Chapter XXXI

1.2K 55 5
                                    

Tanging nakakabinging sigawan lang ang aking narinig matapos malaglag ang bola sa kabilang bahagi ng court, isang hudyat ng aming pagkapanalo sa larong volleyball

"YES!!!"

"ANG GALING MO AEIOU"

"GRABE SABI KO NA MANANALO MGA TAGA IT DEPARTMENT"

Samu't saring opinyon at kumento ang aking naririnig. Grabe hindi din ako makapaniwala na nanalo kami hanggang dulo. Nag sigawan naman ang aking mga kateammates dahil sa tuwa na kanilang nararamdaman kahit ako naman ay sobrang natutuwa din.

Kahit nakakapagod ang araw na ito ay naging sulit naman dahil nanalo kami sa huli. Ang dami din pinagdaanan ng aming team pero nakakatuwa dahil hindi pa din ito naging hadlang.

Nakita ko naman doon si Riah na pumapalakpak sa may unahan ng bleachers kaya kumaway lang ako dito pagkatapos ay ginawaran niya lang naman ako ng isang ngiti.

Ngayon din pala ang tapos ng intrams namin, maya maya din yong awardings. Buti na nga lang at sembreak na ang sunod makakapahinga pa ako bago kami magkaroon ng midterm exam.

"Ang galing mo talagang libero Aeiou kung ako siguro lumaro ngayon baka natalo tayo" Sabi ng nag subsititute sakin na Libero din. Ang totoo niyan kung wala naman siya baka wala din kami dito.

"Baliw magaling ka din kaya!" Sabi ko dito nakita ko naman si Riah na papalapit na sa pwesto namin

"Congratulations on your winnings" Sabi nito sabay abot sa akin ng tubig at tuwalya.

"Grabe ka ma'am kami walang pa tubig?" Tanong ni Gabby 

"There's a water boy over there" Sabi nito dito sabay tingin ulit sa akin

"What? I only have two hands, one for your water and one for your towel" Pag eexplain nito sa akin, natawa lang naman si Gabby sa kanya pati na rin ako dahil ang cute niya mag explain.

"Aeiou sama ka samin mamaya mag bar tayo celebration na din" Sabi ni Joahna medyo naexcite naman ako kasi first time ko lang din makakapunta don eh

"ehem" Rinig kong tikhim ni Riah sa may likuran ko

"Ma'am Arquilla it would be great if you could join our little celebration" Sabi ni Christian. 

Medyo parang nagisip pa ito bago umimik.

"Okay I'll clear my schedule" Sabi nito. Bigla naman nag sigawan ang mga kateammates ko.

Nagulat din ako kasi pumayag siya ang busy niya kaya tas aattend siya bigla sa isang maliit na celebration sino di magugulat don?

"Ma'am Arquilla, mag start na daw po ang program" Banggit ng kakadating lang na student, mukhang member ng SSC naka uniform kasi. 

Naka casual outfit lang kami kaya kahit ano suotin pwede pero syempre bawal yong mga maiikli na kita na ang mga singit singit.

"Go to auditorium students, program are going to start soon." Sabi nito sa mga kasama ko at nagsunudan na din ang iba pang mga estudyante na nakaupo sa mga bleachers. 

Habang naglalakad ay naramdaman ko lang na may humawak ng kamay ko at saka pinisil pisil ito. Kaya naman tumingin lang ako sa kanya.

"I'll go first, see you later" Bulong nito at saka bumitaw na sa akin at lumakad ng mabilis. Ang mga estudyante naman ay kusang nag bigay ng space para sa kanya at ni isa ay walang nagtangka na dumikit dito.

Pagkarating namin sa Auditorium doon lang kami pumwesto kung saan nakaupo ang aming mga kateammates. Buti nauna na sila pumunta kaya di na kami nahirapan maghanap ng upuan.

The Barista's Heartbeat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon