Chapter 44

189 8 6
                                    

To be continue!

"Ion, vice?" Nagulat na lamang ako ng marinig ko ang boses ni sunshine ko at pati si ion.

"Sunshine!?" Gulat na sabi ni ion.

"Ba't kayo magkasama? At ikaw vice, pwede bang layuan muna ang ama ng anak ko!?" Ang kapal naman ng mukha nitong babaeng toh! Kala mo naman kong sinong ng agaw kong makapagsalita.

"Hoy! Wag mo akong utusan dahil hindi ko kasalanan na magkasama kami ngayon. Itong jowa mo ang pagsabihan mo dahil habol ng habol sa akin!" Galit na sabi ko sa kanya.

"Umalis kana nga!" Pagpapaalis niya sa akin. Ako pa talaga ang papaalisin mo? madali itong kausap.

"Pwede ba, tumigil na kayo. Sunshine, ano ba!?" Singit ni ion.

"Alis na nga ako, nasasayang lang ako ng oras dito!" Huling sabi ko at iniwan sila.

Pabalik na sana ako sa table namin ni calvin pero sa pagtingin ko ay wala na siya kaya hinintay ko na lang siya at hindi rin nagtagal ay bumalik na siya.

"Oh! calvin, saan ka galing?" Tanong ko sa kanya.

"Hinahanap kita. Ang tagal mo eh" Sagot niya.

"Tara na, uwi na tayo." Aya ko sa kanya.

"Ha, hindi pa nga tayo naka kain eh." Pagtataka niya.

"Nawalan na ako ng gana. Basta tara na!" Hila ko sa kanya  palabas ng restaurant.

(Ion POV)

"Hali ka nga dito!" Hila ko kay sunshine.

"Ano ba ion? Nasasaktan ako!" Pagpupumiglas niya.

"Masasaktan ka talaga pag 'di ka sumunod!" Bulyaw ko sa kanya.

"Bakit ba!?" Takang tanong niya.

"Nagtatanong ka pa! Sa susunod na babastusin mo pa si vice, bahala ka na sa buhay mo!!!" Galit na sabi ko.

"Pinagtatanggol mo pa siya kaysa sa akin?" Tanong niya.

"Bakit naman hindi? Siya ang mahal ko kaya 'wag kang umasta na parang may relasyon tayo!" Inis at galit na pagkakasabi ko sa kanya.

"Magkasama tayo ngayon dahil sa batang nasa sinampupunan mo!" Dagdag ko pa.

"Pero, ion—" hindi ko siya pinatapos sa kanyang sasabihin at sinigawan ko siya.

"Tumahimik ka!" Sigaw ko sa kanya at umalis sa harapan niya.

Umalis ako at iniwan siya sa restaurant kasi naiinis ako pagnakikita ang pagmumukha niya.

Nandito ako ngayon sa bar ni vhong para mawala 'tong Inis ko.

"Oh, ion nandito ka pala." Tawag ni vhong sa akin.

"Mga kuys!" Bati ko sa kanila. Nagulat na lamang ako nang makita ko sina anne at k.

"Anne, K !?" Gulat na sabi ko.

"Yes?" Tanong ni k sa akin.

"Tika, ion diba magkasama kayo ngayon ni sunshine? Bakit ka nandito?" Tanong ni jhong.

"Pwede ba kuys, 'wag mo ng banggitin yong pangalan niya." Pakiusap ko kay vhong.

"At bakit?" Takang tanong niya.

THE ONEWhere stories live. Discover now