Chapter 49

119 8 1
                                    

General POV

Dahil nga sa mga pangyayaring hindi inaasahan, nabuo muli ang magkasintahan Vice At Ion.

Sa bago nilang kabanata, pinangako nila sa  isa't isa na kahit anong mangyari ay wala ng makapag hihiwalay sa kanila.

Sinigurado naman ni Ion na hindi na mawawala si vice ulit sa kanya kaya napagdisesyonan na ni ion na huwag ng patatagalin ang kanilang pagsasama at pinagpaplanuhan na nila ang kanilang kasal.

Masayang nag-uusap ng magkaibigan ang tungkol sa dalawa.

"So, ano nga? Kailan 'yong Wedding?" Excited na wika ni Anne.

"Next month." Sagot naman ni ion.

"Ang bilis bro ah!?" Asar ni vhong.

"Syempre! Ayoko ng mawala itong mapapangasawa ko eh." Sagot naman ni ion sabay akbay kay vice.

"Tama na! Ang tamis niyo na!" Saway naman ni K sa magkasintahan.

"Tama! Nilalanggam na nga ako dito!" Singit ni jhong. Nagtawanan naman ang lahat.

"Wait, diba sabi mo ion, next month yong wedding niyo? What date?" Tanong ni anne.

"15." Sagot naman ni ion.

"Owh! Oct. 15!? Exciting!" Excited na sabi ni anne. Nagngitian naman ang lahat.

Pagkatapos nga ng usapan ng magkakaibigan ay nagpaalam na sila sa isa't isa na uuwi na dahil may gagawin pa raw lalong lalo na sina vice at ion.

Pauwi na ang dalawa ng biglang Pinaharurot ni ion ang sasakyan kaya nagtaka si vice.

"Babe, anong nangyari?" Takang tanong nito.

"Babe, humawak ka ng mabuti. May sumusunod sa atin." Sagot ni ion na binabaling ang paningin sa daan. Sinunod naman ito ni vice.

"Babe, dahan-dahan lang baka mabangga tayo." Paalala ni vice nguti hindi nakinig si ion.

"Kailangan nating makauwi agad ng bahay, babe. Di ako makakampante pag nandito pa tayo sa labas, kinakabahan ako." Wika ni ion, tumango na lamang si vice.

Hindi rkn nagtagal ay dumating na ang dalawa sa kanilang bahay at agad-agad silang pumasok sa loob at ni lock ang gate, pinto at sinara ang bintana. Nagtataka naman ang kanilang katulong kaya nagtanong ito.

"Ma'am, bakit po pinasara ang pintuan at bintana?" Tanong ng katulong. Sinagot naman siya ni ion.

"May sumusunod kasi sa amin ng ma'am mo kaya kung maaari sanang wag niyong buksan yong gate kong di niyo kilalang tao at wag kayong magpapasok kahit kanino sa bahay." Paalala ni ion sa Mga katulong.

Agad na umakyat ang magkasintahan sa kanilang kwarto.

"Babe, ano bang nangyari!?" Agad naman nagtanong si vice pagkapasok sa loob ng kwarto.

"Babe, may sumusunod sa atin kanina. Isang sasakyang kulay itim. Bago pa lamang tayo makalabas sa restaurant kanina, napansin ko na iyon kaya inaya na kitang umuwi ka agad. Masama yung kutob ko babe." Wika ni ion.

"Sino naman kaya iyon?" Takang tanong ni vice sa binata.

"Hindi ko rin alam babe. Ang dapat lang nating gawin ay mag-iingat kung saan man tayo magpunta, lalong lalo na't ikakasal na tayo." Paalala ng binata sa dalaga.

"Yes babe." Nakangiting sagot ng dalaga sa binata.

"Halikana, matutulog na tayo. Maaga pa kayo bukas ni k para bumili ng wedding gown mo." Malambing na sabi ng binata sa dalaga.

THE ONEWhere stories live. Discover now