Announcement(PLS READ)

2K 71 26
                                    

A/N 

ITS A PRANK, DI SIYA ANNOUNCEMENT :P

































CHAPTER XXI

Hay buhay! May pasok nanaman ako, pero para sa pangarap kailangan mag sipag na talaga. Naghanda na ako para pumasok at isinuot ko na ang aking PE uniform.

Bumaba naman ako ng bahay, at sa pagdaan ko sa aming munting kusina, hindi ko napigilang mapangiti sa amoy ng sinangag at itlog na pula na mistulang kumakaway sa akin mula sa lamesa. Nakita ko sina Inay na nag-aalmusal. Minsan ko na lang sila makita dahil sa aking mga gawain sa paaralan at sa trabaho. Kung uuwi man ako, lagi na lang sa gabi.

"Nak, aalis kami mamaya ng itay mo punta kami ng probinsya. Ikaw na muna bahala sa mga kapatid mo ha?" sabi ni Inay, ngunit sa kabila ng kanyang pag-aalala, ang kanyang mga mata ay nagpapahayag ng tiwala. Tinangoan ko siya bilang pagtugon, at ako'y umupo sa tabi niya upang magsalu-salo sa almusal.

"Ilang araw po kayo doon? pakamusta na lang po sa mga tita" Sabi ko dito habang nakangiti, tagal na din namin nong huling bumisita kina tita. Okay naman din ang pamilya nina Inay di ko din talaga mararamdaman na ampon ako kasi tinatrato din talaga nila ako na isang part ng family.

"Mga isang linggo siguro anak, sayang kasi pamasahe kung uuwi kami agad kaya susulitin na namin ang pagbisita" sabi ni Inay sa akin, at napagtanto ko ang ngiti sa kanyang mga mata ay nagpapahayag ng kaligayahan.

"Anak pano? ikaw na bahala ha? buti na lang maalam kayo mag luto ng kuya mo hindi magugutom si ineng" biro ng itay na ikinatawa ko naman. Bunjing na din talaga tong kapatid ko na babae eh, pano kahit wala naman kami masyadong pera, lagi lagi siyang busog.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na ako sa mga ito at tinanguhan lang naman ako ng mga kapatid ko habang akoy humalik sa magulang ko.

Naglakad na ako palabas ng bahay at nagtungo sa sakayan ng jeep. Biglang may bumusina sa akin na kotse na kulay asul, kaya napatingin ako. Ngayon ko lang ito napansin, kaya't hindi ko na masyadong binigyan ng interes baka mamaya kidnapper pa.

Bumukas ang bintana at nagulat ako nang makita ang mukha ni Ma'am, nagtaka ako dahil iba ang kotse niyang gamit ngayon. Lalo akong naguguluhan nang makita siyang nakangiti sa akin nang hindi pa nagsasalita.

Tiningnan ko siya sa mata at napansin kong hindi ito ang pamilyar na mata na lagi kong tinititigan. Tiningnan ko ang kilay niya para masiguro, at tama nga ang hinala ko. Hindi ito si Riah, pero bakit siya narito?

Bago pa siya makapagsalita, dumeretso na ako sa jeep na huminto sa harap niya. Sumakay ako at hindi na pinansin ang kotse na bumubusina.

Hindi ako gaanong komportable sa kapatid niya, kahit na magkamukha sila, iba pa rin ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang reaksyon ko.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng biglang umandar na ang jeep. Napatingin naman ako sa kotse at nakitang wala ito dito, pero anong ginagawa niya kaya doon? anong pakay niya? Ako ba ang pinunta niya? pero bakit?

Hay, aga-aga, pinag-iisip na naman ako ng mga tao.

Maya maya lamang ay bigla ko nanaman naalala ang paniginip ko kaninang umaga, paano sa panaginip ko  magkadate kami ni Rhia. Kaso naudlot nong biglang nagising ako sa tunog ng aking alarm clock. Cute niya pa naman don.

Nakarating na ako sa babaan ng jeep pero sasakay pa ulit ako ng jeep para makarating sa paaralan. Tiningnan ko naman ang relo ko para tingnan kung anong oras na.

"Hay, buti naman may 40 minutos pa," sabi ko sa sarili habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep. Paghakbang ko, nakita ko ulit yung sasakyan kanina. Mas lalo naman akong kinabahan. Sinusundan niya ba ako? Hindi ko na tinuloy ang pagpunta sa paradahan.

The Barista's Heartbeat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon