Chapter XXX

1.3K 52 4
                                    

I'll pick you up (10 minutes ago)

Basa ko sa isang text galing kay Riah, naalala ko nanaman ang pangyayari kagabi. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa din ang sinabi niya sa akin. Hindi ko maintindihan yong"I can't lose you twice" na part, oh baka naman nagkamali lang siya ng grammar?

Wag daw ako magisip sabi niya pero siya naman tong nagbibigay sa akin ng mga isipin. Hindi kita maintindihan ma'am.

Nagmadali na ako mag asikaso ng sarili ko bago ako bumaba sa bahay namin. Nakita ko doon sina inay at itay na nagaalmusal kasama ang dalwa kong kapatid.

Kailan pa dumating sila? Tatanungin ko sana ngunit nagmamadali na kasi ako baka kanina pa nag hihintay si Riah sa may labas.

"Mauna na po ako" Sabi ko sa mga ito.

"Anak hindi ka ba muna mag aalmusal?" Tanong sa akin ng itay ngunit umiling lang ako dito

"Hindi na po, malalate na po kasi ako" Sabi ko sa mga ito at tumango lang naman sila sabay nag sabi ng ingat sa akin.

Pagkalabas ko, nakita ko ang isang pamilyar na kotse hindi kalayuan sa bahay namin. Kumaway naman ako habang naglalakad palapit dito. Bumukas naman ang pinto at bumungad doon ang aking professor na ubod ng ganda. Suot suot niya ang usual niyang outfit na formal attire, grabe ang ganda niya talaga. Ako na lang talaga mahihiya dumikit eh nagmumukha akong dumi sa kuko pag kasama siya.

Pinagbukas lang naman ako nito ng pinto, at saka nagmadali na pumasok ng kotse. Sumalubong naman sa akin ang amoy ng kanyang pabango na sobrang tamis sa ilong, nakakaadik talaga amuyin, pero syempre wag papahalata baka masabihan ngang adik.

Thursday ngayon, kaya may laro daw kami kaso mukhang ayaw ako palaruin nitong kasama ko. Sabi daw sa Friday na lang daw ako maglaro. Eh ano pa ba ipapasok ko kung di naman din ako maglalaro ngayon. 

"You look pretty" Sabi nito habang nakatingin sa daan, napaiwas naman ako ng tingin dito. Nakakagulat naman ang isang to bigla bigla na lang nagsasalita tas nambobola pa

Narinig ko naman ang mahinang tawa niya, hindi ko din naman maiwasan na hindi mapatingin dito kasi ang ganda niya kaya pag tumatawa at ngumingiti talagang makikita yong saya sa mata niya. 

Naramdaman ko naman na hinawakan nito ang kamay ko na nakapatong sa aking lap at saka hinila ito papalapit sa kanyang labi at saka dinampian ito ng halik.

Ang aga aga, parang matutunaw ata ako dito ah. 

Tumigil naman agad ang kotse niya ng makarating na kami dito sa harap ng school.

Pagbubuksan niya pa sana ulit ako ng pinto ngunit ako na ang kusang nagbukas nito, nakakahiya naman baka may estudyante pa na makakita samin, kung ano pa isipin nila. Ang dami kayang mapanghusga na tao sa mundo.

"Let's first go to my office" Sabi niya sabay hawak sa kamay ko at inintertwined ito, na mas kinagulat ko naman. Gagi hindi ba siya natatakot sa ginagawa niya

"Yong kamay ko po" Sabi ko dito ngunit parang hindi niya ata naririnig kasi parang mas hinigpitan niya pa ata ang hawak dito.

Pumasok naman kami pareho sa elevator at nakahinga naman ako ng maluwag, bigla naman niyang binitawan ang kamay ko, aba nananadya talaga to.

"That's what you get for not letting me open up your door" Sabi niya sabay irap sa akin. Ang babaw talaga nito minsan eh hay ang cute niya talaga nakakainis.

"Tampo ka naman agad" Pang aasar ko dito habang natawa tawa pa, ngunit mas lalo pang sumama ang tingin nito sa akin.

"Gosh" Sabi niya sabay pamewang. Tumunog naman ang elevator at bumukas ito, hinawakan niya muli ang kamay ko at isinabay sa lakad niya papasok sa kanyang office.

The Barista's Heartbeat (GXG)Where stories live. Discover now