Chapter XXIII

1.9K 73 4
                                    

Naglalakad na ako papunta sa coffee shop don nila napili mag intayan. Pupunta kasi kami sa bahay nina Luke at dito nila napagdesisyonan na mag practice para sa performance namin sa Lunes.

Hindi kami natuloy ni Riah, ngayon sana niya ako niyayaya na pumunta sa bahay nila kaso nagkaroon daw siya ng importante na gagawin. Napapansin ko nga na madami talaga siyang inaasikaso bukod pa yong pagiging isa niyang professor.

Sakto lang din naman kasi biglang nagyaya sina Luke na magrehearse.

Habang papasok sa shop may nakita naman akong sign na hiring ngayon sila, nagtataka naman ako kase parang sakto lang naman ang empleyado dito. Nagkibit balikat na lang ako at pumasok na sa loob. Mas lalo akong nagulat ng iilan na lang ang staff dito.

"Vowel! akala ko di ka papasok ngayon?" Sigaw na bungad sa akin ng walang iba kundi si Aaliyah na nakalunok ng microphone.

"Hindi nga pero pwede naman ako tumulong habang nag hihintay kina Luke" Sabi ko dito.

"Nasaan nga pala ang ibang staff?" Tanong ko dito kay Aaliyah

"Nag punta dito ang bebe mo kaninang umaga" Sabi niya napaisip naman ako kung sino ang tinutukoy niya na bebe. At di ko naman siya maiwasan na hampasin ng makita ko ang mapangasar niyang pagmumukha.

"So ayon nga, nag punta dito tapos alam mo ang ginawa? may kinuha siyang papel tapos may mga isa isa siyang pangalan na binanggit na nakasulat doon, then sabi niya..." Bigla naman siyang umubo muna at kumunot ang noo na para bang nag iimitate ng mukha at saka naman itinuloy ang sinasabi nya

"You're all fired! you have no right to disrespect anyone that is dear to me, compare to all of you, she's definitely more responsible and hardworking" Sabi niya at literal na naimagine ko naman si Riah na binabanggit niya yon.

"Ayon ang sabi niya bestfriend, grabe yang alindog mo ha talagang okay lang mawalan kami ng staff basta wala lang mang tangkang kumalaban sayo! Pakasalan mo na kaya" Sabi nito habang natatawa tawa pa. Di ko naman mapigilan na di mapaisip sa mga bagay bagay at maguilty sa mga nawalan ng trabaho

"Oh ayan ka nanaman! Okay lang yon deserve nila matanggal sa trabaho, madalas ko din sila nakikita na nag cecellphone sa may likod buti na nga lang eh para mapalitan na sila." Sabi nito at medyo gumaan naman pakiramdam ko.

Napatingin naman ako sa may pinto at pumasok don si Luke at si Gabby, as usual wala pa din si Jess. Napansin ko na may isa pa silang kasama na babae na hindi ko pa nakikita kahit kailan.

"Gagu" Narinig kong bulong ni Aaliyah sa may likod ko, nagtataka naman akong napatingin dito ngunit bigla lang itong umalis at nagtungo na sa kusina. Ano nangyari don?

"Luke!" Tawag ko sa mga ito at saka naman sila sabay sabay na tumingin sa akin.

"Gurl!!! Namiss kita" Sigaw ni Gabby sa akin at saka tumakbo para yakapin ako, niyakap ko din naman ito.

Maya maya ay kumalas na siya at hinigit ang babae na kasama nila.

"Ito nga pala si Patricia, drummer namin. Lupit noh" Sabi niya di ko naman mapigilan na di mamangha, Babae? Drummer? Grabe yan ang astig nga.

"Hi you must be Aeiou" Sabi niya at ngumiti at tinugunan ko lang naman ito ng ngiti.

Tiningnan ko lang naman siya at makikita mo talaga na astig din siya pumorma, naka loose shirt lang siya habang naka shorts at shoes, tapos naka messy bun pa mala rockstar ang datingan ah. Maganda din siya na medyo may pogi vibes.

"Bakit ganyan ka gurl makatingin kay patpat" Tanong ni Luke at napaiwas naman ako ng tingin dito, gagi nakakahiya naman bat niya naman bigla napuna.

The Barista's Heartbeat (GXG)Where stories live. Discover now