CHAPTER 9

258 5 2
                                    

Makalipas ang ilang araw ay nagsimula na ngang manligaw si Keiran kay Avianna. Nalaman din ni Keiran na si Avianna ang bagong CEO ng Lopez Enterprise, kaya naman muling inalok ni Keiran ng deal si Avianna. Dahil naging maganda ang presentation nina Keiran ay inaprubahan ni Avianna ang pakikipag-deal sa Monreal drink and beverages company. Kaya ngayon ay magkasangga na ang dalawang kompanya.

Isang buwan na ring nanliligaw si Keiran kay Avianna. At ngayong araw ang itinakda ni Keiran upang surpresahin si Avianna sa isang harana. Katulad ng sinaunang panahon ay dapat sa bintana siya manghaharana.

“Ito na ang barong na isusuot ko. Paki-ayos na rin ng aking buhok.” Utos ni Keiran sa kanyang hair dresser.

“Sige po sir, pang sinaunang panahon din po ba ang stilo ng buhok mo?”

“Yes.”

Mabilis na inayos ng hair dresser ang buhok ni Keiran.

Habang si Hilda ay inihanda na rin sa Avianna para sa surpresa ni Keiran.

“Best, ang ganda-ganda mo sa suot mong kimona, dalagang Pilipina ka ng tunay!” Nakangiti na wika ni Hilda sa kaibigan.

“Para saan ba ’to? May pa ngayon at hindi august. Anong meron sa suot na ito?” nakasimangot na tanong ni Avianna.

“Gusto kitang gawing model para sa buwan ng wika. Advance lang talaga ako.”

“Ang mga bata nasaan?”

“Nasa ama nila.”

“What? Bakit hindi nagpaalam si Keiran sa akin?”

“Hayaan mo muna silang makapag-bonding.”

“Anong oras ba ‘to matatapos?”

“Basta! Ako ang bahala sa ’yo, sagot kita.”

“Wala na naman akong magagawa eh.”

Napangiti na lang si Hilda at mabilis na inayos ang mukha at buhok ni Avianna.


Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula ng magharana si Keiran kay Avianna. Kinanta n Keiran ang Pangako by Cueshe. Mabilis na tumingin sa baba si Avianna. Natutop niya ang kanyang bibig habang pinagmamasdan si Keiran na kumakanta at nasa tabi nito ang dalawang anak.

“At hindi ko hahayaan na ika’y mawawala

Pipilitin ko ang puso mong mahulog sa ‘kin

At hinding-hindi ka mag-aalinlangan pangako ito

Gagawin ang lahat para sa ‘yo.”

Hanggang sa natapos sa pagkanta si Keiran ay hindi bumibitaw ng tingin si Avianna sa lalaking mahal na mahal niya. Sintunado ang boses ni Keiran ngunit kahit gano’n ay para kay Avianna ay maganda pa rin ang boses ni Keiran.

“Avianna Mataimtim Lopez, will you be my partner for the rest of our lives?” tanong ni Keiran kay Avianna pagkatapos na kumanta. Nakatingala ito sa babaeng pinakamamahal.

Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata ni Avianna at sunod-sunod na tumango.

“Oo, payag akong maging partner mo hanggang sa huling hininga ng buhay natin, Keiran.” Nakangiti na sagot ni Avianna.

“Yes! Yes! Yohooo!” Masayang sigaw ni Keiran.

“Ibababa ko na ang hagdan, okay?” wika ni Hilda at saka inihagis ang isang hagdan. Mabilis na umakyat si Keiran sa hagdan paakyat sa bintana ni Avianna. Imbes na mainis dahil sa ginawa ni Keiran ay natawa pa si Avianna.

“Nagmukha kang si Spiderman ah.” Komento ni Avianna sa ginawa ni Keiran.

“Basta para sa ’yo, kahit anong superhero pa ’yan, kayang-kaya kong gayahin.”

“Yabang ah!”

“Go Daddy! Para sa triplets!” Panabay na sigaw nina Kenzo at Kenzie sa ama. Malapad na napangiti si Keiran sa tinuran ng mga anak.

“Ako ang bahala sa inyo mga anak!” Sigaw ni Keiran.

“Anong sinabi mo sa mga anak mo?”

“Sinabi ko sa kanila na magkakaroon na sila ng triplets na kapatid.”

“Ano-” hindi na natapos ni Avianna ang sasabihin nang halikan siya ni Keiran sa labi.

“I love you, Avianna.” Bulong ni Keiran kay Avianna.

“Mahal din kita, Keiran. Mahal na mahal.” At nang sabihin iyon ni Avianna ay muling naglapat ang kanilang mga labi.

*
Makalipas ang apat na buwan ay nagpakasal na nga sina Keiran at Avianna. Isang bonggang kasal ang idinaos sa isang five star hotel kasama ang pamilya nina Keiran at Avianna. Masayang-masaya rin sina Kenzo at Kenzie dahil sa wakas ay magiging isa na silang pamilya. Sa Boracay nag-honeymoon sina Keiran at Avianna. Para sa dalawa ay iyon na ang simula sa pagbuo ng kanilang pamilya.

Panay ang suka ni Avianna sa harapan ng lababo. Sapo-sapo niya ang noo nang matapos sumuka.

“My goodness! I think. . . I think I’m pregnant!” Malakas na sigaw ni Avianna sa kanyang sarili.

Halos tumakbo siya papalabas ng banyo.

“Keiran, hon!” Masayang tawag ni Avianna sa kanyang asawa.

“O, bakit ka tumatakbo? Baka madulas ka!” saway ni Keiran sa kanyang asawa.

“I’m just excited! I’m pregnant! Hon, I’m pregnant!”

“Yes, I know.”

“H-ha? Pa-paano mo nalaman?”

“You have been dizzy and vomiting these last few days, so, I consulted a doctor- a OB-GYNE doctor to be exact, and she say’s na mag-PT ka nga raw muna. So, I buy 5 sticks of pregnancy test. . . Remember no’ng sinabi ko sa ’yong I need you to have a urine laboratory? Do’n ko kinuha ang urine mo para i-test kung buntis ka nga o hindi.”

“Why you didn’t tell me?”

“Kasi, gusto kong ikaw mismo ang maka-diskubre sa pagbubuntis mo.”

“Kaya pala sobrang caring mo sa akin kasi alam mo ng buntis ako. Ako ata ang na-surpresa mo eh.” Naiiyak na wika ni Avianna sa asawa.

Niyakap naman agad ni Keiran si Avianna.

“I love you so much, Avianna. I will take care of you and our children.”

“Mahal na mahal din kita, Keiran.”

“My sexy driver is officially mine, you’re mine alone, Avianna.”

“Sa ’yong sa ’yo lang ako Keiran.”

Naglapat ang labi nilang dalawa at puno iyon ng pagmamahal.

*
Ibinalita rin nila ang muling pagdadalang-tao ni Avianna. For the second time ay kambal ulit ang naging anak nina Avianna at Keiran, kambal na babae. Hindi man naging triplets ay masaya pa rin ang mag-asawa kasama na ang kanilang anak na sina Kenzo at Kenzie.

Hinalikan ni Keiran sa noo ang asawa.

“Thank you dahil isinilang mo sa mundo ang mga anak natin. You’re an amazing woman, Avianna.” Nakangiti na wika ni Keiran sa asawa.

“Don’t thank me, just love me, Keiran.”

“I will always love you, Avianna. Always.” Pangako ni Keiran sa asawa. Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Avianna at masuyong niyakap ang asawa.

Namuhay ng masaya ang mag-asawang Keiran at Avianna kasama ang kanilang mga anak na sina Kenzo at Kenzie, Avril at Aviran.

***End***

The Billionaire's Sexy DriverWhere stories live. Discover now