Chapter 24

168 7 1
                                    

Ion POV's
Nandito ako ngayon sa baba naka upo sa sofa kasi pinaalis ako ng jowa ko.

Ewan ko ba don, nagtataka na lang ako. Bigla ba naman niya akong pinaalis sa harapan niya.

Naguguluhan na ako sa nangyari sa kanya. HAYNAKO!

Habang naka upo ako sa sofa naisip ko namang silipin siya sa taas kaya umakyat ako.

Pagbukas ko ng pinto at nakita ko naman siyang naka higa sa sofa at nakatulog habang nanunood ng tv at nasa tabi niya ang mga pagkain na pinabilin niya sa akin.

Binuhat ko na lang siya at inilipat sa kama namin. Inayos ko yong higa niya at kinumotan.

Pagkatapos kong ilipat siya bumaba naman ako kasi di pa pala ako kumakain kasi nga hindi niya ako binigyan ng pagkain.

Kakainin ko sana ang pagkain na pinabili niya sa akin pero naisip ko namang baka magalit siya sa akin kasi kinain ko kaya nilagay ko na lang sa ref ang tira niyang pagkain.

Nagluto na lang ako ng hotdog at itlog at 'yon na lang ang ulam ko.

Pagkatapos kong prituhin ang hotdog at itlog ay nagsimula na akong kumain.

Tahimik lang ang paligid, kotsara at tinidor lang ang maririnig mi na nag-iingay.

Nakakalungkot palang kumain mag-isa no? Hay nako! Hindi ko na rin kasi maintindihan yong jowa ko eh minsan sweet at malambing pero ngayon masungit na.

Ilang minuto rin ang nakakalipas ay natapos na akong kumain kaya umakyat na ako sa taas para makapag pahinga na rin kasi napagod din ako.

Pagka akyat ko sa taas ay mahimbing parin na natutulogsi vice kaya tumabi na lang ako.

"Good night babe, love you" goodnight ko sa kanya at sabay halik sa noo niya habang mahimbing siyang natutulog.

Pagkatapos ay ipinikit ko na ang aking mata at natulog na ako.

FAST FORWARD

KINAUMAGAHAN⛅

Nagising ako dahil sa narinig kong sumusuka kaya pagtingin ko sa tabi ko wala na si vice.

Pumunta agad ako sa cr at sinilip ang sumusuka at si vice ang nakita ko.

"Babe, ok ka lang? Anong nangyari sayo?" Kabang tanong ko.

Hindi lang siya sumasagot at pinagpatuloy ang pagsuka.

At nangmatapos na siyang sumuka ay inaalalayan ko siyang maglakad papunta sa kama namin.

"Babe, kumosta pakiramdam mo" tanong ko sa kanya.

"Ewan ko eh. Bigla na lang akong nasuka paggising ko." Sagot niya.

"Baka sa kinain mo yan ka gabi. Sabi ko naman sayo eh na wag masyadong madami." Sirmon ko sa kanya.

"Sisirmonan mo pa ako. Eh nagcracrave ako ng ganon eh" wika niya.

"Ok! Dito ka lang ha kukuha lang ako ng kape. Magkape ka mo na." Sabi ko, sabay alis at bumaba.

Nandito ako sa baba at nagtitimpla ng kape para naman mainitan yong tyan niya.

At pagkatpos at umakyat na ako.

"Babe, ito na kape mo oh. Uminom ka mo na para mainitan yang tyan mo." Wika ko.

Kinuha naman niya yong kape at ng inumin na  sana niya yong kami ay bigla na naman siyang nasuka.

Tumakbo siya ulit sa cr at sumuka. Hay ano ba talagang nangyayari?

THE ONEWhere stories live. Discover now