Chapter 41

115 9 4
                                    

(Vice POV)

Magtatakip silim na at hindi parin umuuwi si ion. Kanina pa akong nag-alala dito. Hindi ako mapakali dito, kinakabahan ako kaya lumabas ako sa kwarto at pinuntahan sina vhong.

Naglalakad ako ngayon sa labas at naka salubong ko sina anne at k.

"Oh vicey, saan ka pupunta?" Tanong ni k sa akin.

"Hahanapin  ko lang sana sina vhong baka alam nila kong nasaan si ion" sagot ko.

"Naghahanap nga kami eh, magsama na lang tayo maghanap sa kanila siss. Baka magkasama yong tatlo." Wika ni anne, tumango lang kami at umalis para hanapin yong tatlong lalaki.

Habang naghahanap kami, Napansin ko naman na may sumusunod sa aming dalawang lalaki. Nakaitim na suot silang dalawa, dahil nga madilim kasi gabi na hindi namin sila ma mukhaan.

Bigla naman akong kinabahan at sinabihan ko sina anne na bilisan ang paglalakad. Sumunod naman sila kaya mabilisan ang hakbang namin.

Hindi parin kami tumitigil sa paglalakad at hindi rin tumitigil sa pagsunod ang dalawang lalaki sa amin hanggat napansin ko na malayo na pala kami sa resort. Nagulat naman ako nangbiglang nagsalita ang isang lalaki.

"Tigil!" Malaki ang boses niya habang pinapatigil kami. Huminto naman kami at naghahawak kamay, nararamdaman ko naman na lumapit sila sa amin.

"Anong kailangan niyo sa amin?" Tanong ni k.

"Wala akong kailangan sa inyong dalawa" Turo kay k at anne. "Itong blandena ang kailangan namin." Dagdag pa nang lalaki at humarap sa akin.

Nakatakip ang mga mukha nila kasi di ko makita ang mukha nila, kinabahan naman ako nang husto at nanginginig sa takot.

"Bakit? An-anonh kasalanan ko?" Takot na tanong ko.

"Wala naman... Basta sumama ka lang sa amin" Wika nang isa ring lalaki. Yong isa hindi naman katangkaran at yong isa matangkad parang ka height ko.

"Bakit? Anong kailangan niyo sa akin?" Takot na tanong ko.

"Sumama ka na lang wag masyadong tanong" Wika niya sabay hawak sa braso ko. Pumiglas naman ako kasi hinigpitan niya ang pagkakahawak "masasaktan ka talaga pag hindi ka sumama!" Galit na sabi niya.

"Hindi, wag kang sumama sis!" Pasigaw na sabi ni anne.

"Tumahimik ka!" Sigaw din na sabi nang lalaking hindi katangkaran.

"Tulong!!!" Sigaw ni karylle. Tinutukan naman siya nangbaril ng lalaki.

"Ayaw niyo talagang tumahimik? Gusto niyo patayin ko tong kaibigan niyo!?" Tutuk rin nang baril sa akin.

"Oo! Sasama na ako!" Takot na sabi ko.

"Siss..wag!" Malungkot na sabi ni anne.

"Wag vicey! Plsss..." Pagmamakaawa din ni k.

"Sasama ako pakawalan niyo na lang sila!" Pasigaw na sabi ko.

"Ang dami niyong sinasabi! Dalhin na yan!" Utos nang matangkad na lalaki.

Bago kami umalis tinakpan muna ng lalaki nang maitim na tila ang mata ko, kaya di ko makita sina anne at k.

Naglalakad kami ngayon, tahimik lang ako at pinapakiramdaman ang susunod na mangyayari.

Nararamdaman ko naman na huminto na kami, at tinanggal ang takip nang mata ko. Nakita ko naman ang madilim na lugar na dinalhan nila sa amin at hindi ko na nakita sina k.

THE ONEWhere stories live. Discover now