid, inihatid niya ako sa aking tinitirhan. Bumaba ako mula sa kanyang sasakyan at nagpaalam na sa kanya. Hinintay ko munang makaalis ang kanyang sasakyan bago ako umakyat sa aking dormitoryo ng biglang sumulpot si Anueng sa harapan ko at tiningnan ang sasakyan na kakalabas lang. Aalis na sana ako ng tumingin ito sa akin at nag tanong.

"Teka lang Aunt Nueng" pigil niya saakin

"Baket?" Walang gana kung sagot sakaniya.

"Nagpunta ako sa tindahan upang hanapin ka ngunit hindi kita nakita doon." Sabi niya na may kunting lungkot na boses. Tinignan niya ang aking damit at lumiit lalo ang kanyang mata, na nagpapahiwatig ng paghihinala.

"Ang ganda ng suot mo ngayon ah. Saan ka pumunta? Sino ang kasama mo? Sagutin mo na mga tanong ko bilis." Aba kung umasta parang girlfriend ko ah, daming tanong.

"Ayaw kong sabihin sa iyo. It is none of your business." Hamon kong saad sakaniya. "Bakit ka nga ba nandito ha?"

"Eh sinabi ko na sa iyo na tumakas ako sa bahay, kung hindi ako pupunta rito, saan mo naman ako gustong pumunta?

"Sa bahay pala ng mga kaibigan mo?" Pagsusungit ko dito

"Hindi pwede. Mahuhuli lang ako ni lola. Maging considerate ka rin sa mga magulang ng aking mga kaibigan." Sagot niya sa akin na may inosenteng mukha.

"So, you're being considerate to your friends and their parents, pero sa akin hindi?

"Kailangan pa ba, close naman tayo ah" sabi niya sabay hawak sa aking braso

"Huy, kelan ba ako naging close sayo ha?"
Sabi ko sabay alis ng aking kamay sa kaniyang pagkakahawak.

"Hindi na mahalaga, sa bandang huli, magiging malapit din tayo sa isa't-isa." Masaya niyang sabi sa akin.

"Hayyy, bakit ba gustong gusto mo mag-imagine ng mga bagay-bagay. Hindi ka ba nahihiya?"

"Bakit naman ako mahihiya eh sa gusto kitang makasam-- ihh Aunt Nueng teka lang." Kahit hindi pa ito tapos mag salita ay umalis na ako pa punta sa aking dormitoryo. Alam kung nakasunod ito sa akin ngunit ako ay pagod makipag talo sakaniya kaya hinayaan ko nalang.

"Anong palapag ba ang iyong silid? Anong numero? Tara na at bilisan mo na dyan." Nauna na itong naglakad patungong elevator kaya huminto muna ako.

"O bakit ka tumigil dyan, tara na at dalhin mo na ako sa taas."

"Hindi ko sinabing pwede kang sumama. Kailangan mo ng umuwi." Pagsusungit ko sakaniya.

"Sinabi mo na papayagan mo akong manatili sa iyo."

"Wala akong sinabing ganyan."

"Bago ko sinabi sa iyo na tumatakas ako sa bahay, doon pa lang ay tinanggap mo na ito."  Sabi niya na may pagdadabog.  "Wala akong pake basta kailangan mong panagutin ang iyong responsibilidad. Hindi mo na ito pwedeng bawiin ngayon." Dugtong niya pa

"Huy, tigilan mo na nga yang pangungulit mo sa akin, kailangan ko pang magpinta." Galit kong saad sa kaniya.

"Mayroon din akong homework na related sa pagd-drawing"

Blank  || FayeYoko  [Tagalog]Where stories live. Discover now