Chapter 35

145 5 0
                                    

(Ion pov)

Nandito na ako ngayon sa harapan ng bahay ni vice.

Huminga muna aki ng malalim bago pumasok sa loob.

Pagkapasok ko sa loob ay sumalubong sa akin si manang ester.

"Magandang umaga sir." Bati ni manang sa akin.

"Magandang umaga din manang. Si ma'am mo nasaan?" Pabalik na bati ko at tayong kay vice.

"Nasa kwarto niyo po, kasama yong mga magulang niya." Sagot ni manang sa akin.

"Kain po muna kayo sir." Alok ni manang sa akin.

"Mamaya, kumain naba si ma'am mo?" Tanong ko.

"Hindi pa po. Kagabi pa po siyang hindi kumakain." Sagot ni manang.

Agad naman akong umakyat sa taas. Nandito ako ngayon sa tapat ng pintuan mg kwarto namin.

Naririnig ko ang pag-uusap nila sa loob.

Kumatok naman ako at nang marinig kuna ang boses ng mama ni vice ay agad akong pumasok.

"Buti't naman ay umuwi kana! Kala namin, wala kanang balak umuwi dito!." Sirmon agad ang natamo ko sa papa ni vice.

Hindi naman ako nakasagot dahil sa takot at sa guilty na nararamdaman ko.

"Babe, bakit ngayon ka lang? Saan ka galing?" Tanong sa akin mi vice.

Nahihirapan ako sumagot dahil hindi ko pa alam ang sasabihin ko. Naguguluhan pa ako, kong Magsisimungaling ba ako o magsasabi ako mg totoo.

Pagsinabi ko naman ang totoo baka iiwan ako ni vice, hindi ko kayang mawa siya.

Kaya pinilit ko na lang magsinungaling para di ko siya masaktan.

"Ah-doon sa kaibigan ko, sorry ah hindi ako naka uwi ka gabi." Mahinahong sabi ko at may lungkot sa mukha.

Bago pa man lumabas ang mga magulang ni vice ay may sinabi naman ang papa niya.

"Mag-uusap tayo mamaya." Sabi ng papa ni vice. Bilang sang ayon ko ay tumango na lamang ako.

At nang makalabas ang dalawa ay nakita ko paring malungkot si vice at matamlay ito.

"Babe, nagtatampo kaba sa akin?" Lungkot na sabi ko at lumapit sa kanya.

"Wag mo akong iiwan babe ah. Sorry kasi di ko naalagaan ng mabuti yong baby matin. Sorry kasi pabaya akong ina." Iyak na sabi niya, agad ko naman siyang niyakap.

"No.. babe, Wala kang kasalanan. Accident yomg nangyari, di natin sinasadya yon ha. Wag munang isipin yon." Pagpapatahan ko sa kanya.

"Itong tatandaan mo kahit anong mangyari di kita iiwan kasi mahal kita eh. Mahal na mahal kita vice, di ko kayang mawala ka sa akin." Malambing na pagkasabi ko at hinalikan siya sa noo.

"Uminom ka?" Biglang tanong niya dahil siguro na amoy niya yong hininga ko.

Tumango lang ako at simabing "Oo, pero kunti lang" pagsisinungaling ko, kasi ayaw kong masaktan ko siya kapag sinabi kong may kasama akong babae at doon ako nakatulog.

"Baka may babae kang kasama ah" Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Ah-ah.. Wala, ako lang mag-isa." Pagsisinungaling ko na naman.

Ngumiti ng siya ng kaunti at sumubsob sa leeg ko. Para siyang batang naglalambing.

"Babe, maliligo lang ako ah" Pabulong na sabi ko. Tumango lang siya at humiwalay sa pagkayakap sa akin.

THE ONEWhere stories live. Discover now