Chapter XXII

1.7K 90 4
                                    

"What did you say earlier? Sayo what?" Tanong ng kasama ko.

"Sayote o papaya, hanap ka doon sa may vegetable area" Sabi ko at tumango naman ito. Dumiretso kami sa supermarket after ng last subject ko para bumili ng mga ingredients na gagamitin mamaya, gusto niya na daw kase matikman ang luto ko.

Kumuha naman ako ng isang buong manok sa meat sections tsaka kumuha na din ako ng karne na liempo at pati na rin ang rib part para mas masarap ang maging lasa gawa ng buto buto.

May humawak naman sa kamay ko at napatingin ako dito at natatawa dahil sa hawak niyang basket andaming laman na papaya at sayote eh dalwang piraso lang naman kailangan ko. Inilagay ko na ang manok at karne na hawak ko sa cart.

"Is this correct?" Tanong niya sa akin at nailing iling naman ako dito habang natatawa na nag dahilan ng pagkunot ng noo niya.

"Akin na yan" Sabi ko saka kuha ko ng basket na hawak niya, medyo mabigat pa kawawa naman to. Inilapag ko ito at kinuha lang ang dalwang papaya na hilaw tsaka inilagay sa cart namin. 

Hindi talaga bumibitaw ng hawak tong babaeng to akala mo mawawala eh.

"Pati kamay ko" Sabi ko habang itinaas ang kamay namin, pero bago niya bitawan eh binigyan niya muna ito ng halik at saka tumalikod na. Nag init naman ang pisngi ko at parang biglang nagkawala ang mga dragon sa tyan ko.

Kinuha ko ulit ang basket at pumunta na sa vegetable area sya naman eh tinutulak ang aming cart habang nakasunod sa akin. Nag punta ako sa may lagayan ng sayote at nagulat na kakaunti na lang ang andon pati sa lagayan ng papaya. Napatawa na lang ako dito, at saka ibinalik ang mga ito sa tamang lalagyan.

Pag katapos maglagay ay pumunta na ako sa pwesto kung nasaan siya at saka kinuha ang kamay niya at hinigit siya papunta doon sa mga iba pang ingredients na kailangan namin. 

"Ilan ba gusto mong ulam?" Tanong ko dito 

"Everything you know to cook, i want to taste them all" Sabi niya, nagulat naman ako sa sagot niya kase madami talaga akong alam lutuin

"Andami naman non, parang may birthdayan ah" Sabi ko dito ngunit di niya naman pinansin

"Fine! Just cook anything you want" Sabi niya sa akin at saka tumango ako dito, next time ko na lang siya lutuan ng iba pang putahe, pero sa ngayon tatlo muna.

Nag punta na kami sa cashier para mag bayad ng aming mga kinuha, maya maya ay bigla nanaman may inabot na black card to. Magsasalita na sana ako kaso umimik naman siya agad

"No I insist, I'm the one who asked you to cook." Sabi niya sa akin, wala na ako nagawa kundi hayaan siya. Pagkatapos namin magbayad ay kukunin ko na sana ang pinamili ngunit naunahan niya ako.

"I wont let you to carry these heavy bags" Sabi niya di ko naman mapigilan na di mapangiti, sobrang gentlewoman naman nito, dalawang bag pa naman hindi ba siya nabibigatan don?

Nag lakad na kami papalabas ng mall ng may biglang bumati sa kanyang guard na agad naman niya ding tinanguhan, pansin ko nga din na halos lahat ng guard tinatanguhan siya. President yarn?

"Bakit andami may kilala sayong guard? Guard ka ba dati?" Tanong ko dito ngunit natawa lang naman siya

"Maybe?" Sabi niya at mas lalo naman akong naguluhan sa sagot niya.

Lumabas na kami sa mall at nagpunta sa kanyang kotse, di niya naman nakakalimutan na buksan ang pintuan ng passenger seat kahit na andami niya ng dala. Dumiretso naman siya sa likod para ilagay ang mga pinamili namin sa compartment ng kotse niya, at saka nagpunta na sa driver seat. Nag seatbelt naman siya pero bago niya pinaandar ang kotse ay umimik muna ito.

The Barista's Heartbeat (GXG)Where stories live. Discover now