Chapter 43

119 7 2
                                    

3 MONTHS LATER

(Vice POV)

Tatlong buwan na ang nakakalipas sumula no'ng naghiwalay kami ni ion. Sa totoo lang, hanggang ngayon hindi parin nawawala yong pagmamahal ko sa kanya.

Walang gabi o araw na hindi ko maiisip yong masayang ala-ala na magkasama pa kaming dalawa.

Bakit ba kasi nangyari sa amin toh? Miss na miss ko na rin siya, gusto ko na siyang mayakap muli pero parang hindi na ata pwede kasi may pamilya na siyang kailangang alagaan.

Nakakalungkot lang na isipin na nasira kami dahil lang sa babaing malandi, at gusto kaming sirain.

Habang nakaupo ako di ko na pala namalayan na dahan-dahan nang umagos ang mga luha ko sa aking mga mata at sakto ring pagkapasok ni anne sa opisina ko.

Kaya agad ko itong pinunasan para di niya mahalatang umiiyak ako pero mali pala ako ng akala dahil nagtanong siya.

"Umiiyak kana naman, sisss? Si ion na naman ba ang dahilan?" Malungkot na tanong niya sa akin at hinimas himas ang aking likuran.

"Ha? Hindi, bakit ko naman siya iiyakan?" Sabi ko na may kasamang fake smile.

"Sis, 'wag kana ngang magsinungaling sa akin. Alam ko naman na miss mo na siya eh." Malungkot na sabi nito.

"Alam mo na naman pala eh, tapos magtatanong ka pa!." Pamimilusupo ko naman sa kanya.

"Gusto mo kum—" Di naman natuloy ang sasabihin ni anne nang biglang pumasok ang secretary ko na humihingal.

"Good morning mga ma'am. Sorry po sa isturbo, may lalaki po kasing naghahanap sa inyo." Hingal na sabi ng sekretariya ko, at biglang pumasok ang lalaking sinasabi niyang naghahanap sa akin.

"Calvin!" Gulat na sabi naming dalawa ni anne.

"Hi vice, nice to see you again." Ngiting sabi niya.

"Bakit ka nandito?" Diretsong tanong ko.

"Pwede ba tayong mag-usap na tayong dalawa lang? Plsss..." Nakakaawang yong mukha niya habang nagsasalita.

Tumingin muna ako kina anne at sa sekretariya ko at tumango naman sila at iniwan kaming dalawa dito sa loob ng opisina ko.

"Ano pang pag-uusapan natin?" Diretsong tanong ko ng makalabas na sina anne.

"Alam ko yong nangyari sa inyo. Kaya—" Hindi ko siya pinapagpatuloy sa kanyang sasabihin.

"Kaya nandito ka para pagtawanan ako!?" Hindi ko na talaga ang mga luha at humagulgol ako sa harapan niya.

"Hindi, nandito ako para damayan ka. Plsss vice, kalimutan na natin yong nangyari dati." Pagmamakaawang sabi niya.

"Nagpapatawa ka ba?" Diretsuhang tanong ko.

"Hindi, seryuso ako vice. Plsss..." Nabigla na lamang ako ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko at umiyak.

"Kailan ka pa naging suryuso sa akin?" Iyak na tanong ko.

"I'm sorry sa ginawa ko dati. Vice, pangakong di na kita sasaktan muli. Sana bigyan mo po ako ng second chance?" Pagmamakaawang sabi niya.

"Tumayo kana nga diyan!" Pagpapatayo ko sa kanya. Sa totoo lang naaawa na ako sa kanya. Ewan ko ba bakit ako nagkakaganito!

"Pinapatawad muna ba ako?" Ngiting tanong niya. Tumango na lamang ako.

THE ONEWhere stories live. Discover now