Chapter XIII

1.6K 84 13
                                    

Naglalakad naman kami patungo sa coffee shop na pinag tatrabahuhan ko kailangan niya daw kasi dumaan doon at may kukunin daw siya. Ang bilis niya nga maglakad eh nauuna na siya sa akin. Hanggang ngayon ay nagtataka pa din ako sa sinabi niya na pangalan niya daw yong love. Kelan pa siya nagkapangalan na ganon?

So pwede na tawagin ko din siyang love? Sabi niya pangalan niya eh

"Love" Tawag ko dito practice lang malay mo totoo nga na pangalan niya. Bigla naman itong tumigil at lumingon sa akin.

"What did you just call me?" Tanong nito ng may bakas na pagkagulat sa kanyang mukha.

Pero ngumiti lang ako dito at tumawa, kakatawa kase ang ekspresyon niya para siyang gulat na gulat eh.

"Hey! repeat what you call me" Pangungulit nito sa akin, palapit na siya ngunit nilagpasan ko lang ito habang natatawa tawa. Binuksan ko naman ang pinto at nagulat dahil may nagbukas din pala ng pinto sa loob ng shop kaya naman biglang nahulog yong hawak niyang kape. Ano bang meron sa kape at lagi na lang ako nakakabunggo ng mga may hawak nito.

Tumingin naman ako sa lapag at nakita doon na kalat kalat na ang kape sa lapag, buti na lang at hindi siya natapunan. Papaltan ko na lang ang kape niya, ako pa mismo gagawa para sa kanya.

Tumingin naman ako sa lalaki na nasa harap ko, medyo matipuno din ang katawan at may katangkaran pero mukhang mas matangkad sa kanya si Ma'am. 

"Nako sorry po papaltan ko na l-" Tumigil naman ako sa pagimik ng nagsalita ito

"No I want you to pick it up and clean it" Sabi nito ng seryoso sa akin kaya no choice kukunin ko na sana ng biglang may humigit sa akin patayo.

"Why don't you do it yourself?" Sabi ng kasama ko dito, kinilabutan naman ako dahil bigla talaga nag iba ang awra nito.

"Wha-" Iimik na sana ang lalaki ngunit biglang may tumigil na staff sa gilid niya, si Ella pala.

"Glad you're here, I would like you to kick them out as they are ruining my day" Sabi nito habang nakangisi na nakatingin sa amin, hindi naman nag patinag ang nasa harap ko ngayon sa pakikipag tagisan ng tingin pero humawak lang ako dito sa braso baka mamaya sapukin niya tong lalaki sa inis eh.

"Sir I'm sorry but I cant do t-" Pinatigil naman nito sa pagimik si Ella

"Well then call the manager, come on chop chop" Sabi ng lalaki na tila ba naiinis na sa mga nangyayari. Agad naman umalis si Ella at sinunod ang bilin ng customer. 

"Why can't you just pick it up and admit that you're wrong" Baling ng lalaki sa amin na nakakunot ang noo

"Sabi ko naman po sa inyo na papalitan ko ang kap-" Napatigil naman ako sa pag imik dahil umimik din ang katabi ko, na hanggang ngayon ay hindi pa din matatawaran ang itsura dahil sa inis nito sa lalaki

"You're perfectly capable of doing it yourself; there's no need to burden her with that." Sabay tingin ni ma'am sa baso at sa kape na nakakalat sa lapag namin "She's not someone you can simply ask to do things for you." dagdag nito.

"What is happening here?" Tanong ni Aaliyah, andito pala siya kala ko naattend siya sa event.

"Are you the manager?" Tanong ng lalaki dito pero umiling lang si Aaliyah

"Then why the hell are you here? I'm asking for the manager come on" Sabay sabi ng lalaki na parang gigil na gigil na.

"Staff here are so dumb" Dagdag pa ng lalaki, nakita ko naman tumaas ang kilay ni Aaliyah kahit ako ay nainis na sa asta nitong lalaki na to.

The Barista's Heartbeat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon