Chapter 18

205 10 0
                                    

Khun Nueng


"Magandang gabi po."

Itaas ko ang aking kamay upang magbigay galang rito, gamit ang itinuro sa akin ng aking lola sa buong buhay ko. Gayunpaman, ang matandang babae ay tanging tumingin lang sa akin nang hindi man lang niya nauunawaan.

"Sino ka?"

"Ahh... tanging humingi lang sa akin ng gabay, lola."

Kaagad na nagbigay ng dahilan si A-Nueng. Iyon ang nagpatingin sa akin sa munting batang babae na para bang naging tuta na pinalo.

"Itinanong ko sa iyo, Nueng... sino siya?"

Ang awtoritatibong boses ay hindi gaanong kaibahan sa lola ko. Iyon ang nagpapangiti sa akin at casual na tumugon. Wala akong ipinakitang emosyon, tulad ng kadalasang ginagawa ko sa aking lola.

"Ako po ay kaibigan ni Nueng."

"Kaibigan?"

Tumingin ang lola kay A-Nueng nang masinsinan bago bumalik sa akin.

"Sa inyong hitsura, mukhang hindi kayo gaanong matanda para maging magkaibigan."

"Lola... Si Tita Nueng po ay..."

"Tita?"

"Ako ay isang kaibigan na nakilala si A-Nueng sa di-inaasahang pagkakataon."

"Hindi kailangan ni Nueng ng kaibigan. Hindi ito kailangan sa kanyang buhay."

Hinawakan ng lola ang batang babae sa braso at inilapit sa loob ng bahay. Tiningnan niya ako sa mata at iniwan ang kanyang huling komento.

"Lalo na ang isang taong katulad mo na lower class."

At ang dalawa ay pumasok na sa loob ng bahay, iniwan akong nakatitig sa pinto habang nagbubuntung-hininga. Kita sa mga mata ni A-nueng na humihingi ito ng tulog subalit ito ay naka pasok na.

Mayroon pa palang katulad ng aking lola na masama sa mundong ito...







Simula noong araw na iyon, hindi na lumitaw si A-Nueng. Inakala ko na baka ang kanyang lola ay nagtakda sa kanya ng curfew at ipinagbawal sa kanya na makipagkaibigan sa mga estranghero dahil natatakot siyang baka ang kanyang apo ay tumahak sa maling landas o gumawa ng malaking pagkakamali na magdudulot ng kahihiyan sa kanyang reputasyon.

Sobra na iyon...

Nagsimula na rin akong magdulot ng pag-aalala dahil sa pagkawala ng masayahing batang babae ng isang linggo ay tila nagdulot sa akin ng malaking frustrasyon. Pero kung pupunta ako sa kanya ngayon, mag-iisip siya na gusto ko lang siyang makita muli dahil wala naman akong dahilan upang mag-alala dahil alam kong ligtas siya sa matandang babae na iyon.

Hindi nga ba talaga papayagan nung matandang babae ang kanyang apo na magkaroon ng mga kaibigan sa buhay na to?

"Napakatahimik mo ngayon, Khun Nueng."

Pumunta si Chet upang makita ako sa palengke. Nagbigay siya ng komento bago pumayag na maging kliyente ko dahil napansin niya na napakatahimik ko ngayon.

Ano bang gusto niyang sabihin ko? Hindi naman ako ganun kahilig magsalita.

"Mag-umpisa ka ng usapan. Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan natin."

"Ah, nakalimutan ko. Hindi ka nga palang mahilig magsalita. Ganito na tayo noong mga panahong magkasama pa tayo."

"Magkasama tayo?"

"Ibig kong sabihin, bilang mga kaibigan."

Tumingin ako pataas at nagtagpo ang aming mga mata ng taong nagpilit na mag-umpisa ng usapan at ngumiti.

Blank  || FayeYoko  [Tagalog]Där berättelser lever. Upptäck nu