Chapter II

2.5K 97 8
                                    

Nagising naman ako sa alarm na kanina pang tumutunog, kinusot ko muna ang aking mata bago ko tiningnan kung anong oras na.

Agad naman akong napabalikwas ng makitang 6:30 na ng umaga. Konting minuto na lang ay mag bubukas na ang coffee shop, malalate nanaman ako.

Agad agad akong nag asikaso ng aking sarili. Naligo ako ng mabilis pagkatapos ay aking sinuot ang aking uniporme sa trabaho habang nakasukbit ang apron sa aking kamay.

Dali dali naman akong bumaba at nakita doon ang aking inay pati na din ang aking mga kapatid na masayang nag aalmusal. Napangiti naman ako sa aking nakita.

"Anak, mag almusal ka muna halika" Tawag sakin ni Inay, siya nga pala ang kinalakihan kong magulang una pa lang ay pinag tapat na sa akin ng aking pamilya na akoy isang ampon lamang na kanilang kinopkop. Ngunit kahit na ganoon ay kahit kailan hindi ko naramdaman na akoy hindi nila kadugo.

"Nako wag na inay nag mamadali na po ako konting oras na lang malalate na ako" Sagot ko dito ng may paggalang agad naman akong lumapit dito at hinalikan ito sa pisngi.

Nag paalam din ako sa aking dalawang kapatid at lumabas ng bahay pero bago pa ako makalayo ay tumawag sakin ang inay at napalingon naman ako dito.

Lumapit ito sa akin habang may sandok pa itong hawak.

"Anak ito oh pamasahe at baon mo, huwag kang mag papagutom ha" Sabi nito sa akin at sabay abot ng 300 pesos nagulat naman ako sa aking nakita

"Nay nako wag na po" Sabi ko dito ngunit nag pumilit pa din itong ibigay sakin ang pera wala na akong nagawa kundi yakapin ito at mag pasalamat, nagpaalam at umalis na ko dito.

Habang nag lalakad ay may dumaang jeep sa aking gilid at ng makita ko ang nakasulat ay agad naman akong sumigaw dito na naging sanhi ng paghinto nito.

Dali dali akong sumakay at umupo kahit na kakaonti na lang ang space, wala akong magagawa kailangan ko na makadating sa coffee shop kundi mayayari nanaman ako ng bestfriend ko.

Azphyr Brews

Agad naman akong pumara ng mabasa ko ang pangalan nito.

Di maipagkakaila na agaw pansin talaga ang coffee shop na ito, simple ngunit makikita mo kung gaano kaexpensive ang itsura nito. Hindi naman ganoong kamahal ang menu dito sapagkat ginawa talaga itong affordable na may magandang quality para sa mga estudyante o kahit na mga empleyado na gusto bumili at tumambay dito. Hindi kalakihan at hindi rin naman kaliitan ang buong shop na ito tamang tama lang talaga. Pero kahit na ganoon ay dinudumog talaga ito tuwing mga break at labasan.

"So anong meron?" Agad akong napabaling sa aking katabi na naka tayo din sa kung saan ako naka pwesto habang ngumunguya ng pringles. Doon ko lang din napansin na nasa pinaka gitna pala ako at kanina pang nakatayo doon.

"Vowel anong meron? sabihin mo!!" Sabi nito sakin na para bang may hinihintay na sagot.

"Wala" saad ko dito at umalis na iniwan itong nakatayo doon.

Hinabol naman niya ako at inakbayan ang aking balikat

"Eyuuu may maganda akong balita sayo" Sabi nito at napatigil naman ako sa sinabi niya.

"Ang aga aga sinasabi ko sayo, pag yan hindi matino" Pag babanta kong tanong dito na nagpatawa dito ng malakas.

Napa poker face naman ako habang tumingin dito, pag nagkaroon ka nga naman ng kaibigan na may kaonting bara sa utak, napangiwi na lang ako sa inaasta niya.

Sinuot ko naman ang aking apron at dumeretso na sa may counter area.

"Hoy bestfriend bilis halika dito may good news sabi!!" Sabi nito habang malawak ang ngiti niya. Di ko na din maiwasan at napangiti na din ako ng wala sa oras.

The Barista's Heartbeat (GXG)Where stories live. Discover now