Chapter V

2K 82 3
                                    

Today is Monday!! Ngayon ang aking first day of school. 6AM ng mapagdesisyonan kong mag asikaso na ng aking sarili. Kagabi kase naayos ko na yong mga gamit ko sa sobrang excited. Hindi ko muna dadalhin ang laptop ko kase masyadong mabigat eh.

Sinuot ko naman ang aking uniform at napangiti sa sarili. Totoo na talaga to. Hindi na ako nanaginip.

Dala ko na ang aking bag nong ako ay bumaba at nag almusal.

Kinausap naman ako ng aking ama na mag ingat daw ako doon at wag basta basta makipag usap sa mga tao lalo na sa mga hindi kilala. Napatawa naman ako dito ng maliit

"Tay wag na kayo mag alala kaya ko to" Sabi ko dito habang sinuntok pa ang hangin.

"Basta mag iingat ka anak" Sabi nito sa akin at niyakap naman ako.

Kahapon pa talaga ako kinukulit ng aking magulang na kung pwede ay sa malapit na school na lang ako pero pinaliwanag ko naman sa kanila na maganda ang opportunity na nag hihintay dito sakin. Kaya wala na silang nagawa at pumayag na lang.

Lumabas na ako ng tahanan pagkatapos ko mag paalam sa mga ito. Medyo naluluha pa nga ang inay para namang magiibang bansa ako ah.

Nagulat ako ng may tumigil na pamilyar na kotse sa harap ko. Napangiti naman ako ng makita ko ang siraulo kong bestfriend.

"Halika na dito sabay na tayo!" Sabi nito kaya binuksan ko naman ang pinto ng sasakyan niya.

Mabilis lang din naman kaming nakarating sa aming destinasyon.

Wow.

Ang ganda talaga dito. Nakita ko naman ang ibang mga estudyante na naglalakad papasok sa school at sa kani kanilang mga building. Karamihan dito ay mga nakasasakyan.

"Hahatid na ba kita sa room mo o ikaw na bahala sa buhay mo?" Tanong sa akin ni Aaliyah. Napatawa naman ako sa sinabi niya. Kahit kailan talaga.

"Sige na umuna ka na doon madami pa naman akong time para hanapin ko ang aking room" Sabi ko dito ngumiti naman ito at yumakap sa akin

"Sige magiingat ka ha! Text mo lang ako pag may kailangan ka" Sabi nito sa akin at umalis na.

Mas matanda kase sakin ng isang taon si Aaliyah tapos late pa ako ng isang taon sa school kaya naman medyo malayo pa ang agwat namin pag dating sa educational background. Nag tatake na kase siya ng Masteral, tapos ako third year pa lang.

New School, New Environment and New Beginnings.

I can do this! Pag momotivate ko sa sarili ko habang nag lalakad patungo sa aking classroom.

Nagulat ako ng may tumigil na kotse sa tapat ko na medyo may kalayuan. Mas lalo naman akong nagulat sa taong nasa loob nito.

"Miss!" Sabi ko dito ng nakangiti hindi ko din alam bakit ko siya tinawag eh hindi naman kami close.

Student din pala siya dito? Anong year niya na kaya? What if classmate ko pala siya?

Madaming katanungan ang namamayani sa utak ko.

Lumapit naman ako dito at kumaway. Ngunit tumingin lang ito sa akin habang nakataas ang kanyang kilay. Siguro ay hinihintay niya ang aking sasabihin.

"A-ah dito din po ba kayo nag aaral?" Tanong ko dito ngunit hindi niya naman pinansin at tumingin lang ito sa suot kong uniforme.

"Excuse me I have to go" Sabi nito sa akin at nag mamadali ng umalis papunta sa building na pupuntahan ko din.

Baka malalate na siya. Napatingin naman ako sa mga nag bubulungan na malapit sa akin

"The audacity to shout" Sabi nong isang babae na punong puno ng make up ang mukha.

The Barista's Heartbeat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon