Chapter 3

210 6 0
                                    

Ion
Pinaalis muna ako ni karylle sa table nila. Nandito ako ngayon sa gilid habang pinapanuod silang magkakaibigan. Nakita ko namn si vice na umiiyak at inom ng inom habang nag uusap silang tatlo. Hindi na nila namalayan na lasing na pala sila kaya nilapitan ko sila.

"Ehem! Mga miss lasing na po kayu, tama na po yan baka hindi na kayu makauwi kasi lasing na lasing na po kayu tapos si vice nakatulog na dahil sa kalasingan" pinatigil ko na sila sa pag iinom kasi lasing na lasing na sila lalong lalo na si vice hindi na makatayo at nakatulog na sa upuan.

"Kaya pa namin ion wag kang mag alala kami na bahala kay vice" sagot ni anne sa akin na lasing.

"Ion uwi na kami ha!" Paalam ni karylle sa akin.

"Sigurado kayu? Na uuwi kayu? Lasing na lasing na kayu ehhhh, pwede namn bukas na lang kayu umuwi. May room naman dito ehhhn, dito muna kayu papalipas ng gabi, baka ano pa ang mangyari sa inyu" pag alala ko sa kanila. Tumango na lamang sila sa akin at inayos si vice para patayuin at alalayang maglakad kasi nga nakatulog ito pero hindi nila kaya dahil lasing sila kaya inutosan ako ni anne na buhatin si vice para magtungo sa room kong saan sila magpapalipas ng gabi.

"Ammm....ion pwede ba ikaw na lang yung magbuhat kay vicey kasi hindi namin kaya ni karylle ehh ang bigat niya, pwede ba?" Tanong ni anne sa akin. Agad namang akong sumagot.

"Oo namn walang problema"Agad ko namang bunuhat si vice papunta sa room kong saan sila magpapalipas ng gabi.

Pagdating namin sa kwarto agad kong nilapag si vice sa kama at kinumotan at magpaalam na ako kina anne at karylle na lumabas na sa kwarto at sila na ang bahala kay vice.

"Karylle! Anne! Labas na ako ah, kayu muna bahala dito ha at kay vice" paalam ko sa kanilang dalawa. Agad namang sumagot si karylle.

"Sige ion, salamat sa tulong na makapasok kami dito ha at sa pagbuhat kay vice papunta dito" pasasalamat ni karylle sa akin.

"Walang ano man po, basta kayu at lalong lalo na kay vice ehehhhe, sige alis na ako" paalam ko sa kanila at ngumiti.

"Sige ingat!" Sabi ni karylle. Agad naman akong lumabas sa kwarto nila at agad naman akong pumonta sa kinaruruonan ni kuys jhong.

Jhong
Nakita ko si ion na may buhat na babae papasok sa isang kwarto dito sa bar at may dalawang babae na nakasunod. Nakita ko namang pumasok na sila sa kwarto kong saan pinasok ni ion ang babae. Pagkalipas ng ilang oras ay lumabas na si ion sa kwarto at papalapit ito sa akin na nakangiti. Ano kayang ginawa ng gagong toh???????? Kaya agad ko naman siyang tinanong.

"Ion? Ano na namang kalukohan yun?" Tanong ko dito at nakita ko sa reaction niyang gulat na gulat.

"Hu!!! Ang alin kuys jhong?" Gulat na Takang tanong nito sa akin.

"Sosss, maang-maangan ka pa kitang kita ko ion may binuhat kang babae patungo sa kwarto tapos may dalawang babae na nakasunod sa inyo, ano yun?" Papaliwanag ko sa kanya sa mga nakikita ko.

"Ahh...yun ba? Ano kaba walang malisya doon no, tinulongan ko lang sila kasi sabi ng isang babae patulong daw kasi hindi nila kaya yung isa nilang kaibigan kasi nga lasing na lasing ito tapos nakatulugo pa kaya binuhat ko na lang papuntang kwarto at doon ko muna sila pinapahinga kasi nga hindi na nila kaya magmaniho dahil lasing na lasing na sila, yun lang. Ikaw kung ano ano yung iniisip mo! "Paliwanag nito sa akin sa mga nangyari pero hindi pa din ako kumtento sa sinabi niya kaya tinanong ko pa.

"Yun lang ba? Wala bang ng yari sa kwarto?" Patawa kong tanong sa kanya kaya nag-iba yung mukha niya at tinaasan ako ng kilay.

"Ano ba yang iniisip mo kuys jhong? Walang nangyari! Hinatid ko lang sila sa kwarto tapos lumabas na ako. Ikaw apaka dumi talaga ng ut-----" hindi na niya na tuloy yung sasabihin niya sa akin kasi biglang nagsalita yung boss namin. Hindi pala namin na malayan na papunta na si boss dito sa kinaruroonan namin.

THE ONEWhere stories live. Discover now