Chapter 31

221 9 3
                                    

To be continue!

"Calvin?" Biglang sabi ko, di ko alam na lalabas yon sa bibig ko.

At kitang kita  naman sa mga mata ni calvin ang pagkagulat ng makita niya ako.

"Vice, kilala mo siya?" Biglang tanong sa akin ni vhong.

"Ahh oo...ki-kilala namin siya" bigla namang singit ni anne.

"Kayo vhong, ion, kilala niyo ba si calvin?" Tanong naman ni vhong sa dalawang kaibigan niya.

"Ah hindi" sagot naman ni ion.

"Pakilala mo naman sa amin yan vhong." Wika naman si jhong.

Kaya pinakilala ni vhong si calvin kina ion at jhong.

"Ion,jhong, si calvin business partner ko sa US. Calvin si ion at jhong. Si ion nga pala jowa ni vice." Pagpakilala ni vhong.

Nanglaki naman ang mata ni calvin ng marinig niya na bf ko si ion.

"Nice to meet you guys" wika ni calvin. Agad namang naki pagbiso si jhong at si ion.

At ako dito ay di man lang maka pagsalita dahil gulat na gulat ako sa nangyari.

Kaya naisip ko na lang na magpunta sa cr.

"Amm guys cr muna ako ah. Maiwan ko muna kayo." Agad ko namang sabi.

At wala ng patumpik tumpik pa na umalis.

Habang naglalakad ako di parin maalis sa isip ko kong bakit si calvin pa ang naging business partner ni vhong eh madami namang iba.

Hindi ko naman namalayan na may sumusunod na pala sa akin dahil sa wala ako sa tamang pag iisip.

"Vice?" Tawag niya sa akin.

Di ko siya nakikita kasi nakatalikod ako pero kilala ko yong boses na yon.

"Ba't mo ko sinundan?" Agad kong tanong sa kanya.

"Vice, pwede ba tayong mag-usap?" Agad na tanong niya.

"Ano pang pag-uusapan natin ah?" Pabalik ko na tanong sa kanya.

"Vice, sorry sa nangyari sa atin. Na realize ko na mahal parin kita." Natawa naman ako sa sinabi niya.

"HAHAHA mahal? Wow naman! Sa ginawa mo sa akin, tapos ngayon mahal mo ako? Nagbibiro kaba ah?" Pasigaw na sabi ko.

"Hindi vice , totoo ang sinasabi ko. Maniwala ka." Wika pa niya.

"Tiwala? Bakit, mapagkatiwalaan kaba?" Tanong ko sa kanya.

"Pwede ba calvin umalis kana. May bf na ako at magkakaanak na kami! Wag mo kaminv sirain." Pasigaw na sabi ko.

"Alam ko vice, narinig ko. Pero kita ko sa mga mata mo na may nararamdaman ka parin sa akin." Wika pa niya.

"Ang kapal naman ng mukha mong sabihin na may nararamdaman sayo! For your information, kahit katiting wala na akong pagmamahal sayo! Kaya umalis kana! Get out of my way!!!" Taboy ko sa kanya.

Tatalikod na sana  ako para ipagpatuloy ang paglalakad ko at ng yakain niya ako sa likod.

"Vice, i love you. Sorry..." wika niya habang naka yakap sa akin.

"Pwede ba bitawan mo ako!" Pagpupumiglas ko pero di ko siya kaya dahil hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin.

Hindi naman nagtagal at binitawan niya ako, pero di ko inasahan na itulak niya pala ako at napa sandal ako sa pader at kinulong niya ako sa mga braso niya.

THE ONEWhere stories live. Discover now